CHAPTER 28

1.9K 20 1
                                    

"Ndabi, pinirmahan mo daw ang kontrata ni Mr. Gunwòr," saad ni señorito Almorre.

Gulat na gulat ako sa sinabi nito kanina dahil umagang-umaga ay ito ang bumungad sa akin. Kakagising ko palang.

"S-señorito, hindi ko po alam... Pinapirma lang po ako ni Sir Gunner sabi niya proof lang 'yon na nareceive ko daw yung papel na ibibigay ko sa inyo. Maniwala po kayo sa akin, hindi ko po talaga alam." Halos mangiyak-ngiyak ko nang sambit sa kaniya. Hindi ko naman kasi akalain na kontrata pala yung napirmahan ko kahapon.

"He also said that you'll going to pay pag hindi mo daw tinupad yung nakasaad sa kontrata niyo..."

Magbayad? Eh! Halos wala na ngang natitira sa sweldo ko dahil pinapadala ko 'yon kila nanay. Wala akong alam sa kontratong 'yon. Hindi totoo ang kontratang iyon. Hindi maari!

"Señorito, hindi ko po talaga alam paano nangyari 'to..." Pinipigilan ko nang bumasag ang boses. Parang may kung anong bagay na tumusok sa puso ko.

"As much as I want to help you now, hindi talaga pwede. Mr. Gunwòr is really influencial and losing him as my business partner. Wala nang mag-iinvest ng malaki sa kompanya ko."

"Señorito..." Hindi ko na talaga napigilan bumasag na ang boses ko at nagsimula nang may tumulong likido sa mga mata ko.

Ang sama sama ni Gunner! Yung pinermahan ko ba naman kahapon ay kontrata pala 'yon na pagtratrabaho ko daw sa kaniya. Walanghiya siya!

"Ndabi, mas mabuti sigurong tupadin mo nalang yung kontratang napag-usapan niyong dalawa ni Mr. Gunwòr," mungkahi nito.

"P-pero hindi po pwede... M-may trabaho po ako dito..." Sagot ko habang basag ang boses.

"Kahit ako man gusto kitang tulungan kaso hindi basta bastang tao kasi yung taong involve dito. Mahirap na baka mapikon si Mr. Gunwòr. Isang taon lang naman yung magiging kontrata mo 'tsaka bukas pa naman itong mansyon kung sakali mang matapos ka na sa kontrata mo..."

Pero... Kahit na. Hindi ako sang-ayon sa kontratong 'yon. Ayaw ko na namang magkaroon ng interaksyon muli sa kanya.

"Paano na po 'to..."

"Mas mabuting tuparin mo nalang yung nakasaad sa kontrata, Ndabi. Kaysa naman sa makapagbayad ka diba? Tiisin mo nalang muna. Mabilis lang naman tatakbo ang panahon..."

Napaiyak nalang talaga ako. Labag sa kalooban ko ang kontratang 'yon. Kahit nga makita ko lang siya ay ayaw na ayaw ko. Bumabalik ang mga nangyari kasi —at hindi mabuti 'yon.

"Señorito, paumanhin po pero ano pong nangyayari dito? Bakit umiiyak ang pamangkin ko?" Hindi ko na pala napansin na dumating pala si auntie Arlyn sa likuran ko. Gulat din ito sa pangyayari at malaki ang pagtataka.

Tumikhin muna si Señorito Almorre bago nito simulang pinaliwanag ni Auntie ang nangyari. Gaya ko ay nagulat din ito. Wala din namang mag-aakalang mangyayari 'to. Surprise siguro ito ngayong umaga. Bangongot sa gising kong diwa.

"Ha? Pano 'yon nangyari, Ndabi? Bakit ka ba naman basta-basta lang pumirma ng mga dokumento? Hindi mo ba binasa man lang yung laman ng papel..." Si auntie na ngayo'y  na mumublema na din.

"Hindi ko talaga alam, sabi kasi niyang proof lang daw 'yon na nareceive ko yung ipabibigay niya kay señorito. Linggid talaga 'to sa kaalaman ko." Pagpapaliwanag ko.

"Wala na tayong magagawa nito. Tapos na, mas mabuti sigurong tupadin mo nalang yung kontrata n'yong dalawa. Mahirap na pagsinuway si Mr. Gunwòr, maimpluwensya 'yon..." Si señorito Amorre.

"Auntie..." Sambit ko habang tinitignan si auntie sa pinakamalungkot na mukha.

Ayaw ko s'yang maging boss. Hindi ko na nga maisip kung mangyari man yun. Matinding bangongot talaga.

The Ruthless Billionaire Likes Me [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon