Simula

120 11 18
                                    

"Ok Class, line up properly, stick with your partners" iniutos ng aming guro sa klase.

Tinignan ko ang aking partner, si Frances, at hinawakan ang kanyang kamay, at ganun rin ang ginawa ng iba ko pang mga kaklase sa kanilang partners.

Si Frances, isang napakasikat na estudyante sa aming batch. Isa siyang dancer sa aming dance troupe at hinahangaan ng maraming lalaki, at kabilang ako sa kanila. Bakit naman hindi mo siya magugustuhan? She is friendly, nice, popular, and beautiful. Matagal ko na siyang hinahangaan, simula pa lang ng School Year. Lahat ay gustong makalapit at makausap siya, pero mukhang maraming naiinggit sa akin dahil malapit kami sa isa't isa.

Pero kahit na close kami ay di ko kayang umamin sa kanya, di ako makahanap ng diskarte. Pero ngayon na hinahawakan ko na ang kamay niya, chance ko na ito.

"Kevin, pasmado ka ata ah", sinabi ni Frances at ngumiti


"Sorry ah, mabilis daw kasi metabolism ko sabi ng doctor" nanginginig kong sinabi


"Frances, may itatanung nga pala ako"


"Ano?"


Huminga ako ng malalim at itinanong "Sino nga pala crush mo?"


"Ehh, ikaw muna, sino crush mo?", nakangiti pa rin niyang sinabi


Kumunot ang noo at mas lalong nanginig ang kamay kong nakahawak sa kanyang kamay


"Wag kang mabibigla pero ikaw crush ko ehh" binulong ko sa kanya


Nagkaroon ng kaunting katahimikan


"Talaga?", napasigaw ako sa kilig


Bago siya makapagsalita ulit ay nakarating na kami sa classroom

Pagtapos ng araw na iyon, hindi ko na tinanong ulit sa kanya kung totoo ang sinabi niya. Natakot ako baka magbago ang isip niya. Gusto ako ng crush ko. YESSS!!!!

Palagi na akong nakangiti sa simula ng araw na iyon. Grade 2 pa lang kami, pero feel ko girlfriend ko na siya. Nahahawakan ko na kamay niya, at ngiti naman ang binibigay niya sa akin.

Sa sumunod na School Year ay di na kami magkaklase kaya minsan na lang kami magkita. Buti na lang tuwing sabado, ay umaattend kami sa isang Special training sa Math, ayun ay para sa mga estudyanteng galing sa iba't ibang paaralan na mag-aaral ng Advance Math at may mga pipiliin na mag-rerepresent sa Pilipinas para sa International Math Contests. Doon kami nagkikita at magkatabi pa kami sa klase. Bukod doon ay tuwing Flag Ceremony na lang kami nagkikita araw araw. Simula noon ay palagi kong inaabangan ang Saturday Trainings naming kahit hirap na hirap ako sa Math.

Masaya kami magkasama palagi tuwing recess sa Saturday Trainings. Nag-uusap, nagkwekwentuhan, nag-aasaran, at naglalaro. Mas masaya gawin ang mga yun kapag kasama mo si crush at may gusto rin siya sa iyo. Ako nga daw ang pinakamasayahing estudyante sabi ng mga guro at kaklase ko. Bakit naman ako di magiging masaya kung maraming dahilan maging masaya? May girlfriend na ako.

Inaabangan ko na matapos ang School year, kasi umaasa akong magkaklase kami ulit. Pero di iyon ang nangyari. Mas Malala at malungkot pa.

Lumipat siya ng school at di man lang niya sinabi sa akin. At simula noon, di ko na siya ulit nakausap. Sa sumunod na School Year, umattend pa rin ako ng Saturday Trainings na pagkasakaling sumali uli si Frances at magkita kami ulit. Sumali ako kada taon, pero di ko na uli siyang nakita.

Worth WaitingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon