[c h a p t e r 1 4 ]

6 0 0
                                    

"Are you sure you're okay?" Naniniguradong tanong ni London.

Nasa loob na kami ng bahay niya at nasalukuyan akong nakaupo sa sofa. He's looking at me intently. Sinusuri niya kung ayos lang ba talaga ako o nagsisinungaling lang. I kept my normal face, tho; blank expression.

"I'm fine. Huwag kang OA, nakakapraning 'yan."

"Nag-aalala ako sa 'yo. You don't look okay."

"Ayos lang ako. Kaya nga kitang patumbahin ngayon sa isang suntok ko lang, eh," I said while showing him my fist.

He pursed his lips. Bahagya ding gumalaw ang panga niya bago siya nagpakawala ng mabigat na buntong-hininga.

"Fine," pagsuko niya.

"Sige na, punta ka na doon. Lutuan mo na ako." Bahagya ko pa siyang tinulak papuntang kusina.

He looked at me. "Wow, gutom ka na ba talaga?"

"Oo, kaya bilisan mo na! Nangangain ako ng tao kapag gutom."

Wala na nga itong nagawa kun'di pumunta ng kusina para magluto. Ako naman ay nasa sala lamang at nahiga. Nilagay ko sa lap ko ang unan na nakita sa sofa. Bahagya ko pang inamoy ang unan at napangiti nang maamoy ang bango nito. Mukhang ginamitan ng downy.

Napatitig ako sa ceiling. 

Alejandro and Rumulo. Dalawang ex ni Mama. Hindi ko alam kung bakit magkasama sila ngayon. Magkaibigan ba sila?

Si Alejandro ang unang naging boyfriend ni Mama. 7 years old ako no'n. Masyado pang bata pero hindi ko 'yon kailanman makakalimutan.

No'ng pinakilala siya ni Mama, tuwang-tuwa ako dahil sa wakas ay may matatawag na akong ama. Na meron na akong maipagmamayabang sa mga kalaro ko. Maayos naman sana no'ng una, hanggang sa malaman ni Mama na meron itong nobyang kolehiyala. Matagal na pala ang dalawa. Mas matagal pa kesa sa relasyon ni Mama kay Alejandro.

Naging kabit si Mama.

My mother was so broken that time, and so I was. Nalaman pa iyon ng mga kapitbahay namin kaya't paulit-ulit kong naririnig ang panghuhusga nila kay Mama. Mga masasakit na salitang walang sawang binibitawan ng kanilang mga bibig. Kahit wala naman talaga silang alam sa tunay na nangyari. Ang mga kapwa ko kabataan noon, palaging bukambibig ang pagiging kabit ni Mama.

Hanggang sa nawalan na nga ako ng pag-asang magkaroon ng kaibigan.

Pagkaraan ng dalawang taon ay nakilala ni Mama ni Rumulo.  Ang putanginang Rumulo na hinuthutan lang ng pera si Mama. Hindi ko iyon makakalimutan dahil siya lang naman ang may gawa ng peklat ko sa tenga. Naghiwalay sila nang hindi na ni Mama kayang ibigay ang mga pangangailan ni Rumulo, partikular na ang pera.

My mother was broken again. Pero ako, hindi. Ipinagpasalamat ko iyon. Alam kong kung mas tumagal pa sa amin si Romulo ay paniguradong may gagawin iyong hindi maganda sa akin.

It's creepy to think that I'm calling him Papa while he's looking at me with an evident lust on his eyes.

Hinawakan ko peklat sa bandang tenga ko. Hindi lang isang beses pinaso ng sigarilyo ito. Ilang beses na. Hindi na mabilang. Kaya't talagang makikita ang peklat.

"Luto na ang pancit canton at itlog!" London announced.

Tumayo ako at lumapit sa kaniya sa kusina. Nakangiti niya naman akong tinignan kaya bahagya akong nailang. Hindi ko lang pinahalata sa kaniya dahil nakakabawas ng angas iyon!

"Gusto mo bang manood nalang tayo ng Netflix habang kinakain 'to?" He asked.

Tinignan ko ang pagkain sa mesa at agad nakaramdam ng gutom. Tumango na lang ako sa kaniya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 18 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Pigmented WallsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon