CHAPTER 24

1.9K 15 0
                                    

"Grabe yung kaba ko kanina... Si mismong Mr. Gunwòr ba naman yung nakabangga mo. Buti nalang talaga hindi siya galit at pinalagpas niya lang," naging sambit ni Christopher.

Nakabalik na kami sa upuan namin at gaya nga ng sabi niya, sobra daw siyang kinabahan kanina. Pinagpapawisan at hindi mapakali hanggang ngayon na kahit pa umalis na naman sana si Gunner.

"Ha? B-bakit sino ba siya?" Nagkunyari akong hindi kilala si Gunner.

"Kung alam mo lang gaano siya hinahangaan ng mga taong nasa elite circle. Bilyonaryo kasi 'yon. Hindi 'yon basta bastang tao lang, Ndabi. Natakot talaga ako sa'yo kanina. Kilala pa naman siyang may hindi kaaya-ayang ugali at walang pasensya. Buti nalang talaga..."

Hindi ko alam pero hindi ganun ang tingin ko kay Gunner. Para sa akin, mabuti siyang tao, hindi mo lang talaga 'yon malalaman kasi nabulag tayo sa sinasabi ng iba na ganoon siya at ganyan siya. Nalilimitahan kasi ang judgement natin dahil sa opinyon ng iba.

"Marami kasing bali-balita na kaya successful siyang tao ay dahil perfectionist siya at ayaw niya ng palpak. Kaya ikaw mag-ingat ka nalang minsan lalo na sa lugar na ito, baka may makabangga ka na namang katulad siya. Lagot talaga tayo..." Dagdag pa nito.

At some point, maaring tama nga naman siya na dapat mag-ingat kasi may mga tao talaga na ang taas ng tingin nila sa sarili na kahit isang mali mo lang, parang nagkamali na ang buong angkan mo.

Pinili ko nalang manahimik sa naging sabi ni Christopher. Wala ako ngayon sa katinuan, yung nasa isip ko ay naudlot sa pangyayari kanina. Coincidence nga siguro ito, na sa lawak ng kalupain ng Pilipinas 'tsaka may malalim na dagat pa ay magkikita pa kami dito ni Gunner. Ang liit talaga ng mundo...

Hinanap ng mga mata ko ang gawi ni Gunner dito sa restaurant. Ngunit sa rami ng tao ay nahirapan akong hagilapin siya. Pero hindi ako sumuko... hinanap ko siya sa paligid. At hindi ko alam bakit ko ginawa 'yon

"Okay ka lang, Ndabi?" Tanong ni Christopher nang mapansing napatingin-tingin ako sa paligid.

Naagaw naman ang atensyon ko, "Ha? Ahhh—Ehhhh Wala to!"

Napraparaning na talaga ako.

"Pwede na ba tayong umuwi?" Napansin ko din kasi na malapit nang maubos ang mga pagkain.

"Okay sure! But let me clean myself first. I just have to go to the restroom." Aniya.

Tinanguan ko siya, "Sige."

"I'll be quick. Don't worry!" Saad nito bago naglakad paalis sa table.

Nung nawala naman siya ay kinuha ko ang pagkakataon na 'yon para hagilapin na naman ulit si Gunner sa paligid. Hindi ko matukoy ang nararamdaman sa sarili pero —nais ko siyang makita.

Parang kumabog naman ang puso ko nang makita siya doon sa VIP na parte ng restaurant. Sa kasamaang palad ay nakatitig din ito sa akin dahilan para kusang nagkatitigan kaming dalawa kahit sa malayong distansya.

Mag-isa lang ito sa table niya at halatang meron itong hinihintay. Sa palagay ko kabusiness meeting niya siguro o baka naman girlfriend niya? Hindi malabong mangyari 'yon. Ang dami kayang mangyayari sa loob ng tatlong taon at kahit hindi na ako magsiyasat, madaming nag-iba at nagbago.

Parang akong yari sa metal na kusang nahahalina sa batubalaning mga titig niya. Na kahit hindi kami nagsasalita, yung mga mata namin ay parang kusang nag-uusap sa hindi ko malamang konteksto. Ang nakakainis pa ay hindi ko maalis ang titig ko sa kaniya.

Aaminin ko, Namimiss ko siya... Meron ding parte sa puso at utak ko na—Naghihinayang...

Napalipat ang tingin nito sa akin nang may babaeng dumating sa table niya. Hindi ko masyadong maaninag ang mukha kasi nakatalikod ito. Nakasuot ito ng pulang dress dahilan para ma-compliment ang puting balat nito at medyo wavy din ang buhok. Kahit nakatalikod ito ay matutukoy mong maganda at sexy siya.

The Ruthless Billionaire Likes Me [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon