CHAPTER 34

1.9K 14 4
                                    

Halos hindi ko na malunok ang pagkain habang nakatingin sa kaniya. Bumabalik talaga yung alaala kanina. Parang kusang nagflaflashback sa isip ko. Hindi na talaga to normal. Nakakabwiset na masyado!

"Eat!" Utos pa nito nang mapansing hindi ako kumakain.

Para hindi na ito magalit pa, sumandok nalang ako ng pagkain at agad na kinain 'yon. Hangga't sa maaari, ayaw ko siyang suwayin.

"Look, it wasn't fully my fault last night..." Napatingin ako sa kaniya. Nagtataka. Naguguluhan. Wala talaga akong naaalala simula nung tinamaan ako ng alak. "Did you still remember what happen last night?"

Napailing ako at totoo 'yon. Wala nga akong ka idea-idea kung paano ako napunta sa kama niya.

"Well, you can't blame me. You were seducing me. Ikaw yung nagpupumilit na may mangyari sa ating dalawa..." Napalunok ito. "At first, I ummm—pinigilan kita but you insisted. You kissed me, sit on my lap and even asked me to fuck you. And, can't blame me, I'm a man of needs too... That's why, I took the chance."

Totoo talaga? Ako ba talaga ang may kasalanan kagabi. May mga parte naman kasi talaga akong naalala ngunit blurry lang at kunti lang talaga. Yung hinalikan niya lang ako tapos wala na, blurry na lahat kasunod nun.

Hindi ko na nga talaga siya masisisi sa lahat. Dahil ako din naman pala ang may kasalanan kung tutuusin. Ako pala yung nagpupumilit. Wala na talaga akong mukhang ihaharap sa kaniya.

"Pasensya na po talaga, sir... Hindi ko po sinasadya..." Pinulahan ako sa mukha at halos mangiyak-iyak na. Nadawit ko pa talaga siya sa kalokohan ko.

"No, it's fine! Don't worry about me. I fucking enjoyed last night though,"

Pinulahan ako. Ramdam na ramdam ko nang umiinit ang magkabilang pisngi ko. Ewan ko lang, hindi na ako magtataka kung magmumukha na akong hinog na kamatis nito.

"P-pero sorry po talaga sir, hindi na po talaga 'to mauulit kahit kailan. Impluwensya lang po kasi 'yon ng alak. Marahil kung nasa tamang huwisyo lang ako kagabi, hindi ko 'yon magagawa. Maniwala po kayo..."

"Nah— You don't have to drink just to ask me to get into your pants. All you have to do is asked. Okay?"

"H-hindi sir! Nagkakamali po kayo. Mali po kayo ng iniisip. Wala po sa isip ko ang mga ganun—"

"You were lying. You even said, if only we could do it every night. Also, by the way, from now on, you'll be sleeping in my room. I'll ask someone to move your stuff into my room."

Nanlaki ang mata ko. Hindi pwede! Hindi ko na nga siya kayang makaharap. Makasama pa kaya sa iisang kwarto? Wag naman sana!

"Sir... Wag po!"

"We already agree about this last night. Don't worry it's fine with me. Nang sa gayun, mas mapadali nalang ang mga susunod nating pagtatalik dahil katabi lang kita. Hindi na tayo mahihirapan..."

Wala ng dapat kasunod. Iyon na dapat ang huling beses na mangyayari ang bagay na 'yon. Hindi ako makakapayag. Ever!

"S-sir, kung ano po yung mga napag-usapan natin kagabi. Please po kalimutan nalang po natin 'yon. Wala po ako sa tamang huwisyo sa mga oras na 'yon. Maniwala po kayo—"

"And also that, I don't want you to call me sir ever again. It's annoying!" Tila ba'y naiirita ito.

"Huh? Ano nalang pong itawag ko sa inyo?"

"You can call me by my name. There's no sir nung sumigaw ka sa sarap kagabi. So, stop calling me that!"

Gusto kong takpan ang bunganga niya. Walang kapreno-preno talaga. Hindi ba siya nag-iisip na mahihiya ako o ano. Marahil totoo nga 'yon, ngunit sana naman hindi na niya banggitin ang mga katagang 'yon. Hindi ako kumportable.

The Ruthless Billionaire Likes Me [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon