WE'RE GOOD.
After the incident in the Playground, me and London grew closer. Hindi man gano'n kadikit pero masasabi mong hindi na gano'n kalayo. Hinahayaan ko na rin s'yang kausapin ako paminsan-minsan. Minsan naman ay sabay kami nina Reunella kumain. May mga pagkakataon din namang kasama niya ang mga kaibigan niya.
Hindi naman siguro masamang magdagdag ng mga taong nakakasabay. Inaamin ko, kahit iilang araw na kaming magkakasabay na kumain ay hindi ko pa rin sila natatawag na "friends". Ibang bagay kasi sa akin ang salitang 'yan. Mas malalim.
Para sa isang gaya kong lumaki na nag-iisa at walang masyadong nakakahalubilo, hindi madaling tumuring sa mga bagong nakakasabay bilang kaibigan.
"Kumain ka na?" Nagsusulat ako nang tumabi sa akin si London.
Gaya ng dati ay nakabukas na naman ang tatlong butones ng polo niya. Mukha tukoy siyang hindi nag-aaral ng mabuti. Ang buhok niya naman ay mukhang hindi man lang nadaanan ng suklay, pero halatang malambot. His eyes were asking. Ang mga mata niya ay parang puno palagi ng emosyon. Kung pagbabasehan ang mukha, masasabi mo talagang kompleto ang mga sangkap nang ginawa siya dahil sa angking kagwapuhan.
"Hindi pa. Wala akong gana dahil absent si Reu."
Napatingin siya sa relo niya. "Malapit nang mag-ala-una pero wala ka pang kain? Anong oras ba sunod na subject mo?"
"2:30 pa naman. Business Ethics."
Tumayo siya bago tumingin sa akin. "Dito ka lang, bibili muna ako ng pagkain."
Agad kong kinuha ang pera ko sa bag. Iaabot ko na sana iyon pero umiling lang ito at umalis. Parang ewan talaga.
Bumalik ako sa pagsusulat. Malapit na ang clearance week kaya inaayos ko na ang requirements ko. Isa sa requirements ng mga subject teachers namin ay ang notebook. Tinatamad akong magsulat minsan kaya hindi talaga kompleto ang notes ko.
After ng clearance week ay finals na namin. Bakbakan na naman sa reviewing dahil mas malaki ang hatak sa grades kung sa finals ka bababa. Malapit na din pala ang practice namin for graduation.
Pagkaraan ng ulang minuto ay bumalik si London na may bitbit nang pagkain. Ang dami sa totoo lang. Napapangiwi nalang ako nang makita ang mga dala niya. Hindi ko naman mauubos 'yon lalo pa't hindi naman ako malakas kumain.
"Ang dami naman," reklamo ko.
"Huwag kang mag-alala, gutom din ako. Uubusin nating dalawa 'to."
"Sige. Mauna ka na, tatapusin ko lang 'to."
Isang page nalang kasi ang need kong isulat para matapos ko na ang subject na 'to at para makapag-umpisa na sa isa pang subject.
"Sige, magsulat ka lang. Susubuan nalang kita," bale-walang sagot niya.
Napabuntong-hininga nalang ako at inilapag ang ballpen. Inayos ko rin ang notebook ko, pari ang notebook ni Katrice na hiniram ko. Kinuha ko ang ilang pagkain niya at nag-umpisa nang kumain.
Nagtaka ako nang hindi nagsasalita o gumagalaw si London. Iniangat ko ang mukha ko at parang mabubulunan nang makita kong magkadaop ang nga kamay at mahinang nananalangin. Pagkatapos ay tumingin sa akin ang inosente nyang mga mata.
Iniwas ko nalang ang paningin ko at wala sa wisyong uminom ng tubig galing sa mineral water na bitbit niya.
He chuckled. "Huwag kang mag-alala, pinag-pray din kita para hindi ka mabulunan sa kinakain mo."
Gusto ko siyang murahin pero pinigilan ko ang sarili ko dahil kakatapos niya lang mag-pray.
Nag-umpisa na siyang kumain kaya tahimik nalang din akong kumain.
BINABASA MO ANG
Pigmented Walls
Romance"We all have walls we build to set boundaries for ourselves. You have yours as I do have mine. But what happened to this man? Trying his best climbing my walls when he has his but a pigmented one." -ˋˏ✄┈┈┈┈ World is indeed full of cruelty. For Siti...