"Pssst Ganda!" chinat ko si Carly
"Carly na lang please" aniya
"Oops, sorry wrongsend"
"-.- LAKAS TRIP AH"
HAHAHA. Natuwa lang ako.
As usual, sobrang naging busy lahat ng mga estudyante dahil malapit na mag-Quarter Exams. Mas lalo kong di nakausap si Carly. Studies first.
"Hay, sa wakas, nakaraos na sa tests" sabi ni Mike
"Ang hirap nga eh, pero wala na tayong magagawa ngayon" sabi ni Sander
"Uy, malapit na pala school anniversary natin." Dugtong ni Sander
Oo nga pala, malapit na ang School Anniversary.
"Tss, alam ko sasayaw tayo eh, haha pero at least 1 week tayong walang klase" sabi ko
At tama nga ako. Nagsimula ang mga practice namin para sa mga dance presentations namin. Nagkaroon na rin ng mga club meetings para sa mga iba't ibang booths ng bawat club. Dahil nga Freshmen kami, first school anniversary namin ito, at dahil nga may malaking event, mas lalo pa kaming naging busy.
"Picture-taking Cosplay ang booth natin, kaya lahat magco-cosplay sa foundation" sabi ng Vice President ng club namingWhat? Bakit cosplay? Nevermind
Pinagpatuloy naming ang usapan tungkol sa booth namin.
Monday na. Simula na ng School Anniversary namin. Nakalaan ang unang araw sa pagprapraktis ng mga dance perfomances naming sa Grand Opening. All School Levels may kanya-kanyang performances. Manonood siyempre mga ilang parents and visitors. Ang theme ng bawat sayaw ay ethnic dances. Daming alam ng school, pero at least walang klase.
"WOOH! KAPAGOD" sigaw ni Sander
"Sa wakas, tapos na ang katangahan natin" nakangisi kong sinabi
"Pilit tayong pinasayaw eh" sabi naman ni Mike
"KEVIN! MAGSISIMULA NA TALENT SHOW, PUPUNTA KA?!" sigaw ni Rose sa malayo
"Sorry, may gagawin akong importante sa bahay eh, uuwi ako maaga, lunch na lang tayo" sagot ko
"Sige sige haha" aniya
Nagpaalam na ako kay Mike at Sander at sumama na kay Rose.Kahit puro babae kasama ko ay sinamahan ko pa rin si Rose, close naman kami at medyo ok naman barkada niya.
Since School Anniversary, sarado ang canteen. Marami na kasing tindahan galing sa labas ang pwedeng bilhan. May mga stand ng Jollibee, shawarma, siomai, ice cream etc. Sinubukan naming matikman lahat, pero kung hanggang saan lang maabot ng pera namin.Pagtapos kumain ay umuwi agad ako, at yung importanteng gagawin ko ay matulog. Nakakatamad yung Talent Show eh, atsaka isang linggo rin akong puyat kaya I deserve it.
Kinabukasan ay ang bukasan na ng mga booths. Habang busy ang ilang club members sa booth namin ay hinahanap ko si Carly. Palagi ko naman siya hinahanap eh, gusto ko lang siya makita kahit sa malayo, kaso di ko pa kayang kausapin. Darating rin ang panahon.
BINABASA MO ANG
Worth Waiting
أدب المراهقينSome people are just worth the risk, worth all of the hurt and pain in the world. Someone worth making unrecognized sacrifices and someone worth giving your time, worth giving your love There are people worth understanding, even though they are uncl...