[c h a p t e r 0 3]

19 3 0
                                    

"ANG HIRAP MONG KAUSAPIN."

Biglang nawala ang kung ano mang emosyon ang mukha ko. Dahan dahan syang naglakad paalis kaya nanatiling nakatitig sa kanyang likuran ang mga mata ko.

"Hindi kita pinilit na kausapin ako."

Natigilan sya sa sinabi ko. Akala ko lilingon sya pero nagpatuloy lang naman sya sa paglalakad. Parang tanga lang. Mangungulit tapos magd-drama ng ganyan.

Wala naman akong pakialam sa kaniya kaya hayaan na.

Tumayo nalang ako at pumuntang canteen. Bibili nalang ako ng pagkain kesa tutulala sa kawalan. Tinamad na din akong pumuntang library, eh.

Pagpasok ko sa canteen ay agad kong napansin ang magaling na Reu na nasa gilid at may kausap na lalaki. Nakikilala ko ang lalaki, sya si Miles Lander Guerrero. Hindi ko gaanong kilala ang lalaki dahil masyado itong seryoso sa buhay, masyadong misteryoso. Kataka-taka lang na magkausap sila ni Reu pero labas na ako doon kaya hindi ko na sya nilapitan.

Bumili lang akong mineral water at burger. Naupo ako sa isa sa mga mesa tapos dahan dahang sinusubo ang burger. Tinitignan ko lang ang bawat estudyanting dumadaan. Lahat kasi sila ay may pinagkakaabalahan.

May biglang dumating na mas maingay na grupo. Napabaling ako sa direksyong 'yon at agad napangiwi sa mga lalaking mag-aasaran at naglalandian sa isa't isa. Naka-piggy back pa 'yong isa sa kasama niya.

"Gago ka! Umalis ka sa likod ko, bigat ng itlog mo!"

"Pero kapag chicks ang naka-angkas sa likuran mong hinayupak ka, tuwang tuwa ka!" Sinundan nya ito ng malakas na tawa.

Hindi ako pamilyar sa dalawa. Pero kung titignan, mukhang famous sila sa campus. Maraming mga babae sa gilid kasi ang napapatingin tapos magbubulungan, may iba pa na nangingisay sa kilig.

Nasa likuran ng dalawa ang dalawa pa nilang kasama. 'Yong isa, may headset sa tenga. Nakapamulsa ito at seryoso mukha habang naglalakad. Gwapo din. Actually, lahat naman sila gwapo.

Ang isa naman ay may hawak na cellphone. Sya 'yong nangungulit sa akin. Tutok masyado na kahit batukan mo ay hindi matitinag.

Totoo nga dahil nilapitan sya ng nung lalaking naka-piggy back sa isang kasama nila. Tinignan nito ang ginagawa ni ano sa cellphone tapos ay natawa ito bago batukan si ano. Basta 'yong nangungulit. Hindi ko talaga maalala ang pangalan nya. Ano nga kasi ang pangalan niya? Leron ba 'yon? Legon? Basta letter 'L' 'yon.

"Gago, stalker amputa!"

"Sino ang malas na ini-stalk nyan?" Natatawang sabi naman nung isa.

Agad silang nagkumpulan sa gitna ng daan. Parang mga tanga lang. Pwede naman nilang gawin 'yan sa table. Pati tuloy 'yong naka-headset ay naki-usyoso na din.

"Taena, tol. Matanda na 'yan, ah. Kahit maganda pang tignan 'yan, mukhang nasa 35 na, o." Natatawang sabi nung naka-piggy back.

"Ulol ka, Migs. Nanay 'to ng crush ko."

"Mas ulol ka. Pati nanay in-stalk. Tara na nga, Gyle! Baliw na 'yan. Ew, alipin ng pag-ibig. " Hinila niya 'yong kasama nya kanina na ngayon ay tatawa-tawa namang sumunod.

Umalis na ang dalawa. Sumunod din naman 'yong dalawang nakatutok sa cellphone kanina.

Nasa counter ang tatlo. Ang isa namang busy pa rin sa cellphone ay nakaupo na sa table. Nasa harapan ko sa kaya kitang-kita ko kung paanong nangingiti ang mapupula niyang labi.

Bumalik ang tatlo pagkatapos nilang um-order. Pinalibutan nila 'yong isa na halatang wala sa huwisyo dahil sa kung anong tinitignan sa cellphone nito.

"Tingin nga kung maganda." Inagaw nung Migs ang cellphone ni Ano.

Pigmented WallsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon