KABANATA 9

1K 9 0
                                    

THIRD PERSON POV

Umaga ng Lunes ay hindi mapakali si Paul. Pagkagising na pagkagising pa lang ay naisip agad niyang magkikita silang dalawa ni Georgia ngayong araw na ito. Babysitter si Georgia ng anak nila ni Mila na si baby Camille. Lunes hanggang Sabado ay pumupunta si Georgia sa bahay ng pamilya Madrigal para bantayan at alagaan si Camille. Pero ngayong hindi na kailangang mag-report ni Mila sa school tuwing Sabado ay hanggang Biyernes na lang kada linggo pupunta si Georgia sa bahay ng mag-asawa.

Hindi alam ni Paul kung paano pakikiharapan si Georgia matapos ang huling palitan nila ng chat messages kagabi. Muli niyang inalala sa isip kung paano niyang nahuli ang babysitter nila na may ginagawang kababalaghan sa kanilang bahay.

Mga ilang linggo nang napapansin ni Paul na laging nasa ibabaw ng patung-patong na labahin sa loob ng laundry basket ang kanyang used boxer briefs. Nagduda siya roon kaya naman umisip siya ng paraan para malaman kung sino ang gumagalaw ng kanyang used boxer briefs at ano ang ginagawa rito ng taong gumagalaw ng mga iyon.

Nag-purchase si Paul ng nanny cam at in-install sa isang household object na nasa loob ng laundry room. Hinding-hindi ito mapapansin ng ninuman na papasok sa loob ng laundry room. Sigurado siyang hindi ang misis niya ang gumagalaw ng kanyang underwear. Malakas ang pakiramdam niyang ang babysitter nilang si Georgia ang gumagawa niyon. Kung bakit ay hindi niya alam.

Nang araw ng photo shoot ni Paul para sa isang underwear brand ay nalimutan niyang i-check ang kanyang phone para silipin kung ano ang nangyayari sa loob ng laundry room ng kanilang bahay. Dagdag pa rito na inagaw ng photographer na si Molly at ng kasamang model sa phoot shoot na si Savannah ang buong atensyon niya na nauwi rin naman sa wala rahil tingin niya ay ginagamit ng dalawa ang photo shoot para matsansingan siya.

Medyo mainit ang ulo ni Paul ng araw na iyon dahil sa naging resulta ng underwear brand photo shoot kaya mas lalo niyang nakalimutan ang tungkol sa nanny cam. Nang makauwi siya ng bahay at makita si Georgia na naghihintay sa kanya sa sala ay saka niya naalala ang tungkol sa nanny cam. Mabuti na lang at pwede niyang i-playback ang footage na kuha ng hidden nanny cam sa loob ng laundry room gamit ang kanyang phone dahil paniguradong may na-detect na motion ang camera sa loob ng kwartong iyon.

Tumayo si Georgia mula sa pagkakaupo sa couch sa sala at lumakad palapit kay Paul. May ngisi sa mga labi ng babae habang papalapit kay Paul.

Georgia: Hi, Kuya Paul. Mabuti po at nakauwi na kayo.

Ngumiti lamang si Paul sa babysitter. Iniabot niya ang sahod ni Georgia para sa araw na iyon.

Georgia: Maraming salamat po, Kuya Paul.

Paul: No worries. Sana ay hindi ka magsawang magbantay sa anak namin ni Mila.

Ngumiti ng matamis si Georgia.

Georgia: Hinding-hindi po ako magsasawa, Kuya Paul. Kailangan ko rin po kasi ng pera.

Nang lumabas na ng bahay si Georgia ay pumunta si Paul sa loob ng laundry room. Hinanap agad niya ang used boxer briefs niya at tulad ng inaasahan ay nandoon ito sa ibabaw ng patung-patong na labahin sa loob ng laundry basket. Kinuha ni Paul ang boxer briefs. Pagkatapos ay kinapa at inamoy niya ang harap ng used boxer briefs. Amoy na amoy niya ang natuyong laway na humahalo sa natural na lalaking amoy niya at natuyong likido at pawis na mula sa kanyang sistema.

Aagawin Kita Sa Asawa Mo...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon