"Belated Happy Birthday Carly" sabi ko sa kanya
"Thanks"
Naglakad na siya palayo, papuntang next class at pumasok na rin ako sa klase ko. Buti na lang nagkasalubong kami.
Believe it or not, after 1 year na nagkakagusto ako sa kanya, that was actually our first conversation. Sayang di nagtagal, may klase kami eh. Tanga mo talaga Kevin. Aayusin ko na nga this year. I can be better. Humahanap lang naman ng timing
"Ok class, eto ang pinakamasayang project that any teacher can give" sabi ng teacher namin
"FIELD TRIP!" nagsigawan ang klase.
Patuloy na nag-explain ang teacher namin. 2 section sa isang bus magkasama, pero di section ni Carly kasama namin.
"Likod tayo mga par" sabi ni Jerome
Patuloy kaming nagkwentuhan. And this is a good time to have fun. Halos walang gagawin dahil kakatapos lang Quarterly exams and Field trip pa.
"Pupunta ka ba field trip?" text ko
"Yup" reply niya
I sighed. It's never too late. Babawi ako sa kanya. I'll just think of how.
"WOOH! TABI TAYO BAE!" sigaw ni Justine at hinila ako paupo.
Nasa pinakalikod kami, ang sarap matulog ang lamig. Ginanahan ako kasi nakita ko naman si Carly nung assembly.In less than an hour nakarating na kami sa isang Museum. Dahil maraming tao nasa bus kami naghihintay. Sumilip ako sa bintana, nakita ko si Carly at Niki magkatabi, nasa pinakaharapan ng bus nila. Nakikita rin nila kami ni Justine.
Kumaway si Justine at kumaway rin yung dalawa. Tinuturo ako ni Justine kaya kumaway na rin ako. Kumaway pabalik si Carly, namula agad pisngi ko.
How I missed her smile with her very plump cheeks. Nag-uusap si Justine at Niki through sign language at tinuturo kami pareho ni Carly.
"Pre mukha tayong tanga, mukha akong tanga" sabi ko
"Ako bahala" sagot ni Justine.
Trip mo ako ah. Kinuha ko phone ko at nagpakita ng picture ng crush ni Justine, si Anne, yung kumuha ng photo namin ni Carly dati. Nakita naman nila yung picture at tinext ko ang pangalan.
Napangiti na lang si Justine. At least kaklase namin si Anne.
Speaking of picture namin ni Carly, pagbaba namin ng bus, lumapit sina Carly at Niki. Damn, palaging sila ang lumalapit, ang torpe mo Kevin, I've got to change.
"Closer" sabi ni Niki
"1...2...3 SMILE!"
Kinuhanan rin kami ni Justine ng picture.Sinend niya agad sa akin yung pic. After that naghiwalay na kami nina Carly, pero namumula pa rin mga pisngi ko. Ok na yun. It's a start.
Enjoy ang field trip! Nagkukuhanan kami ng pictures sa Museum, kwentuhan at kulitan. Sa bus naman ang ingay ingay namin. Naglalaro nga ako ng The Voice sa iPad eh. Pumunta rin kami sa Meralco Museum, same thing we did in the last museum.
Pumunta rin kami sa Mind Museum, so much cool stuff that we enjoyed there, at NAKAPAG-PICTURE KAMI ULIT! Gusto ko sanang makihang-out sa mga friends niya habang naglilibot sila sa Museum kaso nahihiya ako eh, baka sabihin sobrang FC ko, at wala pa akong masasabi sa kanya, pero kahit ganun, palagi ko pa rin siyang hinahanap.
Enjoy naman kami ng barkada ko, dahil nga mas cool dito, mas enjoy pa kami. Pumunta rin kami sa isang sementeryo at masyado ata kaming magulo kaya napagalitan kamiAng huling pinuntahan namin ay isang park. Naghabulan kami siyempre ng mga kaibigan ko, bente uno. Sinilip ko na lang kung saan si Carly, palagi naman eh. Nakasakay na ulit kaming lahat sa bus, pauwi na, pabalik sa school. K
ahit na nakapag-picture kami ni Carly, I still feel unsatisfied. Feel ko I could have done more para mas maging close kami ni Carly. Tumabi na lang ako kay Joy since pauwi na kami, katext niya si Carly eh.
Then a light bulb lights
"Joy could you ask her out? Nood kamo tayo sine, libre ko lahat ng friends na gusto niyang isama, 2-3 friends lang ah" sabi ko kay Joy
"Seryoso ka?!" sigaw ni Joy
"Of course" sabay ngisi ko
Nakita kong tinext niya si Carly, tinype niya exactly what I said.Tumunog ang phone ni Joy
"Sure, libre niya eh" reply ni Carly
"Sure ka diyan ah" reply ni Joy
"Oo naman"
How will you know if a girl likes you? Answer: Ask her out and kapag pumayag, you definitely have a chance.
I still have my chance.
BINABASA MO ANG
Worth Waiting
Teen FictionSome people are just worth the risk, worth all of the hurt and pain in the world. Someone worth making unrecognized sacrifices and someone worth giving your time, worth giving your love There are people worth understanding, even though they are uncl...