CH. 17 SWEET LIPS

814 21 1
                                    


Miro's POV

Kakatapos lang namin mag-close ng deal with Mr. Aquino. Kami ni Papa and Papa Albert ang nagpakahirap para makuha ang account nya. We were all happy. Lumabas na sila at nagpaiwan muna ako dito sa loob. I picked my phone. Nawala ang ngiti ko ng makita ko ang mukha ni Samantha. She is my wallpaper, yes. Ito iyong kinunan ko sya noong nagkukulitan kami sa kotse.

I miss those moments with her. Ngayon, parang may nagbago--- no, may nagbago talaga sa pagitan namin. She became cold and expressionless. Mailap sya sa akin. Wala na iyong makulit at maingay na Samantha'ng nakilala ko. Para syang nawala at pinalitan ng ibang pagkatao. I sighed.

Kung nasa bahay kami, kahit magkalapit lang kami, parang milya-milya ang layo nya sa akin. Minsan, tinutukso ko sya pero hindi na nya ko inaaway. Hindi nya ako pinapatulan. Dati rati, pag ginagawa ko iyon, halos mabingi ako sa lahat ng pinagsasabi nya. Iyong iba pa nga, out of topic na. Pero ngayon, tahimik sya. Lalayo pag lalapit ako. Naguguluhan na ako sa mga nangyayari. Wala naman akong ginawa sa kanya. Ang hirap nyang intindihin ngayon. Ganoon ba talaga ang mga babae?

I was about ko make a call for her ng may tumawag sa akin. Unregistered phone number. I answered it.

"Yes, hello." Bati ko.

"Mr. Kim, nabalitaan kong napunta sa inyo ang account ni Mr. Aquino." Matigas na tugon nya. I smirked.

"Ang bilis namang kumalat ng balita, Mr. Saragoza. Twenty-minutes palang iyong lumipas, nabalitaan mo na agad?" I said flauntly. Sa lahat ng businessman na nakilala ko, si Saragoza lang ang hindi karespe-respeto. I know, he's ages older than me but it doesn't bother me. Madumi syang maglaro kaya sinasabayan ko sya. Sa totoo lang, binalato lang sya ni Papa sa akin. And I thank him for that.

"You know how important Mr. Aquino to me, Mr. Kim. I needed that account more than anything." He said.

"Oh yeah. I know. Kaya nga kinuha ko. Baka nakalimutan mong kinuha mo rin ang account ng mga Antonio. I was just playing fair.Sabi ko. I heard him cuss.

"Putangina, Kim. Marumi akong maglaro baka nakakalimutan mo rin." He frustratedly say. I grinned. I know how he feels right now.

"Iyan ang hindi ko makakalimutan, Mr. Saragoza. Kaya nga nakikipaglaro ako sa iyo, fairly." Sabi ko. Natahimik sya bigla. Naghihintay lang naman ako sa kanya. Alam kong nag-iisip na sya. Napakunot ang noo ko ng tumawa nalang sya bigla. Siguro nababaliw na sya.

"I heard you're married. What's the name of your wife again? Samantha Eriena, right?" Nawala ang ngiti sa labi ko. Napahigpit ang kapit ko sa phone ko.

"Oras na may ginawa ka sa asawa ko, papabagsakin ko ang kompanya mo. Mamumulubi ka. Kukunin ko sayo lahat. Maski piso, hindi ko ititira sayo. You know I'm capable of doing that, Saragoza. I can even put you behind bars dahil sa nga illegal na gawain mo. Tandaan mo yan!" I hissed. I heard him laugh evily again. Mas lalong nag-init ang ulo. Kung nasa harapan ko lang sya, baka nasakal at napatay ko na sya.

"I know you're capable of anything. Pero alam mo rin ang kakayahan ko. Ha! Babae lang pala ang katapat mo." He drop the call. I grip my phone tight. Tumayo ako.

Tinawagan ko si Papa. After three rings, sinagot nya.

"Pa, nagbanta si Saragoza. I need security. Bukas na bukas, magpadala ka sa bahay ko. You too and please inform Papa Albert." I was pacing back and forth.

I'm Just The Substitute WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon