[c h a p t e r 1 3]

4 0 0
                                    

I never imagined myself into some intimate relationship with my opposite sex. Hindi ako magaling makipag-socialize at madalas na takot pa sila sa akin. Yes, I'm not afraid of men but I'm just not comfortable being with them.

Kanina pa ako nakauwi ng bahay pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makatulog. Paano nga ba naman ako makakatulog kung puro salita ni London ang nakatatak sa utak ko? Walanghiya 'yon!

Hindi ko naman alam na maaapektuhan ako sa mga salita niya. Bakit nga ba ako naaapektuhan? I'm getting weirder every single time I'm with him. Hindi 'yon maganda.

"I thought you're mad because you were jealous."

Napatakip na lamang ako ng unan sa mukha nang maalala ang sinabi niya kanina. Hindi na ako sumagot pagkatapos niyang sabihin 'yon. Hanggang sa makauwi kami ay tahimik pa rin kaming dalawa. Paano ba naman kasi mag-react sa gano'n?

Wala naman akong pakealam kung anong iniisip niya tungkol sa akin, eh! Wala din naman talaga akong pakialam sa kaniya. I don't like him. But his eyes... His damn eyes! It looked so hopeful. Parang na-guilty ako bigla kahit hindi naman dapat. It's not my fault he think of that way. Bakit naman kasi ako magseselos kay Cheska? She's not even worth to envy.

Kinabukasan ay bangag na bangag akong pumasok. Inaantok pa talaga ako at parang isang kalabit lang sa akin ay makakasuntok ako nang 'di oras. I'm damn tired and sleepy.

"Anong nangyari sa 'yo?  Ayos ka lang?" Nagtatakang tanong ni Reu sa akin.

I did not respond. Dumiretso nalang ako sa upuan ko at ipinatong ang ulo sa desk.

"Ang aga, hindi na namamansin. Baka red days, Reu," I heard Alexa uttered, one of  our classmates.

"Baka nga. Baka din bad trip," balewalang sagot ni Reu.  "I'll talk to her later. Mukha din siyang pagod."

Tangina! Sinong hindi mapapagod kung wala akong ginawa buong gabi kun'di isipin si London. Anak ng tokwa! Si London ang inisip ko buong gabi. Ni hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin at naapektuhan ako. Parang nasaktan kasi siya kagabi. Gano'n niya ba ako kagusto? Ba't niya ba kasi ako gusto?

"Sit, are you okay?" Kalabit sa akin ni Reunella.

I looked at her and gave her a single nod. "Puyat lang."

"Bakit ka napuyat?" She then grinned. "Sinong pumuyat sa 'yo?"

Ibinalik ko nalang sa desk ang ulo ko. "Wala, Reu."

"Wala daw." Nang-aasar na tumawa ito. "Ang sabi sa akin ni Migs kaninang umaga, hindi niya raw makausap ng maayos si London dahil puyat. Puyat siya tapos puyat ka...anong ginawa n'yo kagabi at pareho kayong napuyat?" Nakangisi na ito at halatang inaasar ako.

"Chismosa ka," I uttered.

"Ikaw naman echosera! Hindi daw gusto, sus! Basted na daw tapos parehong puyat ngayon, sus! Clown ka ba, bes?"

"Ang lakas ng boses mo, maging speaker ka nalang kaya sa binggohan?" Naiirita kong sabi.

Tumawa lang naman ito at hindi na ako kinulit pa. Kahit hindi na siya nangulit sa akin buong umaga, alam kong nakangisi ito at naghihintay nalang ng tamang oras para asarin ako. I know her. Nasa dugo niya na ang pagiging mapang-asar.

"Free ka ba sa Sunday?" London asked.

Nasa canteen kami at kumakain ng pananghalian. Kasama ko si Reu habang kasama niya naman ang mga kaibigan niya. They have their own conversations, which is hindi na nakakapagtaka dahil magaling magdala ng usapan si Reunella.

"Hindi," I answered.

Napanguso ito. "Bakit?"

Sandali ko siyang tinignan bago ibalik ang mga mata sa pagkaing nasa harap ko.  Parang bigla akong nailang sa kaniya. Pero kailangang hindi ko 'yon ipahalata dahil nakakatanggal ng kaangasan 'yon.

Pigmented WallsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon