Pagkarating sa room ay agad akong nilapitan ni Reunella at kinulit. Nakaka-miss din pala 'yong kakulitan nya. Hindi ko kasi masyadong napagtuunan dahil may hinahanap ako noong mga nakaraang araw. Hanggang ngayon hindi ko pa rin nakikita si Jason. Nakaka-badtrip.
"Go with your groups and continue nyo nalang ang PR ninyo. Wala ako ngayon dahil may meeting kami kaya 'yan nalang muna ang activity ninyo. Miss Katrice, paki-ano nalang ng attendance."
Agad naghiyawan ang lahat nang umalis ang teacher namin. Kaniya-kaniya namang hanap ang mga leaders sa research kung saan ang mga members nila para mapagpatuloy ang research nila.
Hindi naman ako masyadong nabahala sa research dahil kasama ko naman si Reunella at leader namin si Katrice. Hindi mahirap ang mga gawain kasi organize masyado si Katrice sa mga gagawin.
"Reunella at Siti, hanap nalang kayo limang rrl tapos limang studies din." Agad kaming tumango ni Reunella sa bilin ni Kat.
In-assign nya rin ang iba sa mga gagawin namin. Hindi naman talaga ito ang final na ilalagay sa research namin dahil titignan nya pa isa-isa. Kami 'yong tigahanap, siya ang tiga-organize at tiga-ayos. Ang iba naming kaklase ay masyadong nahihirapan sa research, pero hindi man lang namin maramdamang nahihirapan kami dahil nagiging madali ang lahat kapag si Katrice ang kasama mo sa mga ganito.
Ang isang kaklase namin na nahihirapan talaga sa isang part ay pinabili nya nalang ng meryenda namin. Pagbalik nito ay binigyan sya ni Katrice ng mas madaling part para lahat may contribution para sa research namin. Hindi naman kami umangal dahil may tiwala naman kami sa leadership skill ni Kat.
Natapos ang subject na 'yon na tutok kami sa research. Vacant na namin after ng subject pero patuloy pa rin kami sa ginagawa namin. Chapter 3 na ang pinagtutulungan namin at kaming dalawa ulit ni Reunella ang naka-assign sa questionaires.
Drained tuloy kami ni Reunella pagdating ng hapon dahil sa ginawa namin. Agad akong hinila ng kaibigan ko papunta sa canteen para bumili ng meryenda. Dahil pumipitik na talaga ang ulo ko ay dumiretso na ako sa isa sa mga table at hinayaan syang bumili ng makakain.
"Seńorita Siti, andito na po ang pagkain ninyo," sarkastikong sabi nya habang nilalapag ang burger at softdrinks sa harap ko.
"Maraming salamat, Alipin," nakangisi ko namang sagot.
Agad s'yang napangiwi sa sinabi ko kaya naman natawa ako sa kaniya. Kinuha ko ang burger at agad itong nilantakan. Kapag talaga may ginawa kang nakakapagod ay tiyak na magugutom ka.
"Ito chocolates, para ma-regain mo 'yang katiting na brain mo, beshie." She smiled widely.
Sinamaan ko sya ng tingin dahil sa sinabi nya. Porket one mistake lang sya sa quiz kanina ay gumaganyan na sya. Akala nya naman! One mistake lang din sana ako kung tama ang spelling ko. Kaso sinaniban ata ako ng kabobohan kanina at simpleng spelling man lang ay namali pa.
"Salamat ha! 'Yong chocolate mo may freebie na panlalait." Irap ko bago hablutin sa kamay nga ang chocolates. Natawa naman sya sa ginawa ko kaya mas lalo ko syang inirapan.
"Oo nga pala, kamusta kayo ni London?"
Napatigil sa ere ang kamay ko dahil sa sinabi nya. Sinamaan ko sya ng tingin at pinagpatuloy ang pagkain. Bwesit na 'to, kakatapos ko nga lang ma-tensed kanina tapos ipapaalala pa.
"Ayos lang ako, ewan lang sa kaniya kung kamusta na sya."
Agad syang napanguso sa sinabi ko. Malay ko ba naman kung kamusta na 'yon? Wala naman akong pakialam doon. Sino bang may sabing may pakialam ako? Diba wala naman? Wala, wala wala!
"Umayos ka kasi!" Bulyaw niya.
"Maayos naman ako, ah!"
"Sumagot ka kasi ng maayos!"
BINABASA MO ANG
Pigmented Walls
Romance"We all have walls we build to set boundaries for ourselves. You have yours as I do have mine. But what happened to this man? Trying his best climbing my walls when he has his but a pigmented one." -ˋˏ✄┈┈┈┈ World is indeed full of cruelty. For Siti...