[c h a p t e r 0 4]

20 4 0
                                    

I DIDN'T ACCEPT HIM.

I just ignored his messages, his friend request; but I read his comments. Hindi naman gano'n kahaba ang comments nya. Parang nag-comment lang sya para may masabi. Puro "yes, I agree" sa motivational words at "HAHAHAHAHA" sa mga memes.

Nakakadagdag lang sya ng stress ko. Just like before, I chose to ignore him. Nag-post nalang ako ng picture ni Crayons. Pati ang cat lace nya ay kinunan ko rin para kung sakaling makita ng amo nya ay makikilala agad sya.

Kinabukasan ay maaga akong pumasok. Hindi na ako nag-breakfast. Ang ulam kagabi ay tinabunan ko lang sa lamesa. Hindi nakauwi si Mama kagabi sa kadahilanang hindi ko din alam. May hinala ako pero ayaw ko munang isipin 'yon, baka nasa bahay lang ng kaibigan niya. Pero wala pala syang kaibigan. Baka nasa bahay sya ng co-worker niya. Ewan.

Ilang beses ko syang ni-text kagabi pero walang reply. I even sent her a 50 pesos load, incase wala syang load kaya hindi sya makapag-reply. Pero walang response hanggang ngayon.

Nangyari na ito noon. Hindi sya umuwi isang gabi, kinaumagahan ay may dala na syang lalaki. 'Di ba? Ang galing lang. Mamatay-matay ako sa pag-aalala pero sya naman ay abot langit ang ngiti dahil sa lalaki nya.

Ipinikit kong maigi ang mata at napabuntong-hininga. Matagal na 'yon, hindi ko na dapat isipin pa.

Pumasok ako sa room at agad kong nakita si Reunella na nakayukyok sa lamesa. Tatlo pa lang sila sa room. 'Yong dalawa ay parehong tutok sa cellphone samantalang si Reunella ay nakayukyok at tila inaantok pa.

Nilapag ko ang bag ko sa upuang katabi niya. Hindi man lang sya natinay kaya inisip ko nalang na nakaidlip sya.

"Siti..."

Napatingin ako sa kaniya nang marinig ko ang pangalan ko. I arched my brow.

"Oh?"

"Make-up-an kita."

Pinangkunutan ko sya ng noo. Ano na naman bang trip nito?

Itinaas nya ang ulo nya at ang una kong napansin ay ang mata niyang namumula. Namumula din ang ilong nya. Ang nga pilik-maya niya naman ay kapansin-pansin ang pamamasa nito.

"Sinong umaway sa 'yo?" Taas-kilay kong tanong.

Umiling lang sya tapos ay may hinalughog sa bag niya. Inilabas niya ang liptint nya, sunod ay ang blush on kasama ang brushes nya, sunod naman ay ang iba pang make-up na hindi ko naman alam ang tawag.

"Pagagandahin kita para mapansin ka ng crush mo." Nakangiti nyang sabi.

"Wala akong crush, Reu."

Umiling naman sya. "Kahit na. Kailangan maganda ka para hindi ka pandirihan-"

"Wala akong pakialam sa mga lalaki kaya itigil mo 'yan."

"Ayaw kitang matulad sa akin. Ayaw kitang ma-"

Bigla akong tumayo kaya natahimik sya. Inunat ko ang aking braso bago sya tinignan. Nakayuko na sya habang mahigpit ang hawak sa liptint nya.

"Wala pa akong breakfast." Sabi ko kaya agad syang napatingala.

"Ha?"

"Samahan mo ako. Mahaba pa naman ang time. Libre ko."

"Ayaw ko. Tataba lang ako, e."

Isa isa kong kinuha ang mga gamit nya at ibinalik sa bag. Pinanood nya lang naman ang ginawa ko kahit na nagkalat lang yung mga gamit nya sa loob dahil basta ko nalang pinasok.

Pagkatapos ay nauna na akong lumabas. Tumalima naman sya at tahimik na sumunod. Pinantayan ko ang lakad nya bago ako nagsalita.

"Ikwento mo sa akin mamaya, makikinig ako."

Pigmented WallsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon