KABANATA 16

997 8 4
                                    

KACEY's POV

Kanina ko pa inaabangan kung sino sa limang babaeng aking binabantayan ang magpapakita ng kakaibang behavior.

Sina Barbie, Georgia, Krista, Sandy, at Savannah.

Ngunit lahat sila ay pare-pareho ng mga ipinapakitang kilos at galaw mula pa kanina.

Sa tingin ko nga ay parang lasing na silang lahat.

Nakita kong inaalalayan na ng talipandas na si Edgar ang asawa nitong si Sandy papunta sa loob ng isang kwarto rito sa aking malaking bahay.

Kanina ay nagpaalam na sa akin si Edgar na gagamitin nito at ng asawa nito ang isa sa aking mga kwarto.

Agad naman akong pumayag dahil nga house party itong in-organize ko at sinabihan ko naman ang aking mga bisita na welcome mag-stay dito sa aking bahay ang lahat ng gustong mag-overnight.

At saka naisip ko ring baka may matuklasan pa akong ibang bagay tungkol kay Edgar kung mag-o-overnight ito at ang asawa nito sa aking bahay.

Ngayong naghihiganti ako sa ibang mga residente rito sa Malaking Bato Subdivision ay napakahalaga sa akin ng bawat impormasyong aking matutuklasan.

Maliit man 'yan o malaki.

Kaya naman welcome na welcome na mag-overnight ang mag-asawang Edgar at Sandy dito sa aking bahay kahit na mag-extend pa sila ng isang linggo.

Napangiti ako nang makita kong parang pinagpapawisan na si Paul.

Talagang umeepekto na kay Paul ang inihalo kong pampataas ng libido sa kanyang inumin.

Perfect!

Ngayong natutulog na ang asawa ni Paul na si Mila sa loob ng isa sa mga kwarto rito sa aking bahay ay wala nang makapipigil pa sa aking plano na gawing isang tunay na taksil na asawa si Paul kasama ang babaeng nakainom din ng inumin na hinaluan ko ng pampataas ng libido.

Pero nakikita ko ring parang inaantok na si Paul.

Hindi kaya rahil iyon sa pagkalasing ni Paul?

Fudge.

Baka hindi makapag-perform si Paul kapag ganitong parang inaantok siya?

----------

THIRD PERSON POV

Hindi alam ni Paul pero parang init na init ang kanyang pakiramdam nang mga oras na iyon. Nakararamdam din siya ng pagkaantok.

Ang tanging naiisip ni Paul nang mga sandaling iyon ay ang pumasok sa loob ng isang kwarto.

Nabigla si Paul nang may mga kamay na umalalay sa kanya.

Nang lingunin ni Paul ang mga taong umaalalay sa kanya ay nakita niyang ang babaeng host ng house party na dinaluhan niya ang taong tumutulong sa kanya ngayon kasama ang kasintahan nito para makapasok siya sa loob ng isang kwarto.

Papikit-pikit na ang mga mata ni Paul habang nakatingin sa babaeng umaalalay sa kanya. Ngumingiti pa siya rito ngunit hindi ito ngumingiting pabalik sa kanya.

Aagawin Kita Sa Asawa Mo...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon