🥀CHAPTER 19🥀

8.2K 169 2
                                    

Hindi ko na maintindihan ang lahat, nais ko nang umalis rito sa bahay niya pero hindi ko magawa dahil ayaw niyang ibigay sakin si Reza. Kapag iniintriga ko siya tungkol sa sinabi niya noon sa Mom niya na kasunduan namin after ng annulment ay hindi niya ako sinasagot. Basta nalang niya ako lalayasan at hindi kakausapin.

He told me last time na kailangan kong palipasin ang isang buwan bago niya ibigay sakin ang annulment paper para pirmahan at magsisimula na kami sa schedule namin kay Reza. Mag-iisang buwan na sa susunod na araw, at hindi ako magpipigil na pirmahan ang lintek na annulment paper na 'yon. Gusto ko nang matapos ang lahat ng kalokohang 'to! Hindi ko alam kung bakit pinapatagal niya pa, eh halata namang gusto niya nang ikasal sa Celine na 'yon!

Laging pumupunta ang babae na 'yon rito! Tapos kapag si Lucas ang dumadalaw kay Reza ay ayaw niyang papasukin sa loob ng bahay! Nag-aalburuto ako habang nagmamaneho, kahapon ay sinamahan kami ni Yssa at Ruz para sa chemotherapy ni Reza at sumama rin ang Celine na 'yon!

Buti nalang dumating rin si Lucas, kung hindi, nagmukha na akong alalay ng damuhong Trez na 'yon! How dare him! Talagang pinasama niya pa sa mismong check up ng anak niya ang babae niya! Halatang sinasadya niya ang lahat. Naiinis na ako ng sobra, wala na nga talagang patutunguhan ang lahat ng ito. Lahat naman ng sinabi namin sa harap ng ina niya ay pawang kasinungalingan lang. Hindi kami okay, galit kami sa isa't-isa, alam namin 'yan pareho.

"Bakit hindi maipinta 'yang mukha mo?" Tanong ni Yssa nang salubungin niya. Napatakbo si Raz sakin at niyakap ko naman siya. Kaagad namang lumapit si Reza sakin.

"Si Trez nasaan na?"

"Ewan ko sa damuhong 'yon, kasama siguro ang fiance niya" walang emosyon kong sagot. Wedding anniversary ng ina nila at yumaong ama sa araw na ito, at kaunti lang ang bisita. Nandito kami sa mansion at nahuli pa ako ng dating kaysa kay Reza at manang Marietta.

Pumunta na kami sa malawak na garden at maya-maya lang ay nakita ko siyang pumasok nang entrance ng mag-isa, himala yata at hindi nakadikit ngayon ang babaeng tuko na 'yon. Nakita kong napatirik ang mata ni Reza at napadako ito sakin. Ipinaliwanag ko naman sa kaniya na hindi kami pwede ng ama niya ngunit ayaw niyang makinig sakin. Hindi ko na ulit siya kinulit pa dahil hindi niya ako pinansin ng dalawang araw at ganun rin ang ama niya.

Hindi ko namalayan nagpapalakpakan na pala ang ilang bisita na nakadalo.

"Thank you so much to all of you, although wala na si Tricio, but I still wanted to celebrate our wedding anniversary every year. And I can't do this alone, thank you so much to my two sons for supporting me. Of course sa inyong lahat, good evening everyone and enjoy your meal"

Narinig ko nalang ang palakpakan ulit ng mga tao at mabilis akong tumayo.

"Rose, saan ka pupunta?"

"Magbabanyo lang ako" sagot ko kay Yssa. Naramdaman ko ang pagvibrate ng phone ko at hindi na ako nag-abalang sagutin ito dahil kanina pa ako naduduwal. Muntik pa akong hindi nakaabot ng banyo, uminom ako ng kaunting wine kanina at iniluwa ko kaagad pati yung mga nakain ko. Napasandal ako sa pader pagkatapos, at sinagot ang tawag.

"Lucas? Hindi pa kami nakauwi, bukas mo nalang 'yan ibigay kay Reza"

"But I want to see you, hintayin nalang kita please"

"Lucas baka gabihin kami ng uwi—"

"Rose? Ayos kalang?" Naibaba ko kasi ang phone sa gilid ng sink dahil muli akong napaduwal. Kaagad akong naghugas ng bibig at napahilamos.

"Rose, what's happening there?" Ramdam ko ang pag-aalala sa boses niya.

"Ayos lang ako, nga pala, text nalang kita kapag nakauwi na kami. Baka maya-maya ay tapos narin ang party"

The Billionaire's Lesbian Wife: TREZ & ROSE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon