CHAPTER 40

1.8K 17 2
                                    

Clingy na kung clingy. Pero nanlalambing parin ako kay Gunner. Na kahit habang nagtratrabaho ito ay nakaupo ako sa kandungan niya. Wala naman itong naging angal. Hinayaan lang naman ako nito. Patuloy parin ito sa ginagawa.

Naramdaman ko nalang na isinadal nito ang ulo nito sa balikat ko habang nagtipa ito sa laptop niya. Binasa ko 'yon. Nagcha-chat pala siya sa mga kabusiness partner niya. Hindi ko nga lang maintindihan kasi hindi ako familiar sa wikang ginamit.

"Anlasma yapildi ingilizcesi— Ha? Anong ibig sabihin niyan?" Parang alien na kasi nang binasa ko.

"It's turkish, babe..." Banggit nito.

"Weh? 'Di nga? Sample nga!" Hindi kasi kapani-paniwalang alam nito paano mag turkish. Ngunit sabagay, yung hitsura niya din, halatang may halo din naman.

"Tsss, I'm half Filipino half Turks, babe. And I usually visit there. I am native turkish speaker..."

Ngayon ko palang 'to nalaman. Oo nga! Hindi ko napansin na mukha pala itong Turks. Kaya pala sobrang gwapo ito kasi may dugong foreigner. May halo.

"Talaga?" Napabalikwas ako at napatingin sa kanya.

"Evet öyle bebeğim. Seni seviyorum..." Napanganga nalang ako. Hindi ko naintindihan ang sinasabi nito. Pero, para bang sanay na ang dila niyang sabihin ang mga katagang 'yon.

"Ha? Anong ibig sabihin nun?"

"It's for you to find out."

"Na ewan ko talaga sa'yo Gunner. Baka nilalait muna ako sa linggwaheng 'yon," binelatan ko siya.

Napatawa ako, "Why would I even do that?"

"Basta! Malay ko ba sa'yo,"

Oo nga! Ano bang alam ko sa mga sinabi niya? Kailangan ko pa nga siguro ng pangmalakasang translator para maintindihan 'yon.

Sakto namang may kumatok sa pinto ng office niya. Ngunit hindi parin ako umalis sa kandungan ni Gunner. Bahala na! Kung anong isipin kung sino man itong papasok. Wala na akong pakialam don.

Bumakas naman 'yon at lumuwa si Leo na ngayo'y nabigla nang masaksihan ang posisyon namin. Wala kasi itong ideya sa namamagitan sa aming dalawa ni Gunner. Hindi naman ako nagkwento sa kaniya kahit ni isa. Siguro may naging clue lang siya nung nagkasagotan kaming dalawa ni Gunner kahapon.

"Umm— Sir!" Tumikhim ito. "Si Melissa po nasa labas? Papasukin ko ba?" Hininaan nito ang boses.

"No! Don't let her in!" Ma-awtoridad ang boses nito.

"She wouldn't listen sir. I can't handle her anymore..."

Nakita kong napahinga ng malalim si Gunner. Hindi na alam anong gagawin sa babaeng 'yon.

"Should we let her in babe?" Ngunit tumingin lang sa akin si Gunner.

Tumango naman ako, "Why not naman?"

"Let her in!" Maawtoridad na sabi ni Gunner.

"Okay sir," sagot lang ni Leo bago ito lumabas.

Kailangan ko sigurong ihanda ang sarili. I need to face her. Bahala siya. Kampante naman ako kasi nandito naman si Gunner sa tabi ko.

Makaraan nga ng ilang segundo ay bumukas nga yung pinto at iniluwa doon si Melissa. Ganoon pa rin ang posisyon namin. Hindi parin ako umalis sa kandungan ni Gunner. I have this feeling that I want to show her that he is only mine. Mine alone. Bahala na kung anong isipin nito.

Walang duda sa mga mata nito ang gulat nang makitang nakaupo sa kandungan ng lalaking tinatamasa niya. She look surprised. Jealous. Binigyan niya ako ng masamang tingin. If looks could kill, matagal na siguro akong pinaglalamayan dito. But, I really don't care!

The Ruthless Billionaire Likes Me [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon