CH. 5 HIS ABS

1K 16 0
                                    


Kailan ba matatapos to? Nababagot at napapagod na ako. Tsaka di din ako komportable sa suot ko. Ang iksi kasi ng dress. Mukha na syang second skin. Tapos yung pagkain pa, ang sama ng lasa. Ayaw kong kumain. Nakakasura!

“Bat di ka kumakain anak?” Tanong sakin ni Mama. Napansin siguro ako.

“Akala ko ba mayaman ang may-ari nga caterer nato? Akala ko ba kilala ang service nila? Bakit ganito? Di ba nila ma'afford ang mag-hire ng Chef? Ang sama ng lasa ng pagkain nila.” Sabi ko. Totoo naman. Ang ganda ng na-organize nilang lugar tapos sabog naman sa pagkain.

“Di naman anak. Masarap naman.” Sabi ni Mama.

“Tss. Baliktad ata dila nyo.” Sagot ko. Linalaro ko nalang ang tinidor.

“Arte.” Napalingon ako kai Miro.

“Joiner ka? Kasali ka sa usapan?” Joiner talaga tung mokong nato. Kami ni Mama ang nag-uusap, sumasabat.

“Did I say so?” tanong nya pero nakaharap lang sya sa plato nya.

“Hindi. Pero joiner ka pa rin. Imudmud ko mukha kaya mukha mo jan sa plato mo para makita mo ang inaasahan mo.” Bulong ko. Napalingon sya sakin na naka-poker face. Ginaya ko lang ang mukha nya.

“Matandang menopause. Di ka ba nakapag-aral?” Sabi nya. Nakapoker face parin sya.

“Anong sabi mo unano?” Aakma na sana akong hapasin sya ng tinidor na kanina ko pa hinahawakan nang suwayin ako ni Mama.

“Ano bang ginagawa nyo jan? Baka marinig kayo ng magulang ni Miro.” Bumalik nalang sa pagkain ang gago. Ako naman nakatunganga ulit.

Makaraan ang ilang oras ay natapos na ang program. Sa wakas! Makakauwi narin ako bes! Pagod na pagod na talaga kasi ako, PRAMIS!

Nandito na ako sa kotse ko. Pinadala ko kasi to dito para naman makapag-isa at makapag-isip ako ngayon. Papasok na sana ako ng may tumawag sakin.

“AH! Hija wait lang.” Sigaw ng isang tao. Lumingon ako at nakita kong papalapit sila Mr. & Mrs. Kim. Shet! Tumayo ako ng maayos. Para na nga akong tanga. Kulang nalang saludo, pwede na akong sundalo.

“Are you ok Hija?” Tanong ni Mrs. Kim. Nakalapit na pala sya.

“Ah. O-oo Mrs. Kim.” Sabi ko. Na-uutal pa nga ako eh.

“So ano payag kana?” Tanong ni Mr. Kim.

“Na ano po?” tanong ko.

“Sabi ko kanina, dun ka nalang muna sa bahay namin ngayong gabi. Napagpaalam kana namin sa magulang mo.” Sabi ni Mr. Kim.

“Ha? Ah eh... si-sige po.” Sabi ko. Kahit ayaw ko naman. Alangan namang sabihin kung ayoko, baka magtaka sila. Napanguso ako. Ano ba naman kasi itong pinasok ko. Bwisit naman oh!

May tinawag si Mr. Kim at pinapunta sa pwesto namin. "Sya nalang maghahatid ng kotse mo sa inyo hija. Halika na." Di narin ako nakasagot dahil hinila na ako ni Mrs. Kim. Pagpasok ko sa backseat bumungad agad ang mukha ng unano.  Inirapan ko nalang sya.

"Ganyan ba kayo mag'asawa? Di nagpapansinan?" Napatingin naman ako kay Mrs. Kim. Nakapasok narin sya.

"A-ah. Nagpapansinan na-naman po ka-kami. Siguro pagod lang. Hindi ba, Mahal ko?" Kulang nalang sumuka ako sa sinabi ko.

Dumikit ako sa kanya para convincing ang acting. At in all fairness! Mabango ang gago. Pinulupot naman nya ang kamay nya sa batok ko para umakbay. Akala ko nga sasakalin ako.

I'm Just The Substitute WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon