Chapter 16- Cheesy

13 4 1
                                    

"Hoy Kevin, kausapin mo na nga, wag ka ng mahiya di bagay sa iyo di ka naman gwapo" sigaw ni Niki

Wow. That actually hurt. Sa harap pa ni Carly ah.

"Nahihiya talaga ako, mamaya na onti" sabi ko kay Justine

Kaya ayun, si Justine na lang kumausap sa kanila. Nang pauwi na si Carly, tumakbo at hinabol ko siya. Mag-isa naman kasi siya eh.

Tinabihan ko siya habang naglalakad. I tried talking to her, pero wala siyang sinasabi. She either nods or shooks her head.

I tried looking at her deep eyes at taray lang inabot ko.

Wow, nakakatakot pala siya kapag mataray. Bad mood ata. I'm intimated and amazed at the same time. She looks cute kahit mataray siya. Her deep eyes can give you a death stare. Shit, this girl is full of surprises.

"Bye ingat" sabi ko


"Bye" mataray niyang sinabi at naglakad paakyat sa lrt station

What did I do? This morning naman kinuwento ko lang naman na may chance nga talaga ata ako dahil sa GM niya. I wished she likes me back, and it might happen right? Pero other than that, what did I do?

"Sorry ang taray ko kanina, ang sungit ko" chat sa akin ni Carly

Aww, she cares.


"Oks lang, kagaya ng sinabi ko dati. Kakayanin ko taray mo" reply ko


"Atsaka cute mo kaya kapag mataray ka" dagdag ko


"Malamang cute ako" reply niya 


"Kaya nga nahihiya ako sa iyo eh, sorry nga pala ang fc ko onti, lapit ako ng lapit"


"Di ka naman fc, at ok nga lang" reply niya


"Lapit ka lang kung gusto mo?" dagdag niya

Medyo natawa ako dun ha, HAHAHA!Pagtapos namin magkwentuhan nag 'Good Night Cutie' na ako sa kanya. Yep kadiri onti kung hindi ikaw si Carly but deal with it.


"Grabe kayo, pinahihiya niyo ako sa harap ni Carly, harsh mo masyado Niki" chat ko sa kanya


"Haha di na talaga promise nakakabitter kasi kayo ang sweet sweet niyo" reply ni Niki


"Kahit boyfriend material yung ex ko di niya ginawa yang effort na ginagawa mo para kay Carly" dagdag pa niya.


"Wow. Thank you talaga. Di ko ine-expect na mangagaling yan sa iyo. Thank you."

Natuwa ako kasi may nakaka-appreciate rin pala sa mga ginagawa ko. Thank you Niki, no wonder na friends kayo ni Carly.


"Wtf sinabihan kang cheesy ni Carly?!" sabi ni Rose


"Yep ako pa"

Yung text namin:

K: *A very flirty line *

C: Aba matinde. Shet. Cheesy

K:Marinig ko lang yan masaya na ako

C: Hahaha, cheesy eh

K: Paano ako hindi magiging cheesy sa babaeng katulad mo?

C:Tanong ba yan o statement? Bakit hindi? Hahaha

"Wow, nakipagtalo ka pa sa kanya ah" sabi ni Rose

Pagtapos ng text na yun, sinabi kong mas madaling maging babae kapag lovelife ang pinag-uusapan

K: Maganda ka kasi kaya no probleb sa lovelife. Lugi ang lalaki, kasi siya lalapit, siya mag-eeffort tas masakit kapag bigo diba

C: Drama mo. Parang wattpad lang yan pre, malay mo gusto ng girl yung boy diba? Nanghihingi lang time para makapag-isip. Atsaka iba impression kapag girl ang nag-first move.

By the way. I texted her while playing LoL. I'm just that awesome.

"See? She likes me, she just needs time" sabi ko


"Wag ka assuming, pre nga tawag sa iyo, atsaka kaya mo bang maghintay?" sabi ni Rose

"Oo naman. Ako pa"


"Gaano katagal?" tanong niya


"Hanggang may magustuhan siyang iba"


"Eh paano kung wala siyang magustuhang iba pero di ka rin niya gusto?"


"Oh Rose, I'll wait until something happens, good or not, I'll take it. It's my choice. Besides, she's worth it"

Worth WaitingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon