Chapter 4- More than a trip

28 4 8
                                    

"Pwede po ba pa-accept ng friend request?"

Dinouble check ko kung tama ba ang pagkakatype ko ng pangalan niya, Carly Phoebe McLean. Tinignan ko ang dp niya, shet ang ganda talaga. Mas kulot ang buhok niya, siguro pic niya ito bago mag-graduation, kasi halos lahat naman ng babae nagpapakulot tuwing Graduation. Pero di pa rin niya talaga ako ina-accept.

Kinabukasan, nagsilabasan ang mga surpise quizzes. Ang HIRAP! Pero ang mga test nay an parang lovelife lang, move on.Lunch na namin, kasabay namin ang section Pascal, section ni Carly. Naghahanap kami ng lamesa, tas may tumawag sa akin bigla.

"Kevin!" sinigaw ni MarieLumingon ako sa direksyon niya, nakita ko si Marie na may kasamang medyo maliit na babae.

Si Carly ba yun? Lumapit ako sa kanila.

"Kevin, crush ka ni Carly, yiee"

Namula mga pisngi ko at lumingon palayo. Pero lumingon ulit ako nang tinawag ulit ako.

"Kevin, siya si Carly, ganda diba?" Namula ang mga pisngi ni Carly.

Wow. Ang ganda niya talaga. She was more beautiful than I expected. Her plump cheeks make her very cute. Her hair was perfect, curly and brownish. Her deep black eyes looking towards me, and she is smiling. Nanghina tuhod ko. Nag-init lalo ang mga pisngi ko. Wala akong nasabi kaya umalis ako.

Bago ako umuwi, tinanong ko si Marie tungkol sa nangyari kanina.

"Marie, na crush ba talaga ako ni Carly?"


"Oo, ata, ewan, tanong mo siya?" aniya"Wews, sabi sabi kanina ahh"


"Malay mo naman totoo"

She is beautiful. Feel ko may chance naman ako sa kanya kaya di ko na babalewalahin ang pagkakataon na ito. I don't have a crush on her, I like her.


"Pre liit naman niya", pabirong sinabi ni Sander


"Tangkad tangkad mo naman kasi Kevin" sabi ni Mike


"Guys, wala pakialam kung medyo maliit siya, ang ganda niya kaya, and her height makes her cuter."


"Yiee, in love ka na pre, and I admit, bagay kayo" sabi ni Sander


"Ibig sabihin nakaget-over ka na kay Liza?" sabi naman ni Mike


"Tagal na, di nga siya 'Big Deal' sa akin diba?" sagot ko"Ok, sabi mo ehh" aniya

Narealize ko, walanghiya, ang landi ko. Sobra. Well, I really like Carly, kaya di na ako magbabago for a LONG TIME.

Pag-uwi ko, nagsimula na akong mag-impake para sa Hongkong, YES I'M GOING OUTSIDE PHILIPPINES!

"Ma, yung ticket and passports natin ahh"


"Oo anak, ok na, excited na excited ka ata ahh" sabi ni mama


"Oo naman, tagal ko na itong pangarap, bata pa lang ako"

Naalala ko si Frances, ang naging dahilan kung bakit ko ito nagawa. But that ship has sailed. Wala na siya.

Pumasok na kami sa airport. Nagbook na kami ng ticket. May Special Treatment kami galing sa airport kaya mabilis ang mga prosesong dinaanan namin. After some hours, nasa Hongkong na kami.

Ang ganda ng airport nila kumpara sa bansa natin.

Sobrang puti ng mga staff dun; ang daming Tsino. Kasama ko ang aking mga classmates nung Summer Class Training, sina Seth, Kyle, Teri, Faye, at Rie.

Dumiretso kami sa aming hotel at nagbook na dun. Katabi ng aming room si Teri, close ang mga nanay namin. Sayang wala si Papa, seaman kasi siya eh. Bago magsimula ang mga contests, may isa't kalahating araw kami para libutin ang Hongkong. Magkakaibigan ang nanay ko, nanay nina Teri, Faye, at Rie. Shet ako lang at ang tatay ni Faye ang lalaki sa amin.

Nag-shopping ang mga babae at ako at ang tatay ni Faye ay ang naghihintay sa labas ng bawat branch o shop na pinuntahan nila. Pero naka-shopping din kaming dalawa sa mga branches na may mga panglalaking damit.

Nakakapagod tumayo at hinatayin yung mga babae. Parang kapag nakakakita sila ng damit ay nawawala ang pagod nila. Ang sakit na ng mga paa ko. Talo pa ata nito training ko sa basketball. Bago kami umuwi, pumunta kami sa isang kainan.

Habang naglalakad, nagkwekwentuhan kami nila Teri, Faye, at Rie habang sinusundan ang aming mga magulang.

"Sino yang nasa phone mo?" tanong ni Rie


"Si Carly, Carly Phoebe McLean, she's cute right?" sagot ko


"Ang cute niya ah" aniya


"Nililigawan mo ba?" tanong ni Teri


"Di naman! Nasa phone lang ligaw agad, pwede bang crush muna? Makikipagkaibigan lang muna ako. Bata pa kami eh. Bata pa siya"


"Gusto ka niya ba?" tanong ni Faye


"Magugustuhan palang, ako bahala diyan. Nobody can resist my charms"


"WOW! HANGIN" sigaw nilang tatlo


Nakarating na rin kami sa kainan at kumain ng local dishes. Pagtapos ay umuwi na kaming pagod.

Binigyan kami ng reviewers para aralin namin bilang paghahanda sa contest. Inaral ko ang mga ito bago matulog. Bukas na pala ang contest. Sana manalo kami.Tinignan ko ang phone ko, dp ni Carly ang wallpaper ko. Her long, curly hair. Her eyes are black and deep. Her plump cheeks draw the adoration of many. Medyo marami rin pala ang nagkakagusto sa kanya. Bakit naman hindi? Ang ganda niya talaga.

I'm trying to fulfill my dreams, but I can't stop thinking about her. From this day on, she will be my inspiration for everything that I do.

Worth WaitingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon