CHAPTER 51

1.7K 20 1
                                    

Nagising nalang ako sa maliit at matigas na kama. Masakit ang ulo ko at pakiramdam ko'y parang binibiyak 'yon. May lagnat o kung anong sakit yata ako ngayon.

Nang mapalibot naman ang tingin ko sa paligid ay hindi na pamilyar sa akin ang lugar. Maliit at masikip na bahay at maingay pa talaga sa labas. Agad na nagpanic ang buong kalamnan ako at parang hindi mapakali.

Hala! Nasaan ako?

Biglang kumutob ang dibdib ko at inalala lahat ng pangyayari. Nawalan pala ako ng malay dahil sa sobrang pagod kanina.

"Mabuti naman at gising kana iha. Teka lang ha! Magtimpla muna ako ng kape para sa'yo." Agad na napalipat ang atensyon ko sa matandang manghuhula na tumulong sa akin. Napatitig lang ako sa kaniya.

"Nawalan ka ng malay kagabi kasi nilalagnat ka. Kaya dinala muna kita dito sa bahay ko pansamantala. Pasensya kana iha ha sa bahay ko. Medyo masikip kasi. Ito lang ang meron ako..." Aniya habang naglalakad sa maliit na kusina upang ipagtimpla ako ng kape.

Akmang babangon na sana ako nang mapadaing sa sobrang sakit ng ulo. Nilalagnat nga ako. Ang sama sama talaga ng pakiramdam ko ngayon.

"Wag ka munang bumangon iha. Masama pa ang pakiramdam mo..." Pag-alala nito.

"N-nay... Salamat po..."

"Walang anuman iha. Alam mo pamilyar ka sa akin. Nagkita na ba tayo dati?" Tanong nito habang nasa kalagitnaan ng pagtitimpla ng kape para sa akin.

"Ikaw yung tumulong din po sa akin nay nung nawala ako sa Manila tatlo o apat na taon ang nakalipas... Kayo po yung dumadating sa buhay ko sa tuwing kailangan ko po ng tulong..." Naapangiti pa ako nang sabihin 'yon.

Sino ba naman kasi ang mag-aakalang ang matandang ginang na tumulong sa akin noon ay makikita ko ulit ngayon. At sa pangalawang beses pa ay natulungan ako. May mga tao talagang kusa nalang susulpot sa buhay sa pagkakataong kailangan mo ng tulong. Yung iba'y hindi mo kilala ngunit malaki ang naging ambag sa buhay mo.

"Hala! Ganun ba, iha. Alam mo naman kaming mga matatanda na. Medyo makakalimutin na..." Tapos na itong magtimpla ng kape at dinala nito ang tasa sa akin, "Uminom ka muna oh, para mawala yang lagnat mo."

Bumalak kong tumayo kaya inalalayan ako ng matanda. Nang makatayo naman ay halos mapapikit ako dahil sa biglang kumirot ang ulo. Parang may kung anong tumusok dun. Ang sakit!

"Okay ka lang ba, iha?" Halata ang pag-alala sa boses nito.

Napatango ako, "Opo opo, nay, nahihilo lang po ako ng kunti."

Naramdaman kong mas lumapit ito sa akin at hinilot ng kunti ang ulo ko. Sa ginawang n'yang 'yon, medyo nabawas bawasan ang kirot na nararamdaman ko dahil dun.

Naalala ko tuloy ang nanay ko sa probinsya sa kaniya. Ganito din yun pagnagkakasakit ako. Hinihilot o minamasahe din ako nito.

"Nawala na po nay..." Nahihiyang sambit ko.

"Mabuti naman kung ganun iha. Sige na inumin mo na itong gatas. Baka nalamigan ka lang siguro kagabi kaya nilalagnat ka ngayon." Inabot nito ang tasa sa akin at inumpisahan ko naman yung inumin.

"Hindi sa nangingialam ako iha ha. Pero bakit ka pala umiiyak nung nakita kita?" Bakas sa mukha nito ang kuryosidad.

"Ahhh––Ehhh kasi po... Mahabang kwento..."

Ngumiti ang ginang sa akin, "Gusto mo bang mapag-usapan?"

Nagdadalawang isip ako sa una pero nang makita ko sa mukha nito na makakapagkatiwalaan naman at higit sa lahat magaan ang loob ko sa kaniya. Sa kabilang banda, kailangan ko din itong ilabas. Kailangan ko ng karamay at mapagsabihan.

The Ruthless Billionaire Likes Me [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon