CHAPTER 29

2.1K 18 0
                                    

Wala na akong nagawa at hindi na talaga nahadlangan pa. Nandito na ako ngayon sa condo ni Gunner at mahigit tatlong oras na din ang lumipas simula nung diskusyon namin sa sasakyan kanina. Pagkatapos kasi nung sinabi niyang tuhog-tuhog ay tumahimik na ako. Hindi ko na kinaya. Nazipper na ang bibig ko.

Sabi niya din kanina na sa guest room daw ako ng condo niya matutulog. Kung tutuusin mas maganda ang tulugan ko dito kaysa sa mansyon ni señorito Almorre. Para ka ba naman kasing naka VIP sa lagay nito. Napakaganda sa loob ng kwarto, kitang-kita mo ang naglalakihang building at ang magandang view sa ibaba. Siguro kagaya nang tinutulugan ko sa dating condo niya noon at mas maganda lang siguro ito ngayon.

Habang nilalagay ko ang gamit ko sa cabinet dito ay napasinghap nalang talaga ako sa pangyayari ngayon.

Bahala na 'to! Hindi ko talaga lubusang maisip kung bakit bumalik na naman ako sa pangyayaring ito. Hindi ko na talaga inakalang mangyayari pa itong muli. Come what may nalang siguro. Hahayaan ko nalang ang tadhanang kusang mag organize sa kahihinatnan ng buhay ko.

Nakarinig ako ng katok sa pintuan at kasunod naman nun ay ang pagbukas nito. Lumuwa naman doon si Gunner.

"Ndabi, dinner is ready."

"Okay, sige!" Tipid kong sagot.

Iniwan ko naman ang ginagawa at sumunod sa kaniya. At ayon na nga kita kong nakahanda na ang pagkain sa lamesa. Madami iyon at dinaig pa ang fiesta.

Siya ba naghahanda lahat ng mga ito? Nakakahiya naman kong ganun!

Tumikhim ako at tumingin sa kaniya, "P-pasensya na po, sir Gunner. Ako sana yung dapat naghahanda dito kaso naging abala ako kanina..."

Naisip ko din kasi na bilang katulong niya dito kono. Nakakahiya naman na ito pa ang naghanda ng pagkain. Ako dapat 'yon bilang katulong dito. Trabaho ko 'yon.

"No, it's fine. Besides, I don't want you to be my maid." Sabi nito habang naglalakad papunta sa upuan ng lamesa. Ako naman ay napamaang sa naging sagot niya.

Eh! Ano naman ang magiging trabaho ko dito?

"You should sit!" Utos nito kaya umupo na din ako sa upuan kaharap niya.

"Kung ganun naman pala. Bakit niyo pa ako dinala rito kung ayaw niyo naman pala akong maging katulong?" Nagtataka kong tanong.

"We haven't discussed it yet, right?" Tumango ako, "Okay! You're going to work in my company as my personal assistant again. You're clearly not a maid here and it is not your duty to clean this condo and whatnots. Mayroong ng taga-linis dito."

Napanganga ako sa biglang kagalakan. Kung ganun, this isn't bad at all. Hindi ako maid kundi personal assistant niya.

Sa pagkakataong ito, nakalimutan ko ang galit na naramdaman ko sa kaniya. Lahat ng iyon ay biglang napawi agad.

"Your salary is 50,000 a month and it is been said in the contract that you signed. And no need to orient you, alam mo naman lahat ng dapat gawin you already done this before right?"

Tumango naman ako, "Opo,"

Bahala na! Titiisin ko nalang siya malaki din naman pala ang sweldo. Papatusin ko na 'to. Times 10 ito sa sweldo ko doon sa mansyon ni señorito Almorre.

"Now start eating. You're super thin..."

Hindi na ito nagsalita pang muli at sa halip ay nag umpisa na itong kumain. Ang awkward lang talaga ng sitwasyong ito. Pero wala na naman akong choice. Hindi na ako makakatakas. At kung tatakas naman sayang naman yung malaking sweldo na offer niya sa akin.

The Ruthless Billionaire Likes Me [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon