CH. 13 TWEETY BIRDY

778 38 6
                                    


Samantha's POV

Naalimpungatan ako ng may tumamang liwanag sa mukha ko. More specific, sa mata ko. Mas siniksik ko pa ang mukha ko sa dibdib ni Miro dahil inaantok pa ako. Gumalaw sya at kinalas ang pagkayakap sakin. Nakakairita naman ang gagong to. Hindi nakikiramdam. Sumiksik na nga ako para di ako masilaw. Tss. Bumangod nalang ako at sumandal sa head board tsaka pumikit ulit sandali.

We hugged all night. Yinakap nya ko buong magdamag. So? Anong big deal? Pinapagaan ko lang naman ang pakiramdam nya. As if namang may malisya doon. Ayoko kasing may nakikita akong nasasaktan at nalulungkot. Kargo de konsensya ko parin sya noh. Mag kasama kaya kami sa bahay at kapatid ko rin ang nanakit sa kanya.

Yung yakap, ginaya ko lang naman yung ginagawa ni Mama sa akin pag may problema sya. Wala rin kasi akong ibang alam na pang-comfort na gawin. Hindi naman ako magaling magbigay ng advices pagdating sa mga ganyang bagay.

Nagkuskus ako ng mata at tumingin sa wall clock.

"Seven-fortyfour na pal--- Seven-fortyfour?!!" Nagising ang diwa ko ng malaman ng tuluyan ang oras. Napatingin ako kay Miro na himbing na himbinh ang tulog. Kinuha ko ang unan nya at ang ugok, hindi man lang natinag.

"Miro! Gising na. May trabaho ka pa. Malalate kana!" Sigaw ko. Inalog ko rin sya

"Hmmm?" He groaned.
Inalog ko sya ng inalog ng malakas dahilan para mapamulat naman sya.

"Ano?!" He hissed. Pero nakapikit pa rin sya.

"Anong ano? Kurutin kaya kita sa singit para magising ka." Sabi ko. He just grinned.

"Ows? Magagawa mo talaga?" Tanong nya. Kinuha nya ang unan na kinuha ko kanina at tinakip sa mukha nya.

"Nyenye. Sige bahala ka jan. Quarter to eight na." Napabalingkawas sya ng higa at napatingin sa wall clock.

"Oh! Shit!" Mura nya. Dali dali syang tumayo sa kama at pumuntang bathroom. Ako naman nagtatakbong lumabas at pumunta ng kusina para maghanda ng kakainin nya.

I just fried bacon and egg. Nagtimpla din ako ng kape para sa kanya.
Natapos na akong maghanda ng pagkain nya pero di parin sya bumababa. Tinignan ko ang relo dito sa kusina. Eight-four na. Tumakbo ulit ako pataas patungong kwarto namin.

Ano bang ginagawa ng taong to at ang tagal matapos mag bihis? Pagpasok ko sa kwarto nakarinig pa rin ako ng agos ng tubig galing sa bathroom. Lumapit ako ng konti doon. I knocked three times.

"Hoy Miro. Alas otso na! Bilisan mo nga jan." Sigaw ko mula sa labas.

"Ha? Teka. Nagsasabon pa ako." Sigaw nya. Napataas ang kilay ko.

"Aba! Naubos nayang sabon sa kakakiskis jan sa balat mo." Sigaw ko pabalik.

"Just prepare my clothes!" Sigaw nya pabalik.

Pumunta ako sa walk in closet at kumuha ng at three piece suit. I choose the one with pink tie. Dito ko nilagay sa kama ang susuotin nya. Umupo na rin ako dahil napagod ako kakaakyan ng hagdan. Ang taas kaya noon.

After fifteen minutes, lumabas na rin sya sa bathroom na nakatapis lang ng twalya sa bewang nya. Napanganga ako.

Ang ganda ng built ng katawan ng lalakeng to. May six packs sya. Yung biceps din nya. Gurabe. Ang ganda. Mas maganda pala pag nakikita mo ng personal at ma-check mo ng masinsinan.

The last time na nakakita ako ng katawan ng lalake sa Japan pa iyon eh. Yung nakaboxers lang si Miro noon. Taba lang naman ang meron sa kanya. Hahaha. Pero may abs din iyon. Di lang nga halata.

I'm Just The Substitute WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon