[c h a p t e r 0 6]

36 1 0
                                    

DUMATING ANG SABADO.

Parang shunga si Reunella na hindi mapakali dahil hindi mawari kung ano nga ba ang susuotin ko. Hindi naman ako mahilig sa party kaya wala rin akong mga damit na akma sa lugar na 'yon.

"Sana sinabi mong wala ka palang damit na pang-party dito!" Umuusok ang ilong na sabi nya.

Napabuntong-hininga naman ako sa sinabi nya. "May mga Jeans ako d'yan."

Napahawak nalang sya sa sintido nya at agad na tinignan ang mga jeans ko. "May pampares ka ba sa mga 'to?"

Agad akong tumango nang maalalang maraming damit si Mama sa closet nya. Oo nga pala, sa kaniya napupunta 'yong mga padala ni Tita Sylvia na para sa akin dapat. Hindi kasi ako nagsusuot ng gano'n kaya binibigay ko nalang din sa kaniya.

Sa huli ay isang high-waisted denim pants sa pambaba and open front cut out crop top naman para sa pang-itaas ang sinuot ko. Kulay itim ito, my favourite color. Sa paahan naman ay simpleng white shoes lang dahil hindi naman ako sanay sa sandals.

Napangiti pa ang bruhang katabi ko nang makita ang mukha ko. She even put me some make up. Para lang daw magmukha akong fresh kahit kaunti. Walangya!

"Bakit? Mukha na ba akong bangkay?" Nakangusong tanong ko na tinawanan nya lang naman.

Nasa bahay pa lang kami pero kinakabahan na ako. I'm not used to this: going out, wearing these kind of clothes, having fun with sounds and alcohols, and dancing. Oo, nasubukan ko nang uminom ng alcohol. Isa sa mga naging boyfriend ni Mama noon ang nang-engganyo sa akin na uminom kaya natuto ako.

Nakakatuwa sila, 'di ba?

"Kinakabahan ka?" Nakangising tanong ni Reu.

Sinamaan ko sya ng tingin bago inirapan. "Huwag kang lalayo sa akin mamaya!"

"Hindi naman talaga! Kargo kita, 'no! Kumalma ka na d'yan, mukha ka nang matatae, eh."

Nag-taxi lang kami papunta sa lugar dahil gamit daw ng Daddy nya ang kotse, dini-date ang Mommy nya kasi nagtatampo daw. I smiled at that thought. What it's like to wake up every morning having both of your parents greeting you 'good morning' while lips are stretched widely? Literal na sana all.

Dumating kami sa isang malaking bahay. Gate pa lang parang pwede nang isangla, eh. Mula sa gate ay makikita mo na ang labas ng bahay na maraming mga tao-mga estudyante. May mga nasa labas at nag-uusap, meron din namang labas-pasok sa pinto ng bahay. Maingay na dito sa labas kaya alam kong sa loob no'n ay paniguradong magulo na. Dalawang palapag ang bahay at mukhang kahit sa itaas ay may mga tao ding tumatambay.

Ayos lang talaga sa may ari ng bahay na mapasok 'yong mga kwarto? And to think na hindi naman talaga lahat ng nandito ay kilala ng celebrant at imbitado. I mean, isa na ako sa example... O baka naman ako lang ang gate crasher dito?

"Medyo maraming tao pero just go with the flow ka lang. Ngitian mo ang ngingiti sayo, makipag-usap ka kung kailangan, kumain ka kung nagugutom ka, at higit sa lahat ay dapat i-enjoy mo lang ang gabing 'to, Sit!" Nakangiting sabi nya habang excited ang mga hakbang palapit kami sa bahay.

Medyo?

Ito ang medyo sa kaniya? Seryoso ba sya? Ang daming nandito. May mga pamilyar sa akin pero lamang pa rin ang mga hindi.

Nasa labas pa lang kami pero kaliwa't kanan na ang bumabati kay Reunella samantalang tahimik naman ako sa gilid. Hindi naman nakakalimutan ni Reu na ipakilala ako sa mga bumabati sa kaniya kaya binibigyan ko nalang ng simpleng ngiti o kaya naman ay tango.

"Ayusin mo 'yang awra mo," natatawang sabi nya sa akin. She's also pointing me with her finger!

"Bakit? Anong awra?"

Pigmented WallsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon