[p r o l o g u e]

27 4 0
                                    

City lights.

I love how colorful it was. Ang iba't ibang kulay na parang nagsasayawan sa gitna ng gabi. I looked up and I saw stars. Kung ikukumpara ko ang dalawa, I prefer looking at the city lights. Mas makulay kasi, mas magandang tignan.

I was named with it-Siti. Sa lahat ng bagay tungkol sa akin, pangalan ko lang ang nagustuhan ko. Nakakatawa lang dahil ayaw ko sa mga taong nagbigay ng pangalan sa akin, pero gustong gusto ko namang pakingan ang sarili kong pangalan.

Nakatulala lang ako habang ang mga mata ay nakatutok sa mga ilaw. I'm at the rooftop ng isang sugar factory. Hindi naman gaanong kataasan ang gusali ng factory na ito pero nasa bahaging lupa na mataas ito. Kaya namab kitang kita mula dito ang city lights. Napabuntong hininga ako nang maramdaman ang panibagong ihip ng hangin na humampas sa balikat ko.

Palalim nang palalim ang gabi ngunit hanggang ngayon ay wala akong planong umuwi sa amin. Huwag muna siguro ngayon. Dito muna ako magpapalipas ng gabi. Ayaw ko pa siyang makita.

Kanina pa nagv-vibrate ang cellphone ko pero umakto akong walang napapansin. Kinuha ko ang isang soda at ang isang plastic ng chips na binili ko kanina sa 7/11. Agad ko itong binuksan para malantakan na.

Tinignan ko ang dala kong bag. Sunod ko namang tinignan ay ang uniform ko na hindi ko na napalitan pa dahil sa agaran kong pag-alis kanina. Kinuha ko sa bag ang sketch pad ko at binuksan ito. Bagong bili ko lang ito kaya iilang page pa lang ang may sketch na. Sunod ko namang inilabas ay ang drawing pencils ko. Ginuhit ko ang nakikita ko ngayon sa harapan ko. Tahimik na gabi, city lights, mga puno, ang buwan na alam kong sasamahan ako ngayong gabi, at ang mga bituin na nagniningning.

Pagkatapos kong magdrawing ay nilagyan ko na ito ng pirma. Itinaas ko ang ginawa ko at kinumpara sa harap ko. Kuhang kuha ang bawat anggulo nh city lights. Wala man itong kulay, maganda pa rin namang tignan kahit sketch lang. Dahan dahan akong napangiti dahil doon. Medyo gumaan ang pakiramdam ko matapos makapag-sketch.

Agad akong napatingin sa likuran ko nang may marinig akong kalampag. Ano 'yon? Agad tinambol ng kaba ang dibdib ko habang pilit inaaninag ang kung ano o sino man na nagtatago sa dilim. Parang may natumba na parang ewan.

"M-May tao ba dyan?" Maingat na tanong ko.

Wala akong narinig na sumagot. Wala din akong narinig na may gumalaw. Dahan dahan akong tumayo para lapitan at para malaman kung anong meron sa bahaging ito.

Meow!

"Ayy takte!" Agad kong hiyaw nang may lumundag na pusa sa akin. Muntik pa akong ma-out of balance dahil sa sobrang bigla.

Sunod kong narinig ay ang sunod sunod na tunog ng paa palayo-parang tumatakbo.

Nagpahawak ako sa dibdib ko. Grabe, nakakakaba naman. Sino kaya 'yon?

Meow...

Tinignan ko ang likuran ko nang marinig ulit ang pusa. Kulay itim ito. Purong itim. Lumapit ito sa akin kaya lumuhod ako para tignan itong mabuti. May necklace pa ito. Dahan dahan ko itong kinuha. Napanatag ako nang makitang kumalma ito sa kamay ko at mukhang wala naman itong planong saktan ako.

"Sino ka?" Tanong ko pa na akala mo'y sasagutin ako ng pusa.

Tinignan ko ang cat lace nya at doon ko nakita ang pangalan niya ba agad nagpakunot sa noo ko. May lace ang pusang ito. Ibig sabihin, meron itong owner. Gusto ko sanang dalhin pauwi ang pusa pero baka balikan ng owner ito kaya mukhang iiiwan ko din ito.

Napatingin ako ulit sa gawing dilim, kung saan naroroon ang hagdan paibaba. Sino naman kaya ang taong 'yon? Napakamatatakutin naman no'n. Iniwan pa ang pusa, ah.

Binalik ko ang tingin sa pusa.

"Hi, Crayons. Pwede bang tabi muna tayong gabi dito? Hintayin nalang nating bumalik ang owner mo, baka bumalik din 'yon mamaya. Baka may naiwan lang sa inyo." Nakangiting ani ko.

Tinignan lang naman ako ng pusa kaya mahina akong napabuntong hininga. I guess, being with this creature isn't bad after all. Mukhang kailangan ko nga ng katabi habang nilalamig dito.

Napatingin ako sa pintuan ng rooftop at agad nangunot ang noo nang may maalala.

"Sinong kasama mo kanina?" Mahinang bulong ko nalang sa hangin.

═════ ♢.✰.♢ ═════

Pigmented WallsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon