"Kevin, hanapan mo naman ako ng crush" yan ang palaging chinachat sa akin ni Liza
As usual, nagsu-suggest lang ako ng mga lalaki. Naisip ko nga na i-suggest pangalan ko at umamin na sa kanya, pero di ko naman magawa. Natatakot ako na baka lumayo siya.
Ang bagal ng panahon, June pa rin. June pa lang sobrang hectic na ng schedules namin. Bakit ko nga ba ulit gusto mag-aral dito?
"Hi Kuya, sorry fc, I'm Belle", may nagchat sa akin na babae
"Hello, ok lang, fc rin ako", reply ko naman
"May crush sa iyo kaibigan ko, ako lang ang nagre-reach out sa iyo"
"Sino siya? Ano po pangalan?", na-curious ako siyempre
"SECRET!"
Aba! Niloloko ako ng babaeng ito. Pero dahil Saturday naman at wala akong magawa, sasakyan ko na lang trip niya . Atsaka curious talaga ako.
"Ehh paano ko siya makakausap kung di ko siya kilala", sinusubukan kong pilitin na sabihin niya
"Katropa ko kasi, and Einstein kami"
Einstein? Section yun ni Liza ahh. Matanong ko nga sa kanya mamaya
"Ano ba kasi pangalan niya?"
"Secret nga, magagalit siya kung sasabihin ko ehh"
"Wews, sigurado ka ba ako crush niya ako? Baka ibang Kevin yan ahh "
"Ikaw lang naman Kevin sa Lincoln ahh"
"Ok sige na, ano nga pangalan niya? Or kahit clue na lang"
Nagmumukha na akong desperado. Of Course, I'm Very Curious
"Kilala mo daw siya, nag-usap na daw kayo"
Wow, Really? Si Liza at si Heart lang naman nakakausap ko sa Einstein ahh
"Si Heart at Liza lang naman nakakausap ko sa Einstein. Sino sa kanilang dalawa?"
Nag-offline siya bigla, na-seenzoned ako.Napag-isip ako. Paano kung si Liza ang may crush sa akin? Aamin na ba ako sa kanya?
"Liza, pwede magtanong?", tinext ko sa kanya
"Ano yun?"
"Kilala mo ba si Belle?"
"Oo, kavibes ko yun"
"Sabi niya, may nagkakacrush sa akin sa Einstein, close daw sila ni Belle, kilala mo ba siya?"
"Oh talaga, yieeee, pero hindi ko siya kilala peace"
Langhiya ka Liza, aamin na nga ako. May chance naman ako diba?
"Sabi ni Belle, kilala ko daw yung nagkakacrush sa akin ehh kayo lang naman ni Heart kilala ko sa Einstein, edi sino sa inyong dalawa?"
Nasend ko na at tinignan ko ulit yung sinend ko. WHAT THE?! BAKIT KO SINABI YUN?! Tanga naman, mukha akong gago, F*ck! It's too late. Sasakyan ko na lang ang nasimulan ko na
"EWAN! HAHAHAHA"
ABA! Tinatago mo rin kung ikaw man yun o si Heart. Kaya naisip ko, aamin na ba ako?
"Ok, let us make a deal; Tell her name and I'll tell my crush in exchange"
"SWEAR DI KO ALAM"
"Mauuna na ako, crush ko si Heart, Happy?"
Sinabi kong si Heart crush ko kasi di pa ako makaamin sa kanya. Ang hirap eh. I can't take the risk.
"Naks, sige masabi nga sa kanya"
"Wews, HUWAG!"
Bakit ko ba ginawa yun?! Tanga tanga ko naman. Pinagmumura ko na sarili ko sa sarili kong katangahan
"Haha, anyways ako naman crush ko si Francis"
Well, looks like hindi ako ang gusto ni Liza, baka si Heart nga may gusto sa akin. Pero iba ang crush ng crush ko. Akala ko naman may ka-MU na ulit ako. Sayang siya. She is beautiful, friendly and nice to people. Parang gumanda pa siya lalo nung nalaman kong hindi pala pwede maging kami. Sayang na sayang talaga.
Patuloy pa rin kaming nag-uusap ni Liza, just like friends. Just. Friends. Since then, we're just simply friends.
After a week, sinubukan kong tanungin ulit si Belle kung gusto ba ako ni Heart.
"Belle, pwede magtanung?"
"Ohh bakit?"
"Si Heart ba o si Liza ang nagkagusto sa akin?"
"Si Liza nagkagusto sa iyo, pero dati yun, MU na sila ni Francis haha"
Shit. Just. Shit
BINABASA MO ANG
Worth Waiting
Dla nastolatkówSome people are just worth the risk, worth all of the hurt and pain in the world. Someone worth making unrecognized sacrifices and someone worth giving your time, worth giving your love There are people worth understanding, even though they are uncl...