CHAPTER 32

1.9K 17 0
                                    

Same routine. Halos paulit-ulit nalang talaga ang pangyayari sa buhay. Two weeks have already passed. Gumising sa umaga, pumasok sa trabaho, uuwi, matulog at balik na naman.

Ang boring na talaga!

Pero boring na kung boring atleast may sweldo na ako. Ayon sa mga kasamahan ko at pati narin kay Gunner na every 15 days daw pumapasok ang kalahati sa sweldo namin. Kinsenas ang bigayan. Ganoon raw.

Ang sarap talaga sa feeling na pagwidraw ko sa Card ng machine ay may nakalagay doong pera, yung sweldo ko. Aaminin ko man at sa hindi pero sobrang laki talaga magpapasahod si Gunner. Pati din mga kasamahan ko sa trabaho, 'yon din ang opinyon nila. Kaya kahit pa masama ang ugali nito ay marami paring tumatagal sa kaniya sa kadahilanang malaki ito kung magpasahod.

Ngayon ay nakaupo ako ngayon sa plaza mag-isa habang nakatanaw sa paligid. Balak ko kasing tawagan sila nanay upang ipaalam sa kanilang nagpadala ako ng pera. Maraming naging tulong si Gunner sa akin. Aside sa pagbigay niya sa akin ng magandang trabaho ay binigyan niya rin ako ng bagong cellphone. Sa totoo lang, unti-unti na naman akong nagkaroon ng utang na loob sa kaniya.

Nakapagpaalam na ako ngayon kay Gunner na hindi muna ako papasok sa hapon. Useless lang din naman ang presensya ko doon kompanya niya. Wala naman akong masyadong ginagawa. Kung tutuusin nakatulala lang ako buong maghapon. Hinihiling ko na nga minsan na utusan ako nito para naman may magawa.

Dahil wala naman akong ginagawa ngayon ay napagdesisyonan kong tawagan sila nanay. Labis ang pagkasabik ko nang magsimula nang magring ang cellphone na hawak ko. Nang sinagot naman ito sa kabilang linya ay mas sumabik pa talaga ang pakiramdam ko.

"Uy! Ndabi," sagot sa kabilang linya

"Caloy, pwedeng makisuyo makisuyo kay nanay..."

Nakikitawag lang ako dahil wala namang cellphone si nanay sa probinsya. Ang palagi ko lang hinihingian ng pabor ay si Caloy Jr. na kasing-edad ko rin. Kapitbahay lang din namin siya.

"Walang problema, Ndabi. Teka lang ha! Tawagin ko muna nanay mo,"

"Aling Allana, may tawag po!"

Mula sa kabilang linya ay narinig ko ang pagtawag nito sa pangalan ni nanay. Sabik na sabik na talaga akong makausap siya. Siguro, mas magiging excited pa siguro ako kung pati si tatay ay makausap ko rin ngayon. Kaso impossible nalang yung mangyari. Hanggang baka sakali nalang iyon. Dinaya ako ng kapalaran.

"Anak! Anak! Ndabi?" Si nanay sa kabilang linya.

"Opo nay," masiglang bati ko.

"Kumusta ka na diyan anak? Sabi ng auntie mo lumipat ka daw ng trabaho. Bakit ka naman lumayo sa kaniya anak?"

Sinabihan ko kasi si auntie Arlyn na 'wag ipaalam kay nanay na umalis ako dahil aksidengeng nakapirma ako ng kontrata. Para hindi ito mag-alala. Sinarili ko lang ang problema.

Sa totoo lang, maituturing din namang blessing in disguise yung kontrata na 'yon. Mas malaki na ang sweldo ko at mas malaki na ang maipapadala ko kila nanay.

"Napagdesisyonan ko kasi nay na lumipat ng trabaho dahil maliit lang ang sweldo sa mansyon. At hindi ko naman pinagsisihan 'yon nay dahil mas maganda yung oppurtunidad na nakuha ko ngayon."

"Sigurado ka ba d'yan anak?" Nag-alalang saad nito sa kabilang linya.

"Opo nay. Ako pa!" Ngumiti ako mag-isa.

Kung nasa malapit lang siguro si nanay ngayon ay mas maganda siguro ang feeling nun. Lalo na siguro pag nandoon pa si tatay...

"Ikaw talagang bata ka!" Napatawa ito sa kabilang linya.

The Ruthless Billionaire Likes Me [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon