CH. 9 BEHIND THE PAIN

940 15 2
                                    

Samantha's POV

Nagmulat ako ng mata ng matamaan ng liwanag ang mukha ko. Nag-unat ako at nagkuskus ng mata. Tinanggal ko rin ang morning glories ko. Napatingin ako sa gilid ko at nakita ko doon ang mukha ni Miro. Sisigaw na sana ako kaso hindi pa pala ako nag-tooth brush.

Pinakatitigan ko nalang sya. Hindi ko na namalayan na nasa mukha na pala nya ang kamay ko. I trace his eye, nose and his lips. Those lips. Napatigil ako. Napakagat labi ako ng maalala ko ang nangyari kagabi. Tinanggal ko na ang kamay ko doon. Bumangon na rin ako. Kinumutan ko sya ng maayos saka tumayo.

Pumunta ako ng banyo para i-check ang pamumula ng leeg ko. Napangiti ako ng wala na iyon. Ano kaya iyon? Hindi naman yun allergy at mas lalong hindi iyon pasa. Hindi naman ako sinakal ni Miro kagabi para magka-pasa ako.

"Sabi ko sayo mawawala lang yan." Napalingon ako sa nagsalita. Napatingin ako sa kanya mula ulo hanggang paa. Napatigil ako bandang iyon. Bakit umbok iyon? Napatakip ako ng mata.

"Ang halay mo! Ba-bakit ka ba nakaganyan? Magbihis ka nga!" Sigaw ko.

"What's wrong? Don't tell me you haven't saw a man wearing boxers before?" He annoyingly ask. Tinanggal ko ang takip sa mukha ko.

"Like duh?! Nakakita na ako. Marami sa magazine nyan. Yung iba nakabrief pa nga! Ang akin lang. Nakatutok sakin yang kamunduhan mo! Bwisit. Makaalis na nga! Panira ka ng umaga!" Sigaw ko. Umalis ako sa harap nya at bumalik sa kama. Napatingin ako sa salamin sa gilid ng kama. Ang pula ng pisngi ko.

---
At dahil di ko na'enjoy ang stay ko sa Japan ay lumipad na kaagad kami ng Korea. Two days and one night lang kami doon. Natatakot na rin kasi ako doon. Baka kasi makasalubong namin yung lalaking halos halayin ako. Baka sapakin kaming dalawa ni Miro noon. Buti sana kung si Miro lang. Wag na akong masali.

Usap-usapan din kanina ang receptionist na nasisante. Buti at nangyari iyon. Ang kapal ng alipunga sa mukha nya! Kung bitch sya, times one million ako. Akala nya!

Kakalabas lang namin ni Miro sa airport at dumiretso kami sa parking lot.

"Miro asaan na ang kotse mo? Napapagod na kasi ako." Sabi ko habang nakanguso. Ang sakit na ng balikat ko sa kakadala ng bag ko.  Ang bigat pa naman.

"Ito na ata yun." Sabi nya at lumapit sa itim na sports car. Mercedes Benz iyon.

"Buksan mo na." Utos ko. Binuksan naman nya yun. Inilagay namin sa likod ang mga gamit namin. Nauna akong pumasok. Maya-maya ay pumasok na rin siya.

Bumyahe na kami. Tahimik lang at walang imikan. Siguro pagod din sya. Sinalpak ko nalang ang headset ko at tsaka pumikit. Feel na feel ko kasi ang music. Stop The Love Now by Ben.

Maya maya, may napansin akong may kumapit sa hita ko kaya napadilat ako. Nakita ko ang kamay nya sa hita ko.

"Putanginis! Bakit mo hinawakan ang hita ko? Manyak ka!" Sigaw ko. Hinampas ko ang balikat nya ng tab ko.

"ARAY! Ano ba?! Akala ko kasi gear yung nahawakan ko. Sorry... Aray! Tama na nga. Mababangga tayo nito." Sabi nya habang nakadepensa sa sarili nya pero di parin ako tumigil. Hinampas ko sya ulit ng tab ko.

"Manyak ka! Rapist! Idedemanda kita ng sexual harassment!" Sigaw ko habang hampas lang ng hampas. Hininto nya ang sasakyan.

"Di nga sinasadja diba? Sorry na nga." Sabi nya at inirapan ako. Humirit pa ako ng hampas.

"Manyak ka. Sus! Kung alam ko lang na may pagnanasa ka pala sa akin, di na sana ako sumama sayo!" Sigaw ko. Hahampasin ko na sana ulit sya sa huling pagkakataon pero nahuli nya ang kamay ko at inilapit nya ko sa kanya. Kung may ruler lang ako ngayon, susukatin ko ang pagitan ng mukha namin. Siguro nasa one inch or half inch lang. Halos magkadikit na ang ilong namin.

I'm Just The Substitute WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon