Samantha’s POV
Nandito na ako sa bridal car. In any minute, magsisimula na ang kasal. Ang kasalan ng mga sinungaling. Kahit sabihin ni Mama na magpapanggap lang kami. Kahit balik-baliktarin man ang sitwasyon, pumasok pa rin kami sa isang malaking kalokohan at lalong mas malaking kasinungalingan.
Nakokonsenya nga ako kay Papa God dahil haharap kami sa kanya na di kami nagmamahalan. Na kahit kailan at kahit simbahan di kami mapag’iisa ang aming puso at kaluluwa. Utak nga namin di magkaisa, puso pa kaya? Ingudngud ko mukha ng pandak na yun sa bato eh. Makikita nya.
Kahit naman sabihin ko na sana di ako magsisi. Eh magsisisi at magsisisi rin naman ako sa bandang huli. Gusto nyo ba malaman kung pano ako napapayag? Well, ganito lang naman yan.
Lumabas na ako ng office ni Papa. Dumiretso na ako sa sala at doon naglabas ng sama ng loob. Pero sa kamalas-malasan, nadinig lahat ni Miro ang pinagsasabi ko. Bwisit! Naiimbyerna ako sa mukha nya. Lumabas nalang ako ng bahay at pumuntang garden para makapag mokmok ulit.
Ano bang pumasok sa utak nila at ipapakasal ako sa taong di ko kilala. At ang masahol pa dun, fiancee ng Ate yun eh. Di naman ako talo. Tss. Putang company merging na yan. Ano bang konek sa buhay ko yan? Wala naman akong pakialam jaan. May buhay akong akin.
“Eriena, nanjan ka pala. Kanina pa kita hinahanap eh.” Napalingon ako kai Mama.
“Mama naman, Samantha ako. SA.MAN.THA. Ayoko nga ng Eriena. Magkatunog kami ni ate, di naman kami twins.” Saway ko. Ayoko kasi ng pangalang yan. Masyadong girly. Tsaka, magka-tunog kami ni Ate. kaya Samantha ang gusto ko. Di naman kasi kami twins para R at L lang ang magka-iba sa pangalan.
“Okay. Samantha. Please! Pumayag kana baby.”
“Ayoko nga. Mama naman kasi! Ayaw makaintindi.” sabay stump stump ng paa ko. Bakit ba ang hirap nilang paintindihin na ayoko nga.
“Nak! Kahit ngayon lang naman oh? Please isalba mo naman kami. Anak maawa ka.” Pagmamakaawa ni Mama.
“Isasalba ko nalang po kayo pag bumagyo okay? Wag lang yan.” Ako.
“Anak, iniwan sya ng ate mo.” Mama.
“Wala akong paki. Tsaka ano ba yang idea nyo na magpapanggap kami ni Miro? Mama, pano kami magpapanggap kilala nanaman sya ng pamilya nung unanong yun. At saka? Hello, Mama? Nasa twentyth century na tayo. Hindi na uso ang mga bagay na ganyan.” Ako.
“Anak hindi naman nakilala ng pamilya ni Miro si Eliena . Noong tinanong ko si Miro tungkol jan, sabi nya ayaw daw ni Eliena para daw surprise. At eto nga, na'surprise tayo ng bongga." Sabi ni Mama.
"Ang gaga talaga ng Ate." Napailing nalang ako.
"Siguro, plinano na talaga to nang ate mo dati pa bago sila ma-engage ni Miro. Kaya anak, sige na naman. Pumayag kana. Sayang din yung regalo ng mga magulang ni Miro na honeymoon para sana sa kasal, World Tour din yun." Bigla naman akong napalingon kai Mama. Tama ba dinig ko? World Tour talaga?
"World Tour? As in buong mundo Ma? So that means, makakadaan ng Korea?" Napatagingting ang tenga ko.
"Oo anak. Di ba pangarap mo yun? Kaya sige na pumayag kana." Tumatagingting ang mata ni Mama habang nagsasalita.
"Tse! Ayoko parin. Makakapunta parin naman ako ng Korea. Di nga lang ngayon." Sus! Mag'iipon naman ako para jan kasi makakapagtrabaho din ako dba? Malaki daw sweldo ng Chef. And I'm planning naman to go to Korea. I'll be working there so soon. Hihihi!
BINABASA MO ANG
I'm Just The Substitute Wife
FanfictionSamantha Eriena Alegra-Fuentes A girl who had distance herself to love someone to avoid being left. Michael Rudolf Kim A man who had always given everything to his love of his life but ended up to be left alone. Tumira sila sa isang bahay para gumaw...