"Good Eve" chinat ko kay Carly
"Hello" reply niya
"Long time no chat"
Date today: July 4, 2014. Last Chat: March 13 2014 (Birthday ko).
"Oo nga ehh, musta ka na?"
Damn nangamusta siya.Yiee
"Ok lang, ikaw?" reply ko
"NO!"reply niya
"Bakit?"
"Stressed, Very stressed. School eh"
"Yeah sipag na lang tayo haha"
"Haha, close kayo ni Joy?" tanong niya
"Di masyado, by the way umuulan ba diyan? Sana masuspend"
"Ambon lang, suspend agad?"
"Wala eh, sarap umasa eh" sagot ko
"Sige, asa ka lang dude" aniya
Conversations go on. Parang dati lang. Babawi ako this year, no more torpe. First part is her Birthday.
Nag-uusap na kami ulit. Yehay.
"Kevin, nireport ka sa office, kayo ni Jared" sabi ni Rose
Jared is my classmate last year na masarap kasama sa kalokohan at kulitan, and now we're in big trouble
"Let me guess, nakita nung parents ni Rica" sabi ko
"Yep"
Jared and I talked 'dirty' in a group chat.
Well nakisakay rin naman si Rica pero kami ni Jared ang nagsabi lahat ng kalokohan, so yeah, Call Parent.
"This is fucked up" sabi ko
"Let us just promise that we won't do it again" sabi naman ni Jared
Sana di kami mabigyan ng Call Parent.
Na-office kami ni Jared. Sinermonan kami ng Guidance Counselor. We did something wrong, inaamin namin, we just have to accept the consequences. Pinasulat sa amin yung mga pinagsasabi namin at kung ano ang nangyari and we wrote truthfully.
Pagtapos nun pinaalis na kami. Akala namin walang call parent, pero the next week after that, pinatawag na ulit kami at ayun, binigyan ng Call Parent slip. Next week pa sila pupunta.
"Anak ba't mo ba ito ginawa?! Anong mukha ipapakita ko doon? Akala ko ba matinong bata ka, at di ako magkakaproblema sa iyo."
"Sorry po ma"
Nagbitiw pa siya ng masasakit pang mga salita. Ngayon na lang ulit ako napaiyak. I have disappointed my mom, and it really damn hurts. Pero wala tayong magagawa, it's something I must accept. Accept the consequences. Ang mahalaga, I was honest and I admit that I was wrong.
Tumawag si dad kinabukasan. Kinuwento ni mama ang lahat at binigay na sa akin ang phone
"Anak, di ako nagagalit sa iyo. Nakikipag-biruan ka lang naman, kaso overprotective lang parents niya kaya nabahala sila. Para sa akin parang wala ka naming kasalanan, pero wag mo na uulitin yung ginawa mo ah, ibang biro na lang sabihin mo. Kung tutuusin anak nung ako nasa edad mo mas marami pa akong malubhang ginawa na hindi ko na dapat ikwento. Pero hayaan mo na sila anak, basta ako, bilang tatay mo, I trust my son, buhay mo yan eh. I can only guide you, pero nasa iyo pa rin ang desisyon. But you are a great son"
My dad is someone I really idolize. Kahit na seaman siya, nasa malayo, he gives me the advice na palagi kong ibabaon habang buhay. He helped many people succeed, and helped me also achieve my dreams. Sinoportahan niya ako sa lahat ng pangarap ko. Ang hirap kaya maging Seaman, nagtratrabaho tas malayo pa sa pamilya, kaya nga bilib ako sa tatay ko eh, kasi ganun niya kami kamahal. Trust is his gift to me, and I won't let him down.
Naalala ko pa yung sinabi niya sa akin dati na hinding hindi ko makakalimutan.
"Anak, I'm proud of you. I have always been. Pero kahit ano ang ma-achieve mo sa buhay, be humble, and always thank the Lord. Help others succeed also, kasi kapag ikaw naman ang may kailangan ng tulong, sila naman ang tutulong sa iyo. Kevin, lumalaki ka na, nagbabago ka na rin and it's normal, pero wag mong kalilimutan; Don't forget who you are. Wag mong hayaan na may magbabago sa iyo. You are my pride and you are my son."
Malayo nga si dad, pero dala dala ko naman ang mga turo niya sa akin.
"Musta meeting mo with the guidance counselor Ma? Ano sabi?" nakangiti kong sinabi
"Grounded, bawas pa allowance mo" sabi ni Mama
Napatahimik na lang ako
Pumasok ako ng sasakyan at umuwi na kami.
Next week na birthday ni Carly. Nakaipon nga ako, grounded naman. Di ako makakabili ngayon sa mall dahil susunduin na ako galing school dahil nga grounded. Kinuha na rin ni mama ipon ko at pinambayad ng Cignal. Mukhang wala nanaman akong mareregalo. So much for my chance na makabawi nung Valentines.Magkasunod na yun ah, no Valentines gift, no birthday gift. I messed up real bad. Always wrong timing. Palpak na talaga ako.
Mr. Wrong Timing....
BINABASA MO ANG
Worth Waiting
Teen FictionSome people are just worth the risk, worth all of the hurt and pain in the world. Someone worth making unrecognized sacrifices and someone worth giving your time, worth giving your love There are people worth understanding, even though they are uncl...