Chapter 5- The Gift

32 3 1
                                    

"Goodluck mga anak" sabi ng nanay ni Teri


"Ma nandito na ako sa wakas, wish me luck!" sinabi ko kay mama at umalis na

Nakapila kami papunta sa isang malaking Lecture Hall. In-assign na ng proctors ang mga upuan ng bawat contestants. Nang nakaupo na ang lahat ay ibinigay na ang test papers.

Aaminin ko, kinakabahan ako. Mabilis ang tibok ng puso, nagpapawis ang kamay, at nanlalamig rin ang mga ito.Nagdasal ako at sinumulan ko nang sagutan.

Shet ang hirap. Pero mukhang kakayanin ko naman. Habang tumagal ay onti-onting nawala ang kaba ko.

"Time's up" sabi ng proctor

Dinouble check ko na ang mga sagot ko at ipinasa ang test paper. 


"Musta naman anak?" tanong ni mama 


"Ma, bronze or silver lang siguro ang makukuha ko. Sorry" sagot ko


"Okay lang yan anak, mahirap ba?" aniya


"Medyo pero may nasagot naman ako. Karamihan siguro"


Kumain kami ng lunch bago bumalik para sa Awarding ceremony. Nagsimula na ang program at pagtapos ng ilang walang kwentang speeches, tinawag na ang mga may awards sa contest.


"Here are all the bronze medalists" sabi ng speaker


Pagtapos ng ilang pangalang nabanggit niya ay natawag na rin ako at si Kyle. Silver naman ang nakuha ng iba naming mga kaibigan. YES! SUCCESS! I have achieved my childhood dream, to win an International Contest; to be considered one of the bests. Oo bronze lang ako, pero napaluha ako sa tuwa kasi kahit bronze, nanalo pa rin ako.

Tinignan ko ang malaki kong medal, sobrang gaan sa puso at parang wala ng dahilan para di ako ngumiti. Nakikita ko rin kung gaano ka-proud parents ko. I'm so happy for myself.

"CONGRATS MGA ANAK!" sabi ng mga magulang namin

Nagpicture taking na kami at umuwi. Pagtapos naming magpahinga ay nagsimula ulit kaming lumibot kasama ng magkakatropa naming magulang, puro babae nanaman ang kasama ko except sa tatay ni ate Faye.

Pagtapos naming magshopping ay napadaan kami sa isang sikat na souvenir shop. Maraming mga souvenirs dito at nagsitakbuhan sina Faye, Rie at Teri para tignan ang mga girls' accessories. Mag-isa nalang akong humiwalay at tumingin ng iba't ibang souvenirs. May mga t-shirts, bracelets, cups, toys, pagkain at iba pa.

WAIT! BIRTHDAY NGA PALA NI CARLY BUKAS!Naalala ko na sinabi sakin ni Marie na July 27 ang birthday ni Carly. Magreregalo pa ba ako? Di naman kami close pero gusto ko siyang regaluhan kasi gusto ko talaga siya. Maybe she will appreciate the gift and consider me as her friend. OO NGA!

Maghahanap na ako ng regalo.

Hinanap ko si Teri kasi siya naman ang pinakaclose sa akin sa kanilang tatlo. Kasama niya nag nanay niya. 

"Teri samahan mo ko" bulong ko sa kanya


"Bakit?" aniya


"Birthday ni Carly , tulungan mo ko mamili ng regalo" 


"Sige"

Nagpaalam siya sa nanay niya at naglibot na sa store. Hanap ako ng hanap ng magandang regalo pero parang di ko kayang mabili. 100 Hongkong dollars lang ang pocket money ko, at di ko pwedeng sabihin to kay mama, nakakhiya masyado at baka magalit pa siya at sermonan ako.


"Sure ka maglilihim ka sa nanay mo?" sabi ni Teri


"Okay lang yan. No harm done naman" sagot ko


"Paano kung maligaw ka, wala ka nang pangtaxi eh pocket money mo yan eh. For EMERGENCIES only nga eh" aniya


"Wala akong regalo, it's an emergency"


"Bahala ka nga"

Habang nagtatalo kami ay nakita ko ang mga violet boxes na may lamang relo. Hinila ko si Teri papunta dun.


"Yan, tulungan mo akong mamili ng relo" Tinignan naming ang lahat ng relo. Iba-iba ang kanilang mga designs at pare-parehong magaganda kaya maghirap mamili.


"Ito nalang oh, simple pero maganda. Bagay sa kutis niya" sabi ni Teri


"Oo nga feel ko magugustuhan naman niya at bagay nga sa kanya. Thanks for the help Teri. I owe you one"


"No prob" aniya

Patago kaming nagbayad sa cashier para hindi kami makita ng mga magulang naming. Tinago ko agad sa bag ko at pinuntahan ko na ang aking nanay. Sayang wala ako sa Pilipinas sa birthday niya. 2 days pa kami rito kaya medyo delay ang pagbati at pagbigay ng regalo ko sa kanya.

I hope she will like it.



I hope she will like me.

Worth WaitingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon