[c h a p t e r 0 1]

17 2 0
                                    

"ASAN KA KAGABI?"

Agad akong napabuntong hininga nang marinig ang boses niya. Nagtuloy tuloy ako hanggang makarating sa harap ng pintuan ng kwarto ko.

"Hoy, babae! Kinakausap pa kita, huwag kang bastos!"

Napapikit ako nang mariin bago lumingon sa kaniya. Tinignan ko syang mabuti at hindi na ako nabigla nang makita ang pasa niya sa mata, kalmot sa pisnge at leeg, at ang labi niyang may kaunting sugat din.

"Saan ka natulog kagabi?" Tanong niya ulit, naiirita na.

"Dyan dyan lang." Matipit kong sagot.

Mukhang nagalit sya sa naging sagot ko dahil agad kumunot ang noo niya. Mukhang hindi nya talaga nagustuhan ang sinabi ko. Wala akong masabing pangalan ng 'friends' para gawing rason dahil wala naman ako no'n.

"Anong 'dyan dyan lang'?! Alam mo ba kung paano akong nag-alala sayo kagabi, Siti? Saan 'yong sinasabi mong dyan lang, ha?!"

"Sa tabi-tabi nga lang... Ma."

"Anong 'tabi-tabi'? Saan ka natuloy? May boyfriend ka na ba? Ha?! May kinakalantari ka nang lalaki?! Sinasabi ko sayo, Siti, 'wag mo akong gagalitin. Malaman-laman ko lang na meron kang lalaking nilalandi ngay-"

"Wow... " natatawang ani ko. Tawang hindi natutuwa. "Ako? May nilalandi? 'Di ba't ikaw 'yon, Ma?"

Agad syang lumapit sa akin at hindi ko na kailangan pang magbilang ng sigundo dahil agad kong naramdaman ang palad nya sa pisnge ko... Na hindi ko na kinabigla pa.

Agad kong nalasahan ang kalawang sa gilid ng labi ko. Grabe, gano'n pala kalakas ang sampal niya, pero wala man lang akong maramdaman.

"S-Siti..."

Tinignan ko si Mama at maging sya ay nanlaki ang mga mata habang nakatitig sa akin. Naaawa ako sa kaniya. She looked so pathetic. Alam kong hindi niya 'yon sinasadya dahil alam kong mahal nya ako. Mahal ko din naman sya. Sya nalang ang meron ako.

Sya nalang ang meron ako pero sya, naghahangad pa rin ng kompleto at masayang pamilya. Hindi ba sya masayang ako ang kasama niya? Paulit-ulit niya nalang ginagawa ito tapos sa huli ay sya pa rin ang dehado at kawawa-physically at maging sa mata ng lipunan.

Lumaki akong iba't ibang masasakit na salita ang sinasabi sa kaniya. Hindi ko na alam kung totoo ba o hindi dahil kahit kailan ay hindi nya naman nilinaw.

Nakakaawa syang tignan. Pero higit sa lahat, nakakagalit pagmasdan ang kalagayan nya. Gusto ko syang protektahan pero paano ko gagawin 'yon kung maging sya ay ayaw protektahan ang sarili nya? Nakakapagod din namang lumaban kung alam mo sa sarili mong ikaw nalang ang pilit lumalaban upang pagtakpan sya. Lahat ng ginagawa nya ay nakakadagdag lang sa panghuhusga ng lipunan.

"Sa kwarto muna ako," nakayuko kong sabi.

Hindi naman sya nakapagsalita kaya tumalikod na ako para pumasok sa kwarto. Hinawakan ko pa lang ang door nub nang tawagin niya ako. Hindi ako lumingon pero tumigil ako, ibig sabihin ay pakikinggan ko ang kung ano man ang sasabihin niya.

"Tatawagin kita mamaya para kumain... S-sorry."

Isang tango lang ang ginawa ko at pumasok na sa loob ng kwarto. Binuksan ko ang ilaw bago magmartsa papunta sa kama ko. Agad akong umupo sa kama at binuksan ang bag na kanina ko pa bitbit. Agad lumabas ang ulo ni Crayons at ngayon ay inosente nang nakatingin sa akin.

"Dito ka na muna habang wala pang naghahanap sa 'yo. Wag kang mag-alala, babalik naman tayo sa factory na 'yon kapag may time ako."

Nilabas ko sya sa bag at hinayaang mahiga sa kama ko. Mukha naman syang malinis. Mukhang alagang-alaga ng amo. Meron pa ngang cat lace, eh. Hindi ko lang talaga maintindihan kung anong pag-iisip meron sa amo nito at "Crayon" ang piniling ipangalan.

Pigmented WallsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon