[c h a p t e r 0 5]

17 2 0
                                    

"PAGLAKI KO GUSTO KONG MAGING DOCTOR!"

Masayang sabi ng isa sa mga kaklase ko. Pumalakpak naman ang Teacher ko at nagpasalamat sa kaniya. Iginala nya ulit ang kaniyang mga mata nang matapos na sa pagsasalita ang kaklase ko. Unluckily, our eyes met.

"Siti? Can you stand up and go in front? Kindly tell us what you want to be when you grow up."

Ayaw ko. Lahat sila nakatingin sa akin kaya halos manginig ako habang dahan dahang tumayo. Hindi ako sanay sa atensyon at mas lalong hindi ako sanay sa mga matang nakatutok sa akin na tila inaabangan ang pagkakamali ko... Mga matang handang manghusga sa akin sa isang maling galaw lang—gaya ng mga matang madalas kong makita sa tuwing naririnig ko ang mga sabi sabi tungkol sa sarili kong Mama.

"Siti?" Tawag ulit ni Teacher Lada.

"A-Ako si...Ako si S-siti... At paglaki ko... Gusto ko ng kompletong pamilya..."

"Siti? Hindi ba kompleto ang pamilya mo ngayon?" Naaawang tanong sa akin ni Teacher Lada.

Dahan dahan naman akong umiling at yumuko. Hindi ko alam kung paano nangyari pero ang katahimikan ay biglang napalitan ng tawanan at pangungutya.

"HAHAHAHAHA walang papa!"

"Hindi mahal ng papa nya!"

"Kabit kasi Mama mo!"

"Malandi kasi si Mama mo!"

"Kawawa naman, walang papa!"

"HAHAHAHAHAHAHHAHHAHAHAHA"

Dahan dahang lumiit ang paligid. Hindi ko halos makita ang mga mukha nila dahil sa sunod sunod na patak ng luha ko. Pati si Teacher Lada at tumatawang nakatitig sa akin—wala nang awa, wala nang pakikisimpatya.

Ayaw ko ng ganito.

Mama?

Mama... Tulong.

"Mama!" Agad akong napabangon mula sa bangungot.

I combed my hair using my finger as I hugged my knees. Nanginginig pa ang katawan ko, maging ang mga tuhod ko. Madilim na kwarto ang bumungad sa akin kaya medyo nataranta ako.

Hindi ako mahilig sa madilim na kwarto. Gusto kong matulog nang may liwanag simula pa noon. Mukhang pinatay na naman ni Mama ang ilaw kanina. Minsan kasi napapansin ko nalang na binubuksan nya ang pinto ko tapos titingin sa 'kin ng matagal tapos papatayin nya pa ang ilaw bago isasara ang pinto.

Nakakainis! Binabangungot ako kapag patay ang ilaw.

Dahan dahan akong tumayo at lumabas ng kwarto para makainom ng tubig sa kusina. Alas 4:00 AM na pala. Hindi na ako makakatulog nito.

Kumuha nalang ako ng snacks sa ref bago bumalik ng kwarto at pumuntang study table ko. Naglabas ako ng sketch pad at drawing pencils. Tinasa ko pa ito bago ako nag-umpisang gumawa ng outline.

Pigmented WallsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon