🌷EPILOGUE🌷

10.9K 189 22
                                    

Akala ko noong una nagbibiro si Trez na kinabukasan ay kasal na namin. Tinukso pa siya ni Val tungkol sa sinabi nito sa hospital na next week kaagad ang kasal namin, 'yon ang sabi niya at hindi naman ako naniwala kaagad kasi hindi pa kami nakapagplano. I thought he's just joking when he said that.

Hindi rin madali ang magplano ng kasal, pero hindi ako makapaniwala dahil sa isang linggo na busy siya, at ang sabi niya inaasikaso niya ang lahat para sa birthday ni Reza ay kasama na pala doon ang para sa kasal namin.

Last week, marami siyang tinatanong tungkol sa kung anong gusto kong motif o kaya gusto kong design ng wedding gown, saan ko gustong ikasal at lahat tinanong niya. Sinabi ko naman kaagad kasi nagpakatotoo lang ako, without knowing na gumagalaw na pala siya.

Until now, I am still crying with joy. I am now wearing a wedding gown. I liked the design, magaling din pala pumili ang mokong na 'yon. I smiled as the designer adjusted my outfit, and I just had to retouch. I am nervous yet excited. I thought that in weddings, everything is fine and calm, but Yssa was right when she said that you really sweat because of the mixed emotions you will feel.

"Loko talaga 'yang si Trez, even mom can't believe it. Para naman siyang may superpower kung magplano ng kasal niyo, atleast, hindi kana niya pinahirapan pa"

Sabi ni Yssa sa tabi ko, napangiti siya sa'kin habang nakahawak sa kamay ko.

"Kalma kalang, normal lang 'yan. Wala naman sigurong pipigil sa kasal niyo ngayon, garden wedding 'to at may swimming pool sa unahan kaya kung sakali mang meron puwedeng-puwede mo siyang lunurin doon"

Kapwa kaming natawa dahil sa sinabi niya. Sana nga wala, baka kasi may bigla nalang magwawala. I trust him pero 80% lang, ibibigay ko ang buong tiwala ko kapag tapos na ang kasal namin, and I hope he won't destroy that trust.

"Hindi lang siguro ang magtutulak sa kaniya sa pool kundi kaming dalawa ni Reza"
Narinig ko ang malakas na pagtawa ni Yssa, nakahawak pa siya sa tiyan niya. Natawa rin ako kasi nagtutumaas baba yung tiyan niya na magpipitong buwan na sa susunod na linggo.

"Ma'am puwede ka na raw lumabas, malapit na magstart"
Dinig kong sabi ng organizer. Inalalayan naman nila ako at lumabas na kami ng suites. Hindi ko pa nakita yung garden kung gaano ito kaganda, but sabi ni Yssa sa'kin sobrang ganda daw.

"Oh sige na alis na ako. Goodluck to you Rose, congratulations narin and best wishes sa inyo. Be happy, I love you"

"Yssa naman eh"
Pinigilan kong huwag maiyak dahil sa huling sinabi niya. Naramdaman ko nalang ang pagyakap niya sa'kin.

"Shh, huwag kang umiyak mamaya na"

"Thank you Yssa, I love you too you know that"

"Yes I know that, sige na alis na ako. Maghintay kalang dito at maya-maya lang ay magsisimula ka nang maglakad"
Napatango ako sa kaniya at mahinang pinisil ang kamay ko. Sinundan ko naman siya ng tingin nang umalis na siya.

I exhaled deeply and took a deep breath out of nervousness. Shortly after, my companion organizer assisted me to take my position at the entrance of the aisle.

"Goodluck ma'am"
Napalingon ako sa kaniya nang sabihin niya 'yon. Napatango ako sa kaniya at nagpasalamat.

Ilang segundo lang ang lumipas ay narinig ko na ang wedding song. Nagsimula na akong maglakad, at napangiti ako nang makita ko si manang Marietta na naghihintay sa'kin sa unahan ng main entrance. Maluwag siyang nakangiti sa'kin nang kumapit ako sa braso niya.

"Congratulations Rose, masaya ako para sa'yo"

"Salamat manang, ikaw ang tumayong magulang ko. Thank you sa lahat"
Madamdamin kong sabi.

The Billionaire's Lesbian Wife: TREZ & ROSE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon