🥀CHAPTER 9🥀

7.5K 171 17
                                    

"Lucas! No, please tama na!" napasigaw ako hinila siya ngunit nakita kong galit na galit ang mukha niya.

"I told you! Isang hawak pa at babasagin ko ang pagmumukha mo!"

Napaatras ako nang makatayo si Lucas at inambagan siya ng suntok ngunit nakailag siya at tinuhod niya ito kaya napatalsik siya sa sofa. Kaagad kong tinakpan si Lucas at nag-iigting ang panga niya habang nakatitig sa akin.

"Tama na sabi! Lumabas ka rito Trez Kulton!"

"Sinasabi ko na nga ba at ikaw ang nakita kong pumasok rito, kulang pa ba ang ginawa natin kanina para makipagkita kapa sa kaniya?"

"No! Huwag kang lumapit rito!"

Nakita ko siyang ngumisi at hindi ito umabot sa mga mata niya, nakakatakot ang mga ngisi niya nang titigan niya si Lucas.

"You! Tumayo ka diyan, malawak itong office mo at hinahamon kita! If you will win then you can have her, at kapag hindi then I will beat you until you lose your breath, asshole!"

"Lumabas ka rito! Stop this nonsense!" pinigilan ko si Lucas nang tumayo siya at pinahiran ang labi niyang nasugatan bunga ng pagakakasuntok sa kaniya ng gagong Trez!

"Really? Pinapalabas mo ako sa sarili kong hospital? I told you, hindi niyo pa ako kilala. Niligaw mo pa talaga ako pero dito parin kita makikita sa lalaking ito!"

"I don't care kahit ikaw pa ang nagmamay-ari ng hospital na ito. You can't have her, at hindi ako papayag na ituturing mo ng ganito si Rose! Kasal nga kayo pero sa papel lang, kahit babasagin mo pa ang mukha ko aagawin ko parin siya sayo!"

Nanlaki ang mga mata ko nang mabilis niyang kwenilyuhan si Lucas, ganoon din si Lucas sa at napahawak ako sa ulo ko nang sinapak niya nalang ito ngunit nakailag si Lucas at tinuhod rin siya nito.

"Lucas tama na" nanghihinang sabi ko at pinigilan ko siya. Nakakuyom ang mga palad niya at nang tumayo si Trez ay nakangisi na siya habang inaayos ang suot niya.

"Lumabas ka rito Rose" utos niya sakin ngunit umiling ako. Nanlaki ang mga mata ko nang muli silang nagkasuntukan. Kahit anong awat ko ay ayaw nilang tumigil, napatakbo ako sa labas at tumawag ng security guards.

Pagbalik namin ay nakita ko si Lucas na nakatalikod at nakadapa sa table niya habang ang isang kamay niya ay pabalibag na hawak ni Trez. Kaagad silang inawat ng mga security guards at nilapitan ko si Lucas ngunit hinila niya ako papalayo.

"I win!" nagpumiglas ako at tinulak siya ngunit bigla nalang niya ako binuhat na parang isang sako ng bigas.

"Ibaba mo ako! Damn you Trez!" pinagsusuntok ko ang likod niya dahil nakatiwarik ako ngunit parang wala lang sa kaniya. Nakaramdam ako ng hiya dahil marami ang nakatingin sa amin. Hanggang sa pumasok kami ng elevator ay hindi niya parin ako ibinaba.

Nang makarating kami sa parking lot ay ipinasok niya ako sa kotse niya ngunit nang makaupo ako ay kaagad akong bumaba. Napadikit ang likod ko sa kotse niya dahil bigla nalang niya ako ikinulong sa dalawang braso niya. Nagbabaga ang mga mata niya habang nakatitig sakin at nag-iinit ang dibdib ko dahil sa galit na nararamdaman ko sa kaniya dahil sa ginawa niya kay Lucas.

Namula ang pisngi niya dahil sa lakas ng pagsampal ko sa kaniya. Nanginingig ang mga kamay ko at nakatitig lamang siya sakin pagkatapos ko siyang sampalin. Kaagad niya akong siniil ng halik at nasasaktan na ako sa ginagawa niya sakin. Literal na ginagawa niya akong laruan, bagay na tila pagmamay-ari niya at pagkatapos ng anim na buwan ay pakakawalan niya na ako na parang basura.

He don't need to do this, tinanggap ko na ang lahat ng condition niya bakit kailangan niya pang gawin sakin ito? Bakit kailangan niya pang saktan si Lucas? Totoo naman ang sinabi ni Lucas sa kaniya na kasal lang kami sa papel at walang katotohanan lahat ng 'yon.

The Billionaire's Lesbian Wife: TREZ & ROSE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon