CHAPTER 56

1.6K 12 2
                                    

Hindi ko alam ilang oras na akong nakagapos dito sa loob ng bodega. Nakaramdam na ako ng pangangalam ng tiyan sa gutom, dagdagan pa na parang nahihilo na ako sa lugar.

Pinag-alala ko talaga na baka yung drugs na pinainom sa akin ni Melissa ay makakaapekto iyon sa bata na nasa sinapupunan ko. Pinagpapasalamat ko naman na hanggang ngayon ay wala naman akong nararamdamang kaiba, maliban nalang sa pagkagutom at pagkahilo. Normal naman yata 'yon kasi wala akong kain at nasasakal na ako sa lugar. Ngayon ko lang kasi narealize na maaring mataas ang caffeine consumption ng kapeng nainom ko na maaring makasama sa kalusugan ng bata.

Medyo tuyo na rin ang damit ko na kanina ay binasa ng isang baldeng tubig ni Melissa. Nakakainis lang talagang isipin na hindi ko magawang manlaban kasi may hawak itong baril.

Kailan pa kaya ako mahahanap ni Gunner? Alam ko namang hindi siya nagpapabaya sa paghahanap. Sadyang, hindi na ako makakapaghintay pa. Ayaw na ayaw ko na dito. Ayaw kong nakaposas at higit sa lahat ayaw na ayaw kong makita ang pagmumukha ni Melissa. She irritates me so much!

Hanggang sa hindi ko nalang namalayan sa sarili na nakatulog nalang pala ako dito kahit pa medyo malamig at matigas ang semento na halig. Pagod na pagod na talaga ang matawan ko. Sa kabilang banda din, sanay naman ako sa matitigas na higaan sa probinsya.

~~~~~

NAGISING nalang ako nang makaramdam ng malamig na tubig na dumampi sa balat. Nabigla ako kasi tulog ang diwa ko at bigla-bigla nalang may magtapon na naman ulit ng isang baldeng tubig sa akin.

Basang-basa na naman ako at pakiramdam ko ay magkakasakit talaga ako nito pagkatapos. Natuyuan ba naman ako ng damit ilang beses na, dagdagan pa na hindi ako kumportable sa temperatura ng lugar na ito.

Napaubo ako, "Melissa!" saway ko.

"Good morning, miss P.A!" Hawak nito ang ngayo'y walang laman na balde at itinapon iyon sa bandang gilid niya dahilan para gumawa iyon ng ingay sa paligid. Gumugulong ito.

Tumutulo ang tubig mula sa katawan ko patungo sa sahig. Basang-basa talaga ako. Gusto kong mapatili sa inis. Mula sa pagkahiga ay napaupo ako. If only I could fight back to her. I wish I could done it.

"Melissa... Pakawalan mo na ako dito!" Mahina ang boses ko. Unti-unti na talagang nawawala ang lakas ko. Wala kasing kain. Dagdagan pa sa nakakasakit na temperatura ng lugar. Manghihina ka talaga sa ganitong sitwasyon.

"Bakit ka pa ba nag-eexpect na makakatakas pa dito? You will rot here!" Tumawa ito.

"Melissa! Please... " naluluha na ang mga mata ko. I badly want to get out of here.

Kung kailangan kong magmakaawa sa kaniya para pakawalan dito ay gagawin ko. Hindi ang sariling kalusugan lang ang inaalala ko, pati na rin ang kalusugan ng anak namin ni Gunner.

Kahit sa bata nalang...

"Kakalimutan ko 'to... I will act that this not happened basta pakawalan mo lang ako. I promise to you... Hindi kita guguluhin..." I pleaded in a hoarse voice.

"Anong tingin mo sa akin tanga? Akala ko ba matapang ka o ano ngayon ha?" walang puso nitong sabi.

Manhid ba siya? Hindi ba siya marunong maawa? Alam kong pag siya ang nasa posisyon ko ngayon ay hindi rin nito gugustuhin ang pangyayari.

"Melissa please..." I begged.

"Shut up! Wala yang effect sa akin! That's your karma for ruining my life. You have to face it! Karma is really a bitch, miss P.A!" binigyan niya ng diin ang huling salita.

Kung sino man ang dapat magkakarma ngayon, siya 'yon! Akala kasi niyang siya yung nasa tama pero hindi eh! Unang-una palang, siya ang may kasalanan ng lahat ng 'to. Yung mga binabatong salita niya sa'kin, sariling katauhan ang tinutukoy niya.

The Ruthless Billionaire Likes Me [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon