[c h a p t e r 1 1]

12 1 0
                                    

"TUBIG? AYAW MO BA?"

I mentally shook my head. Kinuha ko ang tubig at kalmanteng ininom ito kahit halos manginig na ang kamay ko sa hiya. Oo, nahihiya ako! Tangina, parang tanga talaga. Kailan pa ako nahiya sa isang lalaki?!

"Salamat," mahinang sambit ko pa.

Salamat. Ngayon pwede ka nang umalis. Alis na, please!

Ano bang inaasahan ko? Ang umalis sya at hayaan akong mag-isa? I wish! Syempre si London 'yan, hari ng kakulitan. Naupo ito sa tabi ko at nakangiting ipinatong sa mesa ang binili niya. He proudly presented to me the same ramen I bought earlier.

"Hala! Pareho tayo ng ramen. Coincidence nga naman," he said laughing. Nakapatong pa ang kamay niya sa kaniyang bibig.

Coincidence my ass!

Hinahayaan ko lang naman sya at umaktong walang naririnig. Binalik ko na ang sarili ko sa pagkain na kunwaring hindi ko sya katabi.  This time ay sinigurado ko nang tama ang pagkakaihip ko dahil mahirap na, baka makahanap na naman ng palusot ang katabi ko.

"Bakit 'di ka pa nakakauwi?"

I looked at him and I saw him looking at my school uniform. Nasa mga mata nya ang pagtataka kaya naman wala akong choice kun'di ang sagutin siya.

"May inasikaso lang."

Tumango sya. "Kamusta naman ang negosyo? Marami ka na bang na-sold na item?"

Sinamaan ko sya ng tingin at sinapak sa braso. "Siraulo."

"Aray!" Hinawakan niya ang braso. "Grabeng love language 'yan, physical abuse."

"Napaka-ano mo," irap ko.

He chuckled.  "Parang ano? Hmm?"

His voice is calm with a bit of sweetness. He's teasing me with that tone and I hate it.  Parang gusto kong murahin ang sarili ko dahil sa biglang pag-iinarte. Anong napaka-ano, Siti? Ha?! Ano ka ba? Grade 7 kung kiligin sa crush niya. Tangina, anong crush ba kasi?! Hindi ko naman 'to crush!

Makakain na nga lang, bwesit! Kasing higpit ng hawak ko sa kutsara ang lakas ng tambol ng dibdib ko dahil sa pagkailang at ng pitok sa sintido ko dahil sa biglaang pamomoroblema. Kung alam ko lang na makikita ko 'to sa convenience store ay di na sana ako tumambay.

"Ikaw, bakit ka nandito?" I asked him instead, shrugging the following thoughts I've been thinking.

He stopped eating. I looked at him and I could see the sadness reflected on his eyes. He looked at me and smiled—kagaya ng ngiting naipapakita nya sa iba...araw-araw.

"Kwento ko sa 'yo basta ba't sumama ka sa akin."

"Okay. Hindi naman ako mamamatay kung hindi ko malalaman kung bakit ka nandito." Walang gana kong sagot bago ipagpatuloy ang pagkain.

Napasimangot ito. "Napakabastos mo. Wala kang galang sa magiging asawa mo. Tingin mo ba tama 'yan?"

Napangiwi ako sa sinabi niya. "Tanginang lakas ng loob 'yan, walang hunos-dili!"

Tumawa lang naman ito at pinagpatuloy ang kakulitan. Kaya heto ako ngayon, nasa playground ng isang kindergarten school, kasama ang lalaking hindi ko inaasahang makakausap ko ngayon.

"Siti? Bakit Siti ang pangalan mo?" Nagtatakang tanong niya.

Nakaupo ako sa swing samantalang nasa harap ko naman sya at mataman akong tinitignan habang naka-squat.

"Bakit?"

"Unique kasi."

"Unique lang naman 'yan sa pandinig mo kasi crush mo ako." I joked.

Pigmented WallsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon