[c h a p t e r 07]

14 1 0
                                    

"FINALLY, YOU'RE GONNA BE MINE."

I didn't lose consciousness but I can't open my eyes anymore. Masyadong nanghihina ang katawan ko para subukang idilat ang aking mga mata. I felt his strong arms carrying me. Hindi ko nakikita ang mukha nya pero kilala ko ang boses nya.

It's Jason.

Have you tried being betrayed by people around you? 'Yong pakiramdam na pinagkaisahan ka ng wala kang kalaban-laban. You hoped...you hoped too much. Umasa ka. Nagbakasakali sa mga bagay bagay. Kasi baka lang naman... Baka pwede.

Ganito mo ba ako ka-favorite, Lord? Ganito mo ba ako ka-favorite saktan? Bakit mo pa pinalalapit sa akin 'yong mga tao kung sasaktan lang din naman ako. Was I too much to handle? Kapag ba dumating sa puntong sumubok ako na magtiwala sa tao, agad mo akong sasaktan ng ganito?

I wanted to shout. I wanted so much to tell everyone that I was drugged... That someone carrying me betrayed me. Sinubukan ko lang namang makipagkaibigan, bakit naging ganito?

I am losing my hopes right now. May idea na ako kung ano ang pwede niyang gawin sa akin.

Sa bawat hakbang nya ay alam kong may nakakasalubong sya. May binabati din sya... And he's claiming I'm his.

"Nasobrahan, pre. Sige, sa taas muna kami."

I hate my life so much.

May narinig akong pagbukas ng pinto. Hindi ko naididilat ang mga mata ko pero naririnig ko ang nasa paligid. Maingay, magulo...at may nagtatawanan.

"Tangina mo, Migs! Bakit d'yan ka naligo?"

"Anong masama sa- uy ano 'yan?"

"Ah, girlfriend ko. 'Di kinaya ang alak kaya nakatulog." Boses ni Jason.

"Sa ibang kwarto ka nalang, tol." Pamilyar ang boses.

"Sige-"

"Teka...." Someone interrupted.

Kilala ko ang boses. Alam kong kilala ko. Tama ba ako? Sya ba 'yon? O baka naman nag-i-ilusyon na naman ako kasi umaasa akong may tutulong sa akin.

"Sino 'yan?".... Boses ni London 'yon.

"Ha?" Sagot naman ni Jason.

"'Yang babae...Sino 'yan?"

"Back off. Girlfriend ko nga 'to-"

"Pucha, Londs! Si Siti 'yan!" Pamilyar talaga ang boses nito... Was this Migs?

"Gago ka!" Sigaw ni London sunod ay marahas na pag-galaw ng kung ano.

Namalayan ko nalang na nagkakagulo. Hindi ko na kaya. Gusto ko nalang matulog at magpahinga. Reu left me, and someone drugged and tried to rape me. What a night.

I opened my eyes and the first thing I realized is that...wala ako sa bahay. Nanghihina pa rin ng katawan ko pero sinusubukan kong bumangon. Masakit ang ulo ko, parang pinukpok ng kung ano kagabi.

Nasa kwarto ako ng kung sino. Nasa malinis at malambot na kama pero hindi naman ako pamilyar sa paligid.

Naalarma ako at agad na inalala ang nangyari kagabi. Nasa party kami kagabi. Iniwan ako ni Reu. May nakilala akong jason...Tapos may body shot. Tapos uminom ako ng last shot... And then nanghina ako. Nagkakagulo kagabi. Tapos nakatulog ako. Ngayon, nasaan ako?

Pinakiramdaman ko ang sarili ko at wala namang masakit. Kung ano ang damit ko kagabi ay gano'n pa rin ang damit na suot ko ngayon. Mukha namang 'di nagalaw ang suot ko o nahubad man lang kagabi.

Tinignan ko ulit ang paligid. May mga paintings sa pader. Different painting were planted on the white wall...a painting full of life. Sa gilid ng kama ay may picture frame.

Pigmented WallsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon