CH.10 WONT BE LEAVING

915 16 1
                                    


Samantha's POV

"Lets go to the bathroom." Sabi nya. Napalaki ang mata ko at nabitawan sya kaya napahandusay sya sa sahig. Napayakap ako sa katawan ko. Kung nakikita ko man ang mukha ko, malaki na ang butas nito dahil sa paghinga ko.

“Aray!” Sigaw nya. Tinignan nya ako ng masama. "Bakit mo ako binitawan?!"

“A-are we gonna do something?” Tumaas ang kilay nya. Mas napatakip ako ng katawan ng tignan nya ako ulo hanggang paa.

“Anong we? Ako lang. Just bring me to the bathroom. I need t---” I cut his sentence.

“Aba! Abusado ka ah! Pinakain at pinalitan ko na nga ang bedsheet mo tapos ngayon gusto mong punasan ang pwet mo pagkatapos mong magtae??!” Sigaw ko. Dinuro ko sya. Walang hiya! Akala nya! Porket may ibibigay sya sa aking tour guide aabusuhin nya ako. Paano na pag pinunasan ko ang pwet nya tapos mahawakan ko ang--- ang bolang kristal?!

“Sino bang nagsabi sayong tatae ako? Pupunta lang ako sa bathroom kasi magto-tooth brush ako.” Sabi nya na naiinis. Sinubukan nyang tumayo pero di nya nagawa. Napahinga ako ng maluwag at ngumiti ng malapad. Kaya inakay ko sya ulit.

“Hihihi. Sorry. Akala ko lang kasi.” Napahiya ako doon ah? Grabe naman kasi ang imagination ko. Masyadong magubat. Wild.

Naglakad na kami sa bathroom nya para mag-tooth brush sya. Umupo nalang ako sa iniduro para hintayin sya. Nakatingin lang ako sa kanya. Naghilamos na sya at nagpunas ng mukha.

"Give me my phone." Utos nya. Napairap ako.

"Ayoko ko nga. Pagod na ako." Sabi ko.

"Okay. Bring me to my bed." Tumingin sya sa akin. Tumayo ako at lumapit sa kanya. Inakbay ko ang kaliwang braso nya sa balikat ko para maalalayan sya.

Ibinagsak ko sya sa kama. Napaupo ako at napahiga sa kanyang kama. Hapon palang pero parang ang lasog lasog na ng katawan ko! Pagod na pagod na ako.

"Kunin mo yung remote." Utos nya. Napatingin ako sa kanya.

"Aba! Hoy! Pagod na ako. Punyemas. Asan na iyong tour guide na sinasabi mo?!" Sigaw ko sa kanya. Tinignan lang nya ako. Napaupo ako. Aba! Puta pala tung taong to. Pinagod lang ako para lang sa wala. Letche! Na-scam ako. Walang batasan!

"Hand me my phone." Sabi nya na naka-pokerface. Sinamaan ko sya ng tingin.

"Ikaw kaya kumuha? May paa ka naman diba?" Pagtataray ko.

"Edi sge. Wala kang tour guide." Sya

"Anong connect ng cellphone at ng tour guide ha?!" Sigaw ko. Napadaing sya. Tinignan nya ako.

"Hindi ko alam kong nagtatanga-tangahan ka lang ba o sadjang bobo ka lang talaga." Sabi nyang inis na inis.

Napaisip ako sa sinabi nya. Phone + Tour guide = Transaction? Oo nga pala noh? Bat ang ganda ko?

"Ah! Sareh. Maganda lang ako not bobo." He just rolled his eyeballs. Haha. Bakla talaga sya.

Kinuha ko ang phone nya sa mesa na kinainan nya kanina at inabot sa kanya. May tinawagan sya. Di ko na ina-narrate ang pinagsasabi nya. Di ko naman sya maintindihan. Nagko-korean kasi.

After 12345678910 years, natapos na syang makipag-usap sa cellphone nya. Humarap sya sakin. Ngumisi ako sa kanya.

"Settled. She’ll be here later." Sabi nya. Dahil sa tuwa ko ay napayakap ako sa kanya.

"Salamat Miro!" Sigaw ko. Kinalas nya ang mga braso kong nakayakap sa kanya. Napa-pout ako.

"Makalingkis ka." Sabi nya. Kinuha ko ang remote at binigay sa kanya.

I'm Just The Substitute WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon