CHAPTER 39

1.7K 15 0
                                    

Huminga muna ako nang malalim bago ko napagdesisyonang pumasok sa condo niya. I have been thinking... Hindi ko na talaga kaya pang magtagal dito.

Now, I need to beg him to let me go. Na pabalikin sa mansyon ni señorito Almorre. Ayaw ko nang masaktan and the best possible solution for it ay ang umiwas sa kaniya. Hindi ko maatubaling makuta sila ni Melissa. Bahala na ang mga opportunities dito.

I need to have a peace of mind...

"Saan ka galing?" Iyon ang unang bungad sa akin na tanong ni Gunner pagkapasok na pagkapasok ko palang sa Condo niya.

Hindi ko siya sinagot sa halip ay nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Pero pinigilan niya ako at pinaharap sa kaniya. "I did ask you, bakit ngayon ka lang?"

Galit ang mukha nito at halatang iritado sa sitwasyon.

Ngunit sinamaan ko lang siya ng tingin, "Wala na po kayo doon sir..."

Binigyan ko ng diin ang salitang sir. Binalik ko na muli ang tawag ko sa kaniya, hindi ko na siya tinawag sa pangalan niya. Kailangan kong ipamukha sa kaniya ang tunay na relasyon namin— that he is my boss.

"Don't you fucking know what time is it?" Halata sa boses nito ang inis.

"Sir.. As I said, hindi niyo na 'yon problema. Buhay ko 'to and you don't get to decide kung kailan ako uuwi at anong gagawin ko. Let's mind our own business please..." Lumakad muli ako at nilagpasan lang siya.

Ngunit hinawakan nito ang kamay ko, "And, what the hell happen to your knee?"

Tumingin muli ako sa kaniya, "Wala na po kayong pakialam dito. Hindi niyo naman ako kaano-ano para umakto kayong concern sa akin. It's none of your business."

"No! I'm your boyfriend and your business is mine too—"

Pinutol ko siya, "Boyfriend? How? May relasyon nga ba tayo?" Pinilit kong pinakalma ang boses ko. "Gago eh! Yan ka na naman. Paasa kaya ako naging assumera. Tapos ano ha? Ginawa mo lang akong pampaligaya d'yan sa kalibogan mo. Pinagsawaan mo na ako!"

"What the fuck are you talking about?" Kumunot ang noo nito at halata na sa boses ang pagkairitado.

"Alam mo, kayong mga lalaki. Ang akala niyo sa aming mga babae, wala lang sa amin pag nakipagsex kami sa inyo. Pero, hindi eh! Hindi kami kusa lang pumapatol sa mga lalaki. We treasure ourselves at ibinibigay namin 'yon sa mga espesyal na mga tao. And you! You gave me false hope. Ang akala ko pa naman totoo. Na totoo lahat ng mga 'yon, but it turns out to be, manloloko ka lang pala. You are such a liar!" Hindi ko na napigilan ang sarili kumawala na talaga. Kanina pa talaga ako nagtitimpi.

"Babe, this is just a misunderstanding—"

"Hindi misunderstanding ang makipaglalapan ka sa malanding Melissa na 'yon. I'm sorry ha! Kung nadala ako sa mga babe babe mo, mga pafall fall mo. Babae kasi ako at hindi maiiwasang maniwala. Kaya ayon, eto nasasaktan. Pero, sana naman, you ever did consider my feelings. Naniwala na kasi ako eh... Naniwala diyan sa mga sinasabi mo!" Tinulak ko siya sa dibdib niya dahilan para medyo mapaatras ito. Unti-unti na ding bumasag ang boses ko. Hindi ko na napigilan kanina ko pa to tinitimpi.

Ang sakit sakit kasi! Nawala na yung dangal ko, ang halaga sa buhay ko.

"I hate to say this. Pero, kung hindi mo sana ako niloko sa kontratang 'yon. Hindi ko sana nararamdaman 'to ngayon. Let me leave! Please... I want a peaceful life. Masyado ng masakit ang karanasan ko sa buhay... 'Wag ka ng dumagdag please..."

"Babe, you really have to hear me out—"

"Wala na akong dapat marinig pa. It's all clear to me now. Ang tanga tanga ko!"

The Ruthless Billionaire Likes Me [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon