CHAPTER 26

2K 17 0
                                    

Pagkagising na pagkagising din namin ay bumungad na naman ulit ang mga maraming gawain sa mansyon. May celebrasyon ba naman kagabi kaya ganito nalang kami kaabala ngayon. Linis dito, linis doon. Kahit pa marami kami ay natagalan kaming linisin ang buong mansyon. Umabot na ng tanghali.

Pawis na pawis na ako ngayon. Dagdagan pa na wala din akong masyadong tulog kagabi dahil sa inis ko kay Gunner. Parang hindi kasi ako napapalagay na napagsamantalahan ako. Nakakainis lang!  Pag naisip ko 'yon.

Naghuhugas ako ngayon ng mga pinggan at napagbuntongan ko ng galit ang mga plato. Mapwersa ko itong kinukoskos sa sponge ng sabon. Na kahit wala na itong bakas ng dumi ay kinuskoskos ko parin. Nakakabwiset talaga. Ewan ko lang!

Mabuti nalang talaga na lahat ng bisita ay nagsipag-uwian na kagabi at gusto kong isipin na pati na din siguro si Gunner. Sana nga hindi na ito babalik pa dito.

Sa totoo lang, hindi ko inaasahan na pati siya ay dadalo rin sa kaarawan ng amo namin. Sabagay, mayaman din naman ang amo namin sa mansyon kaya hindi malabong magkakaroon ng koneksyon ang dalawa.

Coincidence na talaga masyado... Sinasadya ng tadhanang asarin ako.

"Ndabi," biglang tawag sa akin ni auntie sa gitna ng paghuhugas. Papalapit ito sa akin.

"Po, auntie? Ano po 'yon?" Nagtatakang napatingin ako sa kaniya.

"Ako na muna diyan. Tawag ka ni señorito may iuutos daw siya sa'yo." Napatango naman ako sa kaniya 'tsaka hinugasan ang kamay kung puno ng sabon.

"Bakit daw po?" Nagtatakang tanong ko habang kumuha ng tissue at pinunas para tumuyo ang kamay.

"Hindi ko din alam. Sinabihan lang din ako na papuntahin ka daw sa may living room, nandoon kasi siya..." Si auntie na ang nagsasabon sa mga plato. Ito na ang nagpatuloy sa ginagawa ko. Tuluyan niya nang inagaw ang paghuhugas ko.

"Baka may ipapalinis lang po siguro... Pupuntahan ko muna siya auntie,"

Tumango si auntie bilang pagsang-ayon kaya nagtungo na ako doon sa may living room ng mansyon. Nakita ko naman si señorito Almorre doon na komportableng nakaupo sa malambot na silya at may kausap sa cellphone niya.

Nasa singkwenta'y anyos na ang amo namin na lalaki at siya lang mag-isa dito sa mansyon. Biyudo na kasi ito kamakailan lang at yung mga anak naman daw niya ay nasa ibang bansa at may kanya-kanya na ding trabaho kaya bihira na ang mga itong umuwi. Kahit nga birthday niya kahapon ay walang kahit ni isa sa mga anak niya ang umuwi.

Hindi ko naman balak na disturbuhin siya sa kausap niya kaya tumayo nalang muna ako malapit sa gawi niya. Nang mapansin niya naman ako ay agad niya akong binalingan ng atensyon.

"Ndabi, okay lang ba sa'yong samahan yung kabusiness partner ko? May ibibigay daw kasi siya sa akin. Hindi kasi ako pwede ngayon dahil ang dami ko pang tatapusin. Baka pwedeng makisuyo muna sa'yo..."

Tumango ako sa kaniya at ngumiti, "Wala pong problema señorito,"

Binaling na naman ulit nito ang atensyon sa cellphone niya, "Oo sige sige... She's on her way now... Papuntahin ko na siya sa labas," Narinig kong sabi nito sa kausap niya sa kabilang linya. Marahil magkasing-edad lang siguro sila señorito Almorre at sa kabusiness partner niya.

"Alright! Thanks you so much for it..." Napangiti ito.

Bumalik na naman ulit ang atensyon nito sa'kin, "Ndabi, nandoon na siya sa labas ng gate. Pasuyo nalang muna... Samahan mo siya. Sandali lang naman may ibibigay lang daw siya sa akin. Salamat ha!"

"Sige po!" Magalang kong aniya. "Tutungo na po ako doon..."

Nang makita kong tumango ang señorito ay tumalikod na ako at naglakad na paalis sa gawi niya. Narinig ko pang may sinasabi ito pero hindi ko na 'yon binalingan pa ng pansin sa kadahilanang hindi naman ako ang kausap nito.

The Ruthless Billionaire Likes Me [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon