CHAPTER 42

1.8K 16 1
                                    

"Bana söylemedin oğlum. Senin bir sevgilin var." Sabi ni Tita Stacey. (You didn't told me, son. You have a girlfriend.)

"Özür dilerim anne. İyi bir zamanlama bekliyordum." Sagot naman ni Gunner. (I'm sorry, mom. I was waiting for a good timing.)

Kanina pa sila ganito at ako naman ay parang nakikinig sa conversation ng mga alien. Malay ko ba kung nilalait na nila ako o hindi. Wala talaga akong alam sa paksa nila. Basta yung tono sa boses ni Tita Stacey medyo malakas na. Marahil galit ito. Hindi ko talaga maintindihan.

"Seems like there's no need for me to introduce the both of you to each other." Sa wakas kumalma na si Tita Stacey matapos ang mala-alien nilang pag-uusap ni Gunner kanina.

"Ummm— oo nga po..." Nauutal talaga ako sa pangyayari ngayon.

Wala nga akong kaidea-idea na mag-ina pala silang dalawa. Though, I did notice, that somehow may similarities ang attitude nilang dalawa. Pero, sino ba namang mag-aakala? Diba?

"Ohhh dear Ndabi. I'm so happy right now. My son finally found his perfect wife... You're gonna be my daughter-in-law soon." Napangisi nalang ako sa naging sabi ng mommy niya.

Halatang ito pa siguro ang mas excited sa aming dalawa ni Gunner. Nang tignan ko naman si Gunner ay nakita kong napatitig lang ito sa akin. Hindi ko naman siya magawang pansinin ngayon kasi nahihiya ako sa kaniya. May pabirthday birthday pa kasing nalalaman. Tapos ayon. Huli lang din naman pala.

This is really unexpected.

Nang mapansin kong parang bumababa ang dress na suot ko ay dali-dali ko yung hinila pataas. Si Gunner naman sa kabilang banda ay hinubad nito ang coat niya.

"Wear this, babe!" Inilahad nito ang black na coat na suot niya.

"Thank you!" Agad ko yung kinuha 'tsaka isinuot 'yon.

"So, what now?" Naagaw ang atensyon naming dalawa kay Tita Stacey. "You have to storytell me. How you two met? How you two end up together?"

"Ah 'yon po ba?" Nahihiya akong napatingin sa mommy niya.

May lovestory nga ba kami?

"Yes, dear, how you two met and whatnots. You have to tell me..."

"Mom..." Angal ni Gunner.

"C'mon son. I won't judge. I promise." Halata talaga sa boses nito na sabik na sabik itong malaman.

"You do the duty babe..." Si Gunner.

"Ha? Ba't ako ikaw nalang!" Angal ko. Ayaw kong ako yumg magkwento sa mommy niya sa nangyari sa amin kasi ang cringe pakinggan sa totoo lang.

"Go on, dear Ndabi..." Si tita Stacey na ngayo'y nakangiti nang nakatingin sa aming dalawa. Sinamaan ko naman ng tingin si Gunner bago ako nagsimulang magkwento sa mommy niya.

Wala na akong nagawa kundi ikwento nalang yung mga pangyayari. Pokus naman ang mommy niya sa pakikinig sa akin. Ikweninto ko sa kaniya lahat. Maliban nalang sa ibang pangyayari na kami lang ni Gunner ang nakakaalam.

"Really? I pity you dear. Ang tatag mo..."

"Salamat po. Utang na loob ko nga po kay Gunner yung buhay ko. Kung hindi dahil sa kaniya. Maaring palaboy-laboy lang ako sa daan dito sa manila... Siguro po wala ako sa kinatatayuan ko ngayon, kung hindi po 'yon dahil sa kaniya."

Akala ko talaga sa una matapobre ang mommy ni Gunner. Nagkakamali pala ako. Kahit pala may attitude ito na yung gusto nito ang dapat masusunod ay hindi ito ganoon gaya ng inaasahan ko. May mabuti itong puso gaya ng anak niya. They may look intimidating but if you get to know them. Malalaman mong, there's more to them than meets the eye. Sometimes we're just too quick to judge someone based on their appearance.

The Ruthless Billionaire Likes Me [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon