CHAPTER 19

10 3 0
                                    

***

TRIGGER WARNING! ⚠️
THIS CHAPTER CONTAINS  S*ICID*L
THOUGHTS AND AB*SIVE ACTIONS PLEASE PROCEED WITH THE CAUTION


Val's POV

“Val! Ano ginagawa mo dito?” bungad niya pag baba niya sa may sasakyan niya.

Nakaramdam ako ng tinding gutom, nanginginig Ang buong katawan ko at tila onting galaw ko lang ay susuko na ito.

“Zel, t-ake me b-ack to the University” nahihirapan kong sambit.

“Anong take you back dun? Nag viral ka nga na kaaway mo kapatid mo eh!” sigaw niya

“Dadalhin kita sa hotel na pinag check inan mo.” sambit niya.

“I-i have to save her”

“Jusko Val! Pwede ba unahin mo muna sarili mo? Puro ka Ivy, Ivy,Ivy. Dimo nga alam kung gusto ka nun!”

Imbes na gumaan loob ko ay tila lalo ito bumigat. Pinang hahawakan ko na lamang ang mga mensahe na kanyang iminungkahi sakin.

“Tara na” pag aalok niya ngunit hindi na kinaya pa ng katawan ko.

Bumagsak ako sa lupa at pakiramdam ko sukong suko na buong katawan ko. Akala ko dito na mag tatapos ang kwento ko pero hindi pa pala.

Nag sisimula palang ang totoong laban. Laban kung saan diko sigurado kung makakamit koba ang hustisya. Papunta palang ako sa exciting part ng buhat ko.

***

Pag gising ko ay natagpuan ko ang sarili ko sa di pamilyar na lugar. Binalot ito ng mga itim na kurtina at itim na pader.

Am I in hell?

Kinapa ko ang bulsa ko para kunin ang cellphone ko. Napa ka dilim wala ako makita. May pumapasok lang na konting liwanag mula sa bintana kaya sinubukan ko agad na tumayo.

Naramdaman ko ang sakit sa may kamay ko, parang may naka tusok. Hindi ko ito makita dahil nga madilim pero pinilit kong tumayo.

Nang marating ko ang bintana ay hinila ko pababa ang kurtina. Nang hihina parin ako, pero pakiramdam ko mas mahina katawan ko ngayon.

Pag bukas nito ay bumungad sakin ang liwanag mula sa labas. May nakita akong isang fountain sa labas at tatlong mamahalin na sasakyan.

Saka ko lamang napag tanto kung nasan ako nang may makita akong isang lugar sa labas na nag bigay sakin ng matinding alaala.

Dinala nila ako sa dati naming mansyon.

Inilibot ko ang tingin ko sa paligid para masiguro ko na di ako nag kakamali.
Tama nga dito namatay ang mama ko.

“Ilabas niyo ako dito!” sigaw ko ngunit walang tumutugon.

Naging mabigat muli ang nararamdaman ko ng makita ang lubid na nasa may dingding.

Tinakpan ko ang mga tenga ko dahil sa sobrang takot. Panic attack is waving at me.

“Anak, I miss you” mga katagang paulit ulit kong naririnig sa buong paligid.

“I miss you” pag uulit nito. Halos mabaliw nako sa pag hagulgol dahil sa mga nakikita ko. Nakikita ko ang mama ko sa taas ng dingding naka tali ang leeg sa may lubid habang naka ngiti sakin.

Till My Heartaches End  || COMPLETED ||Where stories live. Discover now