CH. 11 MOVING ON

1.1K 33 10
                                    

Samantha's POV

Narito kami sa airport. It's our flight going back to Philippines. Napagdesisyonan namin na umuwi nalang since naging panandaliang baldado ang kasama ko. Kahit papano na-enjoy ko naman sa Korea kahit naging katulong ako ng gagong iyon. Hinintay ko lang na gumaling ng tuluyan ang mga sugat ni Miro sa paa para makabalik kami nang Pinas.

And speaking of Miro. Simula noong natulog na ako sa kwarto nya, palagi na nya akong iniinis tungkol sa multo. Nabubwisit talaga ako sa kanya.

"Wala ka na bang nakalimutan?" Tanong nya sa akin habang ngisi ng ngisi.

"Wala." Simple kong sagot. I look at my packs. Wala namang nabawas doon.

"I think you left someone." Napakunot ang noo ko.

"Sino naman? May iba pa ba tayong kasama?" Tanong ko. May kasama ba ako bukod kay Miro na naiwan dito? Nagkaanak ba ako dito para tanungin nya kung sinong naiwan ko? Hindi naman diba?

"Meron. I forgot the name. Who's that again?" Tanong nya. Mas napakunot ang noo ko.

"Ah! I remember. It's Momo right? Momo ang name noon." Sabi nya na nakangiting nang-aasar. Grabe talaga kaligayahan ng ulol nato, ang maasar ako. Binatukan ko sya. Tumawa lang sya.

"You know what? You're annoying." I hissed. Nababanas na talaga ako sa ulol na to. Kung pwede lang ihapas sa mukha nya itong bagahe, kanina ko pa ginawa. Pasalamat sya hindi ko kayang buhatin ang bagahe ko.

"You know what too? I'm Miro." Tawa nya. I just glared at him.

---
After eighteen hours of connecting flight, narating din namin ang Pinas. Nakakapagod pero noon makarating ako sa tapat ng bahay namin, bumalik lahat ng lakas ko.

Hinatid muna ako ni Miro sa bahay at sya naman umuwi sa bahay nya. Nasa harap na ako ng bahay ko ngayon. Napangiti ako habang tinitignan ang bahay ko.

"Finally. I'm home." I whispered. Tumingala ako sa bintana ng bahay namin which is my room. Kitang kita ko sa labas ang white and black curtain. Right now, I just want to jump over that window and lay on my bed. How I miss my room. I miss my home.

"Whats with that face?" Napatigil ako sa kaka-monolouge nang may marining akong isang pamilyar na boses. Luminga ako sa paligid. Sa likod, sa magkabilang gilid at sa harap. Napatigil ulit ako at napanganga.

"Aldren?" I shouted. He's at the door ako naman nasa gate pa.

"The one and only." Sigaw nya habang nakangisi ng bongga. He widen his arms.

Binitiwan ko ang bagahe ko at tumakbo papunta sa kanya. As soon as I reach him, yumakap ako nang napakahigpit sa kanya. As in mahigpit.

"Miss mo ko ano?" Tanong nya.

"Sobra." Iyon nalang ang nasabi ko. Minutes passed, nakayakap parin ako sa kanya. I just missed this trying-hard-to-speak-tagalog-man. Ilang weeks ko na ba syang di nakikita? I think its already a month? I just missed him. Sya lang ang nag-iisang kaibigan ko. Malamang sa malamang. Namiss ko talaga sya.

Bumitiw ako sa yakap. "How come you are here? Ikaw na talaga yan? Bakit ka narito? Bat ka pumunta dito sa Pilipinas? Kailan ka pa dito? How did you know that I lived in here?" Sunod sunod kong tanong.

"Woah! Easy baby." He chuckled. Hinampas ko ang braso nya.

"Shut up! Wa mo kong ma-baby baby." Sabi ko. Napatawa sya kaya napatawa rin ako.

"Pasok na muna kaya tayo?" Aya nya. Inakbayan nya ko.

"Maka-aya ka. Bahay mo?" I sarcasticly said. He just pinch my nose.

I'm Just The Substitute WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon