CHAPTER 14

2.3K 24 1
                                    

Namumutla ako at sobrang nahihilo dahil kanina. Nang mapatingin naman ako sa kanya ay mas lalo lang akong nag-alala dahil nasukahan ko ang damit niya. Paniguradong magagalit talaga ito sa akin. Patay talaga!

"Fuck! Shit! Damn this!" Sunod sunod ang mura nito.

Nang napatingin naman siya sa akin ay sobra akong kinabahan. Ngunit nagbago ang reaksyon nito. Napalitan ito ng pag-alala na hindi ko inaasahan. "Damn!... You okay?"

Ang akala kong magagalit ito ay hindi pala. Sa halip ay may kinuha itong tubig sa bag niya at ibinigay sa akin. Agad ko naman yung kinuha at kahit papaano ay nabawas-bawasan ang pamumutla at pagkahilo ko nang mainom ko 'yon.

"Sorry po sir..." Hingi kong tawad sa kaniya nang makita ulit ang nadumihan niyang damit.

Nagbago na ba siya? Nawala na ba ang hindi magandang asal nito? Himala! Pero gaya nga ng pagkakakilala ko sa kaniya. Masama lang talaga siyang tignan ngunit hindi siya nagdadalawang isip na tulungan ako.

Ngunit hindi nito pinansin ang sinabi ko. Sa halip, nakita kong nandire itong napatingin sa damit niya. Hindi ko naman siya masisi pati nga ako ay nandidire sa sariling suka. Kulay cream kasi 'yon at may mga bigas pa na dumikit sa damit niya. Tumutulo iyon at yung iba naman ay dumadaos-os pababa.

Ngunit hinubad lang nito ng walang pasabi ang suot pang itaas dahilan para matigilan at lalong mapamutlaan ako. Jusko!

Ang bilis ng pangyayari at ngayo'y kitang kita ko ang nakakamatay taong katawan niya. May kunting dikit ng suka sa katawan niya pero pinahid niya 'yon.

Ang ganda talaga ng hubog ng katawan nito. Walang panama talaga ang mga sikat na model sa kanya. Yung bang mga sobrang gwapong hollywood actor na nagtopless ang dating niya. Kung hindi ito napalad sa pagnenegosyo ay kung magmomodelo naman siya ay tiyak yayaman din sa paraang 'yon. Nasa kanya na talaga ang lahat.

Natural lang naman talagang hubarin nito ang damit kasi nasukaan ko nga siya. Kung nasa sitwasyon ko din siya ay marahil ginawa ko din ang paghuhubad. Ngunit hindi nga lang sa harap ng isang lalaki, na ginawa niya sa harap naman ng babae. Ewan ko ba, hindi ba siya naiilang sa nangyayari?

Parang nilagyan talaga ng malakas na magnet mata ko sa katawan niya. Ang ganda kasing tignan. Nakakaaya at nakakaakit sa totoo lang. Pagnanasa ba ito?

"I should have not done that..."

Yung paghuhubad yan sana ang hindi mo ginawa kasi... Nagkakaroon ako ng kasalanan. Yung pagpapaandar ng sobrang mabilis pero ang pagiging hubadera niya ngayon nandadamay siya ng tao.

Unti-unti nang nakakarecover ang katawan ko kanina. Ang pamumutla ko ngayon ay dahil sa nakita ko na. Pinagdadasal ko talaga na hindi niya mapansin 'yon. Sobrang nakakahiya pag mapansin niya.

"H-hindi kasi kayo nakinig sa akin, S-sir," pinipilit kong maging normal ang boses para hindi nakakahiya at hindi nito mapansin na hindi ako kumportable.

"I know! It's my fault."

Gumalaw ito at binuksan ang pinto ng sasakyan at pagkatapos naman nun ay itinapon ang pulo at t-shirt na suot niya. Nang mapabalik naman ito sa gawi ko ay napatingin ito sa akin. Marahil napansin din siguro nitong iba ang naging titig ko sa kaniya. Nakakahiya!

"S-sir, hindi niyo naman po kailangang itapon 'yon. Pwede ko naman labhan lang, sayang kasi. Mukhang mamahalin pa naman mga damit niyo..."

"It's just clothes... Are you okay now?"

Tumango naman ako.

"Then, bakit ka namumutla at namumula?"

Sino ba naman kasing 'di mamumutla kong nakabandera sa akin ang walang damit pang itaas na katawan niya?

The Ruthless Billionaire Likes Me [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon