Tahimik lang ako sa gilid habang naghuhugas sya ng plato. Ako na sana ang nag-volunteer pero ayaw n'ya naman kaya hinayaan ko na. Nakaupo lang ako sa upuan at nangangalumbaba sa lamesa habang matamang nakatingin sa likuran nya.
Pagkatapos ay nakangiti nya akong hinaharap kaya napataas ang kilay ko. Ngiti nang ngiti.
"Hintayin mo 'ko dito, magbibihis lang ako."
Isang tango lang naman ang binigay ko. Tumalikod na sya at magaang humakbang papuntang hagdanan. Napatitig naman ako sa kawalan at inisa-isa ang mga pangyayari sa buhay ko.
Sa totoo lang, parang biglang nag-time lapse ang mga pangyayari. Kung paanong napunta na ako sa ganito ay hindi ko alam.
Last week ko lang sya nakita. Hindi ko nga rin alam kung anong ginagawa mya doon sa Barangay namin, eh. Sa sumunod na araw ay sunod-sunod ang paramdam nya.
Crush nya ako? Agad agad? Ano 'yon, crush at first sight? Masyadong malabo ang lahat. Everything happened too fast, I did not realize I'm starting to let this man talk to me freely.
Since then, I let my self sorrounded by walls I built to protect myself...from everything. But this past few days, seems like I'm letting people get into me. Muntikan pa akong madala sa kwarto ni Jason!
This is not me! What happened to the version of Siti I molded to face people boldly? Parang biglang nawala. 'Yon ang dahilan kung bakit biglang naging ganito ang lahat. Naging ganito kasi hinayaan ko.
Truthfully, I'm not mad with Reunella. I'm not putting any grudge against her, she's a good friend. Na-dissapoint ako, oo. Masyado lang akong na-dissapoint dahil umasa akong hindi nya ako iiwan doon. I'm new to that kind of environment...
I'm new to that kind of environment, yet I let my guards down.
Kasalanan ko din naman. Wala akong ibang sisisihin kung hindi ako lang. Ako lang naman kasi talaga. Palaging ako.
Lot of people judged and hated my mother because of me. Siguro kung hindi sya nabuntis sa akin ay hindi gano'n ang magiging tingin ng lahat sa kaniya. Siguro... Kung hindi sya naghangad ng kumpletong pamilya para sa akin ay siguradong hindi isang 'kabit' ang tingin ng tao sa kaniya. Kung hindi sya naghangad ng kumpletong pamilya para sa aming dalawa ay hindi sana sya nahihirapan noon... Hanggang ngayon.
"Tara, hatid na kita sa inyo." I looked at him.
He's wearing a simple cargo short and a plain navy blue shirt. Masyadong simple. Pero kung titignan, may kung ano sa kaniyang makakakuha ng interes mo. Maybe it's because of his smiles?
Mga ngiting masyadong magaan. Ngiting gugustuhin mong makita. Ngiting nakakapagtangal ng alalahanin ng kahit na sino. I think that's his asset, his sunshine aura. Ito 'yong tipo ng lalaking gugustuhin mong makasama... araw araw...pero hindi ako.
Magkasabay kaming naglakad palabas ng bahay nya. Sumakay kami ng Jeep papunta sa Baranggay namin. Tahimik lang naman ako buong byahe. He kept glancing on me but I stayed my mouth shut. Sya na din nagbayad ng fares namin, and I let him.
Pagkababa namin sa Jeep ay agad nya akong hinarap. He's still wearing his wide smile.
"Ayos lang ba sayong maglakad, or gusto mo mag-tricyle?" He asked.
Tinignan ko lang naman sya. He shouldn't be here anymore. Dapat umalis nalang sya dahil kaya ko na namang pumasok sa loob nang hindi sya kasama. Kung sakali, makakauwi na sana sya ng mas maaga. Masyado na akong nakakaabala sa kaniya.
"Hindi ka pa ba uuwi?" I asked him, too.
"Ayaw ko pa. Gusto pa kitang makasama... kahit ihatid nalang kita hanggang sa tapat ng bahay nyo."
BINABASA MO ANG
Pigmented Walls
Romance"We all have walls we build to set boundaries for ourselves. You have yours as I do have mine. But what happened to this man? Trying his best climbing my walls when he has his but a pigmented one." -ˋˏ✄┈┈┈┈ World is indeed full of cruelty. For Siti...