Masyadong magulo ang buhay ng tao. O mas tamang sabihing masyadong magulo ang buhay ng tao dahil sa mga desisyon nitong pabago-bago at padalos-dalos. Pero kahit na anong desisyon pa 'yon, kailangan pa ring panindigan.
I was not born with a beautiful life. Ni-minsan hindi ko nasubukang magkaroon ng kompletong pamilya. Kahit sandali lang. Hindi ako galit sa mundo, mas tamang sabihing galit ako sa mga tao sa buhay ko na pumili ng landas na 'di naman kayang panindigan. Oh, 'di ba? Nakakaputangina lang.
Sa huli, 'yong bunga pa rin ng mga desisyon nila ang kawawa.
"Sit, libreng ngumiti. Try mo, nakakaganda raw 'yan."
Inirapan ko si Reunella. "Talaga? Bakit hindi applicable sa 'yo?"
Nakanguso naman syang humarap sa akin. "Ang sakit mo naman! Hmp!"
"Tumahimik ka na nalang at magbasa ng wattpad, Reu."
"Hoy, oo nga pala! Kinikilig ako kasi sweet sweet na sila, pero nakakakaba rin kasi nasa kalagitnaan pa ako," nakangusong sabi nya.
"Mamamatay 'yong bida sa huli," seryosong sabi ko naman.
"No, no, no, no! Hindi maaari. Panira ka ng excitement. Ayaw ko na sayo! Hmp!"
Napailing nalang ako nang umalis sya sa upuan.Napayukyok nalang ako sa lamesa dahil sa walang magawa. 2 hours ang vacant namin ngayon. Nakakatamad talaga kapag masyadong mahaba ang vacant para sa susunod na subject.
Nasa library ako dahil inaya ako ni Reu na tumambay dito. Ewan ko ba sa babaeng 'yon, lakas ng loob mag-aya dito pero iniwan naman ako. Gusto pa akong pangitiin kanina. Bakit naman ako ngingiti nang walang nakakatawa? Siraulo ba ako? Mas nakakatakot kong ngumiti-ngiti ako nang walang dahilan. Porket nangingiti sya dahil sa ka-chat nya ay dapat din ba na ngumiti ako?
May naramdaman akong umupo sa harapan ko pero hindi ko na pinansin. Pinikit ko nalang ang mata ko at sinubukan kong umidlip.
Tok... tok... tok tok... tok...
Napadilat ang mata ko sa narinig na marahang pagkatok sa mesa. Dahan dahan kong inangat ang ulo ko para makita kung sino mang walanghiya ang kumakatok-katok sa mesa gayong alam naman nitong may natutulog.
Una kong nakita ay ang uniform nito na katulad sa uniform namin. White ang nasa loob, nakatanggal ang tatlong button sa gawing leeg kaya kitang kita ang kulay puti nitong damit panloob. Wala syang necktie. Ang maroon vest nya naman ay nakabukas kaya halata masyado na hindi maayos at tama ang pagkaka-butones sa loob.
Sunod kong nakita ay ang makinis nitong leeg, hanggang sa ang magagandang panga nito. Nakabaling ito pagilid, ang tenga ay may nakapasak na headset. Gumagalaw ang ulo nito na sinasabayan ng daliri nitong mahinang kumakatok sa lamesa, parang sinasabayan ang kung ano mang kanta ang pinakikinggan nya.
Hindi ako matandain sa pangalan, pero madali akong makaalala sa mukha. Anong ginagawa ng gagong 'to sa harapan ko?
Mukhang hindi nya napansin ang pag-galaw ko dahil patuloy pa rin sya sa ginagawa. Nasa gawing gilid kami, malapit sa binatana. Nasa labas ng bintana sya nakatitig. Gusto ko pa sanang matawa dahil mukhang feel na feel nya ang kanta.
Umayos ako at pinakatitigan sya. I folded my arms while both eyes were focused to his every movements. Gaya ng una kong kita sa kanya, gwapo sya. Gwapo na medyo seryoso pero gwapo na halatang pilyo.
Binaling nya ang paningin sa gawi ko at agad nanlaki ang mga mata nang makitang nakatitig ako sa kaniya. Hindi ko alam kung likas na OA ba sya dahil bigla syang napaatras. Biglang tumunog ang upuang inuupuan niya kaya halos lahat at nakatitig sa amin.
BINABASA MO ANG
Pigmented Walls
Romance"We all have walls we build to set boundaries for ourselves. You have yours as I do have mine. But what happened to this man? Trying his best climbing my walls when he has his but a pigmented one." -ˋˏ✄┈┈┈┈ World is indeed full of cruelty. For Siti...