CH. 14 YUN BA

749 32 2
                                    

"Ma alam nyo namang hindi ako nagsusuot ng mga bagay na ganyan 'di ba?!" I hissed out of frustration. Kanina ko pa kasi pinapaintindi sa kanya na ayaw ko sa mga gamit na pinapasoot nya sa akin.

"Eh anak! Dapat gumawa na kayo agad ng mga little Samantha at little Miro di ba? Di ba?" Sabi nya na may tumatagingting sa kanya mga mata.

"Aish! Mama naman eh! Ang bata ko pa! Tsaka di ko sya totoong asawa! Kaya magtigil ka nga!" Sabi ko. Umakyat ako sa taas ng bahay dala-dala ang maleta.

Pagkarating ko sa kwarto ko ay ina-unpack ko ang gamit at kumuha sa closet ko ng mga gamit ko. Sunod ng sunod sa akin si Mama.

"Anak sayang naman yung pinamili ko. Ang gaganda kaya nito tapos di mo isusuot?" Tanong nya habang isa isang tinupi ang mga thong at lingerie.

"Edi ikaw ang magsuot. Alam nyo namang hindi ako sanay jan magsuot nyan tsaka may kasama akong lalake sa bahay, buti sana kung wala." Sabi ko habang nagkukuha parin ng gamit sa closet.

"Eh asawa mo naman yun anak kaya okay lang." Sabi nya. Tumigil ako sa kakakuha at tumingin sa kanya.

"Correction lang Mama. KUN-WA-RING asawa at paalala ko pa. Pinilit nyo saking ipakunwaring asawa. Kaya wag kayong assuming na may magiging bata sa pagitan namin dahil kahit gumunaw ang mundo, hindi ako bibigay dun... Kahit may abs yun." Hininaan ko ang boses ko sa huling kataga kaya imposibleng narinig nya yun. Nagpout naman sya at di na muling nasalita.

Tahimik akong nag-ayos hanggang sa natapos ako at hanggang sa umalis ako.

Sa totoo lang, nakokonsensya ako sa pinagsasabi ko kanina kay Mama. Eh sa nakakainis na. Pumayag na nga akong magpanggap na asawa, inaaboso pa! Gusto pa nilang magka-apo galing samin. Juspursanto! Ayoko! Ayoko talaga! Masyadong hindi makatao. Kahit ma-abs sya hindi talaga pwede!

Nakarating ako ng bahay at inayos ang gamit ko sa walk in closet. Pagkatapos nun ay nagbihis ako ng pambahay at naglibut-libot narin. Malaki ang bahay kaya medyo napagod ako. Nagsettle ako sa may pool banda.

Kinuha ko ang phone ko para tignan kong may nagtext ba pero wala naman. Wala man lang ni isang nakaalala sakin? Tss. Maka-GM na nga lang.

Nakakabagot naman dito. Walang magawa. :3
(Send to: Mama, Papa, Miro, Aldren and Ate)

Binulsa ko na ang phone ko at nagbuntong hininga. Makaraan ang ilang minuto ay nagvibrate ang phone ko. Kinuha ko iyon at tinignan.

From: Miro
Message: Maglinis ka para di ka mabagot.

(Tap reply)

To: Miro
Message: Wala namang malilinis dito eh.
Sent

From: Miro
Message: Matulog ka nalang.

To: Miro
Message: Kakagising ko lang ho! Baka nakakalimutan mo po!

From: Miro
Message: Edi mag-suicide ka nalang. Masaya yun!

Aba! Gago tong taong to ah! Tinago ko nalang ang phone ko. Nabubwiset ako sa presensya nya.

Kinuha ko ulit ang phone ko ng mag-vibrate.

From: Miro
Nagugutom ako. Lunch tayo.

Napataas ang kilay ko habang nagrereply. Pero nakangiti ako. Akalain mo? Nagyaya ang gago. Mukhang masarap talaga ang niluto kong pagkain kanina ah? Hohoho!

To: Miro
Aba! Nagyaya! Himala!
Sent

From: Miro
Wrong send.

I'm Just The Substitute WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon