Samantha’s POV
We're on our way to NAIA. Nakatingin ako sa guide book ko na kakabili ko lang kanina sa national bookstore. I'm focusing more in Korea. Hehe. I really love Korea. From their culture down to foods. I want to try everything especially their jajangmyun and pork belly. Letche. Nagwawater tuloy ang bibig ko. I swear, pagkaapak ko ng Korea, silang dalawa ang una kong kakainin.
Lumingon ako kay Miro na kasalukuyang nakatingin sa phone nya. "Anong first destination natin?” Tanong ko sa kanya.
“Molla (I don’t know).” Sabi nya habang tutuk na tutuk sa phone nya. Sumilip ako at may tinitignan sya doon. More of number. Bwisit. Di ko maintindihan ang mga ganyan.
“Anong bansa yun?” Tanong ko na nae-excite. Napatingin sya sa akin.
“Simple Korean word you don't know? Why not try google translater? I think that could help you. Bobo." Umirap sya saakin.
“Sorry ha? Di naman kasi ako likas na Korean. Kpop-kpop lang kasi ako. Tss. Unano na nga wala pang modo." Iniripan ko din sya. Tinigil nya ang ginagawa sa phone nya at binulsa iyon. Lumingon sya sa akin.
“Bat mo ba ako palaging tinatawag na pandak ha? Eh mas matangkad naman ako sayo. 5’8 naman ako. Ikaw nga di pa nakaabot ng 5 feet.”
“Bakit ikaw? Bat mo rin ako tinatawag na matanda? Eh mas matanda ka naman sakin ng 5 years! Tsaka. Hoy! Nakaabot na ko ng 5 feet noh.” Sigaw ko. Pinitik nya ang noo ko.
"Aray! Ikaw namumuro kana sa akin ha!" Sigaw ko.
“Old-fashioned granny.” Sabi nya at tumawa. Pinitik ko rin ang ilong nya. Napahawak sya sa ilong nya at napadaing sya. Tumawa rin ako.
“Makalait ka! Mas matanda ka kaya saakin ng five years!"
“Are you sure?”
“Bobo! Twentyfour minus ninteen diba five? Akala ko ba businessman ka? Simpleng math equation lang. Buti pa ako kahit hate ako ng math alam ko mag addition!” Sigaw ko sa kanya. Kinurot ko ang tagiliran nya. Magsasalita na sana sya ng magsalita si Manong Driver.
“Andito na po tayo Sir, Maam.” Sabi nya. Sumilip naman ako sa labas ng sasakyan at nandito na nga kami.
Unang bumaba si Miro pagkatapos ay ako. Kinuha nya ang mga bagahe nya at nagsimula ng maglakad.
"Hoy! Saan ka pupunta? Hindi ka ba mang-aantay? Sumbong kita kay Daddy Alfred! Close na kami noon." Sigaw ko pero nagpatuloy lang sya. Napapout nalang ako. Kinuha ko narin ang bag ko.
“Ah! Ma’am may tatanong lang po sana ako sa inyo. Kung pupwede po.” Sabi sakin ni Manong driver.
“Ano po yun?” Tanong ko.
“Kung di nyo mamasamain, bat po ganun ang turingan nyo ni Sir Miro?” Tanong nya.
“Ah! Yun po ba? May sayad po kasi sa utak yung Sir nyo Manong, di nyo po lang alam. Teka, may ipapakiusap lang ako Manong. Pwede po ba?” Tanong ko.
“Ano po yun, Ma’am?” Tanong nya.
“Pwede po bang wag nyo nalang tung ibanggit kina Mommy Mara at Daddy Alfred? Baka kasi akalain nun nag-away kami. Alam nyo na. At saka, ganun lang talaga kami. Yun ang way namin mag-lambingan. Asaran. Pa-unique kami." Sabi ko habang nag-taas baba ang mga kilay ko.
“Ah. Ganon po ba? Wag po kayong mag-alala. Di ko to ibabanggit kina Ma'am.” Sabi nya at nag-smile.
“Tsaka manong, wag nang Ma’am ang tawag nyo sakin. Samantha nalang ha? Naasiwa ako. Hindi ako sanay.” Sabi ko sa kanya na natatawa pa.
BINABASA MO ANG
I'm Just The Substitute Wife
FanficSamantha Eriena Alegra-Fuentes A girl who had distance herself to love someone to avoid being left. Michael Rudolf Kim A man who had always given everything to his love of his life but ended up to be left alone. Tumira sila sa isang bahay para gumaw...