CHAPTER 36

1.9K 20 0
                                    

"Mr. Tiu, is it settle then?" Si Gunner na kausap ngayon ang kabusiness meeting.

"Yeah! Sure, I am delighted to sell to you my land in Makati." Sagot ni Mr. Tiu. Halata sa boses nito ang pagiging chinese niya kasi medyo maya paka-ipit ang boses nito. Sa palagay ko'y nasa sixties na rin siya ngunit hindi lang halata sa mukha nito kasi maputi ito at singkit ang mata.

"Okay! I'll ask my secretary to settle the transaction," aniya ni Gunner.

"Oh sure! Sure! It's an immense pleasure of mine to negotiate with you, Mr. Gunwòr." Saad pa ng matanda.

May kasunod pa sa naging usapan nila ngunit hindi na ako nangingialam. Tahimik lang akong nakaupo at kumakain sa tabi ni Gunner habang hinihintay silang matapos. Ano ba naman kasing alam ko sa mga business-business na yan? Hindi ako mulat sa ganito. Dahil hindi naman ako pinanganak na mayaman.

"You okay, babe?" Baling naman ni Gunner nang matapos na ang usapan nila ni Mr. Tiu.

Tumango naman ako sa kaniya at binaling muli ang sarili sa pagkain. Ewan ko ba! Kanina pa talaga ako kumakain. Nag-alala na ako sa postura ko na baka sakaling bigla-bigla nalang akong maging lobo o maging baboy sa laki.

Nauna na ding umalis si Mr. Tiu dahil may pupuntahan pa raw ito. Kaya naiwan naman kaming dalawa ni Gunner dito sa restaurant ng hotel.

"Sir... Okay lang bang punta muna ako sa restroom? Sandali lang naman... Maghuhugas lang naman ako ng kamay." Saad ko nang matapos akong kumain.

"Go on, babe! I'll wait you here."

"Thank you, sir." Hindi ko na hinintay ang sagot niya bagkos ay mabilis na akong nagtungo doon sa restroom.

HABANG naghugas ng kamay at tinignan ang repleksyon ng sarili mula sa salamin. Ipinagpapasalamat ko naman na hindi ako nagmukhang yagit. Wala namang nagbago sa hitsura ko. Kung ano yung itsura ko kanina, 'yon lang din naman ngayon.

Nang matapos namang ayusin ang sarili sa restroom ay nagpasya na akong lumabas. Ngunit akmang isasarado ko na sana ang pinto nang biglang may pamilyar na boses na tumawag sa pangalan ko.

"Ndabi!" Napatingin ako kung sino 'yon.

Si Christopher pala na ngayo'y nasa panlalaking restroom. Timing na timing rin talaga na kakalabas din nito.

"C-christopher," nauutal at hindi makapaniwalang aniya ko.

Bakit andito siya Manila? Apat na buwan na din ang nakalipas simula nung huli ko siyang nakita.

Dali-dali naman itong lumapit sa akin. "Uy! Kumusta ka na? Sobrang coincidence naman ito. Alam mo, I did miss you."

Simula kasi nung pumanaw si tatay ay hindi na kami muling nagkita pa. Hindi na nga ako nakapagpaalam sa kaniya na lumuwas ako ng Manila. Pinutol ko kasi lahat ng koneksyon ko sa mga kaibigan ko at itinuon ang sarili sa pamilya. Sobrang nasaktan kasi ako sa panahong 'yon at ayaw kong makipag-usap sa kahit sino bukod sa pamilya ko. Dumistansya ako sa lahat ng mga kakilalal.

"Ha— Ehhh! O-okay lang naman ako. Ikaw ba kumusta ka na din?" Nagtatakang tanong ko.

"Okay lang naman ako, Ndabi. Ganun pa din, gwapo parin haha. Pero, Ikaw ha! Ba't hindi ka nagsabi na lumuwas ka pala ng Manila. Kung hindi ko nga lang nakausap nanay mo ay hindi ko malalaman na wala ka na pala sa probinsya natin. By the way, I'm sorry for what happen... That was an awful news." Taos puso nitong sabi.

"Salamat, Christopher." Bumalik na naman yung sakit nang mabanggit ang pangyayaring iyon. Kaya agad kong iniba ang topic namin, "Ano palang ginagawa mo dito? Bakit narito ka sa Manila?"

The Ruthless Billionaire Likes Me [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon